A Keeper

1.5K 61 23
                                    

Malapit na ang birthday ni Vice. Last October 31, binigyan ni Vice si Jaki ng engrandeng birthday party. Ginanap to sa MOA Arena at madaming artista ang invited. Mala debut ang party. May 23 roses at may mga live performances pa ng mga banda.

Simula ng sinagot ni Jaki si Vice, punong puno ng pagmamahal ang pinapakita ni Vice. Gustong ibalik ni Jaki ang sobra sobrang pagmamahal na binibigay ni Vice sa kanya. Kaya ngapaplano siya ng isang surprise birthday party. Gusto niya maging intimate ito kaya puro family and close friends lang ang invited. Dati kasi, puro friends at acquaintances ang mga kasama ni Vice pag nagbirthday. Minsan lang niya makasama ang pamilya niya dahil nga nasa ibang bansa sila.

Kinonsulta niya sila Anne kung ano ang magandang gawin.

Anne: Sabihin mo magbabakasyon kayo. Kayong dalawa lang para sa birthday niya.

K: Boracay! Maganda dun!

Anne: Siargao kaya?

K: Ay oo nga! Maganda dun!

Anne: Bibigyan kita ng mga contacts ko sa mga party arrangements.

K: Meron akong masarap na caterer. Ilan ba iinvite mo?

Jaki: Yung mga close friends lang niya. Plano ko din isama pamilya niya

Anne: All of them? Wow girl ah bongga

Jaki: Ang sabi niya kasi mga 6 years ago na since nakasama niya ang pamilya niya nung birthday niya. Nung nag 21 siya.

Tinulungan nila Anne si Jaki magplano at mag arrange ng mga flights para sa mga bisita. Si Vice naman nagtataka kung bakit napapadalas yata ang pag hang out nila Anne sa bahay niya.

Vice: Anne, anong ginagawa niyo sa bahay niyo? Bat laging nandyan si Jaki?

Anne: Naghahang out lang kami. Girls' day out ganern. Inggit ka?

Vice: Di no. Nagtataka lang

Anne: Kasama mo na nga siya araw araw eh. Pahiram naman.

Vice: Sige na babush

A few days before the event, sinabi ni Jaki na magbabakasyon sila ni Vice. Nasa bahay sila ni Vice.

Jaki: Babe, i booked a reservation for the two of us. Yun na birthday gift ko.

Vice: Talaga? Pinayagan tayo ni direk?

Jaki: Oo naman tayo pa

Vice: San tayo pupunta?

Jaki: Sa Siargao

Vice: Wow! Matagal ko ng gusto pumunta dun eh. Makikita na din kitang naka two piece hehehe

Jaki: Ikaw yung utak mo puro karupukan. Sige mag trunks ka?

Vice: Sige. Nagwowork out na ko no

Jaki: Sabi mo yan ah

Vice: Kailan tayo aalis?

Jaki: March 30. Haggang April 1.

Vice: Thank you in advance baby ko

Jaki: All for you

Jaki: Baby gusto mo ng kumain? Baby ko?

Vice: Busog pa ko eh

Jaki: Baliw hindi ikaw. Si Chip In

Vice: Akala ko ba ako baby mo? :(

Jaki: Si Chip In baby ko. Ikaw, baby damulag ko

Dahil nga wala sila Vice, nakatape ang Showtime. Nagtataka naman si Vice kung bakit, kasi silang dalawa lang naman ang magbabakasyon. Sabi daw ni direk, mamimiss daw ng fans pag wala silang dalawa.

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon