"Jaki, pwede ba kitang ligawan?"
Nakatitig lang sila sa isa't isa. Hindi humihinga si Vice. Bakit di sya sumasagot? Di pa pwede? :(
"You can say N-" Hindi na natapos ni Vice ang kanyang sasabihin kasi biglang yumakap sa kanya si Jaki.
Yumakap sa kanya si Jaki kasi sobrang saya nito. She thought he'll never ask. Sa 3 months na naka lipas, onti onti ng nahulog ang loob ni Jaki kay Vice. She was just waiting for him to ask.
Flashback 2 months ago
Nasa isang beach resort sila ni Anne para mag bakasyon. Holy week kasi, kaya taped ang Showtime. Meron silang 1 week. Kaya napagdesisyonan nilang pumunta duon.
Kasama nila si Anne, Erwan, Vhong, Jhong, kanilang mga shota, K, Yael, Teddy, Jugs at kanilang mga misis. Parang partners escapade? Hahaha pero syempre hindi sila partner ni Vice. Partners in crime pwede pa. Pero partners in life hindi. Pa.
Private beach ito kaya sila lang ang tao. Naglaro sila ng beach volleyball, beach soccer, nagswimming sa napakagandang dagat, nagkwentuhan sa may apoy nung gabi.
Masayang masaya si Jaki dahil marami na siyang kaibigan ngayon at supportive din sila. Mababait silang tao kahit mga artista and established na ang kanilang career.
After dinner nung last night nila sa resort, naglalakad sila sa beach, partner by partner. Magkakasunod lang sila. Nasa dulo naman sila Jaki at Vice. Nakita naman ni Jaki na lahat nung nasa unahan nila, naka holding hands. Nainggit siya. Nakita naman ni Vice na nakatingin si Jaki sa mga kaibigan nila.
Inakbayan ni Vice si Jaki, na ikinagulat nito.
Jaki: Huy Toy, anong ginagawa mo?
Vice: Inggit na inggit ka kasi eh. Bayaan mo, darating din siya. Sa ngayon, ako muna.
Napatingin si Jaki kay Vice. Bumibilis ang tibok ng dibdib ni Jaki. At manghang mangha siya sa nakikita niya ngayon. Sunset na kaya orange ang sky tapos natatakpan ni Vice ang araw kaya silhouette lang niya ang kita.
Ang gwapo ni Vice. Ma-offend siya kung gusto niya pero ang gwapo niya. Yung malaki nyang mata na parang malulunod ako tuwing tintingnan ako. Matulis niyang ilong. At ang malambot niyang labi na parang masarap hali- OPS HINAY HINAY SA DAMDAMIN JAKI
"I think he's already here." Pabulong na sabi ni Jaki habang nakatingin kay Vice.
"Ha? Ano yun? Di kita narinig" tanong ni Vice
"Wala, sabi ko salamat bestie. Dahil nandyan ka."
"Sus. I'll always be here for you. Di mo man ako tawagin, nandyan pa din ako."
Hinwakan ni Jaki sa bewang si Jaki gamit ang isa nyang braso. Nakaakbay pa rin si Vice. Ganun na sila naglakad papunta sa beach house nila.
Nung gabing yun, lumabas si Jaki sa likuran ng beach house kung saan nakaharap ito sa dagat. Ang sarap pakinggan ng tunog ng alon. Tahimik ang lugar kaya napakarelaxing. Ang dami ding bituin sa langit. Ngayon lang sya nakakita ng ganito kadaming bituin.
"Wow ang ganda" manghang sinabi ni Jaki.
Ang ganda talaga, isip ni Vice habang minamasdan si Jaki sa likod. Nakita niya kasi itong lumabas kaya sinundan niya ito.
Vice: Jaki, anong ginagawa mo dito? *tinabihan si Jaki*
Jaki: Ineenjoy ko lang yung last night natin dito. Back to work na naman kasi tayo after Sunday.
Vice: Mahilig kaba manghingi ng signs?
Jaki: Anong signs? Depende. Pagnagdrive ako syempre kailangan ng signs pano kung mawala ako.
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".