Hala re-replyan ko ba siya? Pag di ko sya nireplyan baka sabihin nyang I'm road. Eh pag nagreply ako, anong sasabihin ko? Natural sagutin mo yung tanong nya. Ano ba naman yan Jaki 😂 gustong batukan ni Jaki yung sarili nya.Hay nako bukas na nga. Madami pa kong aasikasuhin. Meron na agad akong audition bukas. Kausap ni Jaki yung sarili nya.
Agad naman itong nagayos ng gamit at tinutulungan sya ni Yaya Ising. Matagal na nilang kasambahay si Yaya Ising. Simula bata palang mga kuya niya, sya na ang nagaalaga. Kaya hanggang ngayon siya pa rin ang pinagkakatiwalaan nila ng bahay nila sa Pinas.
Pagkatapos ng mahigit isang oras. Natapos na din at nagsimula ng maghilamos at magpalit ng pangtulog si Jaki.
Kinabukasan...
Maagang nagising si Jaki dahil sinabihan sya ni Yaya na matraffic sa Pinas kaya kailangan maaga syang umalis. Linggo ngayon tiyak madami ang lalabas ng bahay. 12pm pa naman audition nya pero gising na sya ng 6am.
Agad agad naman itong nagshower at bumaba para kumain. Pagkababa niya nakahanda ang breakfast.
"Wow! Tocino and fried rice!" natuwa si Jaki sa ulam.
"Meron ding egg dyan, iha." Sabi ni Yaya Ising, na tuwang tuwa dahil may kasama na sya sa bahay ngayon.
Habang kumakain si Jaki, nagbrowse sya sa twitter, IG at saka facebook. Pumasok sa isip nya si Vice. Nagsearch sya sa IG at agad naman nyang nakita ang profile nito. Wow! Daming followers ha. Ma-follow nga.
Ay! WAIT LANG. Eh di makikita nya yung notification na finollow ko sya. Eh di ko pa narereplyan yung text nya kagabi 😭 Pinagalitan ni Jaki ang sarili nya.
Wait lang Jaki. Ikaw lang ba Jaki Gonzaga sa mundo? Hindi naman di ba. Baka di nya malalaman na ako yun. Saka ang dami naman nyang ginagawa para mapansin yun di ba? Sige stalk ko na lang sya 😊
Somewhere Sa Ortigas...
*Ting* Jaki Gonzaga followed you on instagram
Muntik ng mabuga ni Vice ang iniinom nyang kape. Wait...tama ba yung nakita ko?? Si Jaki??
Agad nyang inopen ang IG at tiningnan ang recent notifications. Sabay open sa profile ni Jaki.
Si Jaki nga. Eh bakit di pa nya ko nireplyan? Maling number ba yung binigay nya sakin? O wala syang load? Ma-dm nga.
Somewhere in Makati...
*Ting* Vice Ganda followed you on instagram.
*PWWWWW* nabuga ni Jaki ang juice na iniinom nya at naubo.
Yaya Ising: "Iha, ok ka lang ba? Nabulunan ka ba?"
Jaki: Di po Ya. Ok lang po ako.Nabulantang si Jaki sa notification. Hala nakita nya?? Ano ba yan...ang aga aga kabado na agad ako..
*Ting* Vice Ganda messaged you.
Vice Ganda: Hi Jaki 👋🏻 salamat sa follow ha.. so alam mo na pala screen name ko...bakit di ka pala nagreply kagabi? Tama ba yung number na binigay mo sakin? HeheAnubayan. Tiningnan ni Jaki ang orasan. 7am na pala. Kailangan na nya magbihis kaya di muna nya inintindi yung message. Mas mahalaga ang audition.
Pagkatapos nya magbihis, nagpaalam na sya kay Yaya Ising at sumakay sa kotse. May driver sila.
Sa kotse, nagdecide na syang replyan si Vice.
To: Jose Marie Viceral
Hi Vice! Sorry ha di ako nakareply agad. Dami ko kasing ginawa eh. Yes, i reached home safely naman :) thanks for asking. Ikaw pala?
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".