Showtime Concert sa USA

1.6K 56 19
                                    

Halos mag dadalawang buwan na since naging sila Vice at Jaki. May naka schedule na Showtime Concert sa US. Pwede silang magdala ng plus one. Kaya ang plinus one ni Vice ay si Jaki. Kasi ang original na plano, mga hosts lang ang pupuntang US.

First out of the country trip nila to as a couple at excited na sila kasi finally makakabalik na ng LA si Jaki after more than a year. Si Vice naman excited na din kasi makikita na nya ang kanyang pamilya at mapapakilala na niya si Jaki sa kanila.

1 week before their flight

Nasa department store sila Vice at Jaki.

Jaki: Babe! Anong gustong pasalubong ng mama mo? Kailangan may dala ako pagbisita sa inyo.

Vice: Hmmmm....gusto daw niyang pasalubong ay...APO

Binatukan ni Jaki si Vice.

Jaki: Balakajan

Vice: Eh yun naman talaga bilin niya sa kin eh. Gusto daw niya magka apo galing sa akin kasi ako lang naiisang lalake sa amin.

Jaki: Eh bat di mo kasi binibigyan?

Vice: Ayaw pa kasi ng future nanay ng mga anak ko eh 😏 *nilagay ang mga kamay niya sa bewang ni Jaki*

Jaki: Talagang ayaw ko. Di pa tayo kasal eh

Vice: Pero pumapayag ka na maging future nanay ng mga anak ko? 😃

Jaki: Pagiisipan ko pa.

Vice: Babe naman eh... *nilalambing si Jaki*

Jaki: psst tumigil ka nga. Nasa labas tayo. Ang dami nakatingin o.

Vice: Wala kong pake :p

Jaki: Lika na. Madami pa tayong bibilhin. Yung mga ate mo pala, anong gusto nila?

Vice: Pamangkin daw

Jaki: -____- bala ka na nga diyan. Ako na lang magshopping mag isa. *tinulak ni Jaki ang push cart*

Vice: Eto naman o. Di mabiro *inakbayan si Jaki*

Namili sila ng mga pasalubong para sa kanilang mga pamilya. Mga bagay at pagkain din na wala sa US. Pag katapos, hinatid na ni Vice sa bahay si Jaki.

Vice: Do you need help with packing?

Jaki: Hindi, kaya ko na to.

Vice: Okay. See you tomorrow. Love you babe *sabay halik sa labi ni Jaki*

1 week later...Day of the flight

Direk: Here are your boarding passes, hosts sa first class, crew sa economy. Sorry sikip ng budget eh

Crew: Ok lang po direk! Basta makaalis ni Pinas.

Syempre hindi naman papayag si Vice na nasa economy si Jaki kaya sinabihan niya si Direk na bilhan ng first class ticket si Jaki. Mag katabi sila.

Nag board na sila ng plane.

Vice: Psst babe. Alam mo ba pwedeng tanggalin yung divider na to? Tapos pwedeng gawing double bed para-

Jaki: hep *nilagay ni Jaki ang kanyang daliri sa labi ni Vice bago pa niya ituloy ang sasabihin niya*

Vice: Bakit? Sasabihin ko naman para pwede tayo tabi matulog.

Jaki: Weh? Alam ko may iba kang sasabihin eh. Nuod tayo ng movie.

Pagkatapos ng dalawang movie, inantok na ang dalawa kaya pinaayos nila ang kama sa stewardess. Pinatanggal nila yung divider para magkatabi sila. Magkayakap silang nakatulog.

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon