Kinabukasan, maaga ang call time ni Jaki kasi may opening prod sila ngayon. Kailangan 9am nasa studio na siya. Kaso late siya nagising kasi cellphone siya ng cellphone kagabi. Namimili siya ng gagamitin na picture nila ni Vice para sa wallpaper niya.
*Ting*
From: Tutoy 😘
Good morning, Jaki! Gising ka na ba? Kain ka breakfast bago pumasok :)To: Tutoy 😘
Good morning, Tutoy! Late nga ako ng gising eh kaya nagmamadali ako papuntang studio.To: Jaki 😍
Ah ganun ba. Ingat ka ah. Baon ka na lang para mamaya makakain ka.Love you my future girlfriend 😘
Kinilig si Jaki kaso nagmamadali siya kaya dumeretso agad siya sa kotse at umalis na.
Pagdating sa studio, walang break break kasi ang intense ng rehearsal nila. Nahihilo na si Jaki sa sobrang gutom pero push pa rin siya sa rehearsals. Medyo nanghihina na siya at napansin naman ito ni Maddie.
Maddie: Jaki! Ok ka lang? Namumutla ka yata.
Jaki: Oo ok lang ako. Gutom lang to. Di kasi ako nagbreakfast eh.
Maddie: Bat di ka nag breakfast? Alam mo namang Saturday ngayon. Kaya madami tayong gagawin.
Jaki: Na-late kasi ako ng gising.
May kumatok sa dance studio at binuksan to ng isang dancer.
Dancer: Ate Vice? Ano pong ginagawa niyo dito? 11 pa lang ah?
Vice: May gusto lang kasi akong ibigay. Eto o bumili ako ng kape saka sandwich para sa inyo.
Nagtilian ang mga dancers. Yung iba parang kinikilig pa. At sino ba namang hindi kikiligin. Ang lakas ng dating ni Vice. Naka skinny jeans na ripped, muscle shirt (hindi siya ganun ka maskulado pero bagay sa kanya) tapos naka white sneakers. Boyfriend material ang dating.
Dance instructor: Wow ang bait mo naman Vice! Salamat ah!
Vice: Wala to ate.
Lumapit siya kay Jaki at pinunasan ang pawis nito.
Vice: Namumutla ka. Sabi ko sayo magbaon ka eh.
Jaki: eh. Hehehe nagmamadali kasi.
Vice: Kumain ka na dun. Baka himatayin ka pa. Kita tayo mamaya *hinalikan ni Vice ang kamay ni Jaki at lumabas na ng studio*
Namula si Jaki kasi ang daming nakakita.
Maddie: Girl???? Boyfriend mo???
Jaki: ah hindi. Manliligaw pa lang 😅
Ibang dancers: Manliligaw?? Swerte mo naman Jaki! Si Vice pa! How to be you po? Congrats ah! Sasagutin mo ba?
Jaki: Kakatanong lang niya sakin kahapon. Sa tamang panahon, sasagutin ko siya.
Dance instructor: O tama na ang kilig at chismis. Kumain na kayo. Magbreak muna tayo tapos balik rehearsal na ulit.
Nagsimula na ang Showtime. As usual, si Jaki ang center girl. Mala ballroom ang prod nila kaya may ka-partner silang mga lalaki.
(A/N: Tinanggal na pala sa show si Tony kasi sinabihan ni Vice ang management kung anong nangyari)
Habang sumasayaw, napatinginsi Jaki sa gilid. Nakita niyang nanunuod si Vice. Hindi naman siya laging nanunuod ng opening prod, pero nandun siya ngayon. Nakakunot ang noo.
Hala nagseselos ba siya. Cute niya Hihihi, sabi ni Jaki sa sarili niya. Mas lalong ngumiti si Jaki kasi natatawa siya sa pagseselos ni Vice.
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".