Over and Out

1.4K 61 35
                                    

"Break na tayo"

Those words crushed Vice's heart. Nagdrive paalis si Jaki.

Napaupo si Vice sa sahig. Totoo ba to? Please tell me this is a dream. Please tell me this is just a nightmare. PLEASE

Lumabas si Cess suot ang damit ni Vice. Tumingin sa kanya si Vice.

Vice: Ikaw babae ka! Alam mo wala ako sa wisyo pero pinagsamantalahan mo ko

Cess: Anong ako? Ikaw kaya nagsabi wag kitang iwanan at tabihan kita at ikiss kita

Vice: THOSE WORDS WERE NOT FOR YOU! THEY WERE FOR JAKI

Cess: EH PANO KO NGA MALALAMAN? AKO LANG NAMAN KASAMA MO KAGABI

Vice: Bakit naman kita sasabihan nun Cess? Eh magkaibigan lang naman tayo di ba? Nothing more

Cess: Pagkatapos mo ipasok sa kin yan, ganyan ang sasabihin mo?

Vice: I'm sorry Cess. Alam mo wala ako sa sarili ko when I did it. Dapat pinigilan mo ko

Sinampal ni Cess si Vice at kinuha ang damit niya sa taas. Tuluyan na siyang umalis. Si Vice naman halos gumapang na papunta sa loob ng bahay niya. Humahagulgol.

"Jaki! Please! I'm sorry! Hindi ko talaga sinasadya!" sigaw niya sa malaking bahay habang nakalagay ang kamay sa puso. Kailangan kong agapan to

Tumayo siya agad at kinuha ang phone. Tinawagan niya si Vhong.

Vhong: Hello?

Vice: Tulungan mo ko Vhong please. Please

Vhong: Bakit ano nangyari?

Vice: May nagawa akong kasalanan. Pero I swear hindi ko sinasadya

Vhong: Ano bang ginawa mo?

Vice: I had s*x with another woman

Vhong: ANO? TAMA BA NARINIG KO VICE?

Vice: Hindi ko naman sinasadya

Vhong: Panong hindi sinasadya??

Vice: Eh kasi gusto ko lang naman pagselosin si Jaki kay Cess. Eh nalasing ako tapos nabanggit ko kay Cess na tabihan niya ko. Tapos yun. Nung umaga nakita kami ni Jaki. Break na kami

Vhong: Eh tanga ka pala brad eh! Bakit mo ginawa yun? Ano bang ginawa sayo ni Jaki? Dahil kay Matt ba?

Vice: Oo dahil sa lintik na Matt na yun!

Vhong: Hindi naman kami nagkulang ng paalala sayo na trabaho lang yun Vice! Ano ka ba naman! Ang tagal mo na sa showbiz pero bakit hindi mo naintindihan ang sitwasyon ni Jaki??

Vice: Naunahan ako ng galit at selos...

Vhong: O tingnan mo kung anong nangyari?? Kaibigan kita Vice..pero sasabihin ko sayo ang totoo..Hindi ko alam kung mapapatawad ka pa ni Jaki

Binaba ni Vice ang telepono. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. Hindi. Hindi ko pwedeng patagalin to.

Nagbihis siya at sumakay sa kotse. Pupuntahan niya si Jaki.

Pagdating niya sa may guardhouse, pinigil siya ng security.

Security: Sir Vice, saan po punta niyo?

Vice: Kanila Jaki Gonzaga po

Security: Nako sorry po Sir pero banned na po kayo. Utos lang po sa amin

Vice: Anong banned???

Security: Sorry po. Sinabihan lang po kami. Umalis na lang po kayo bago po namin tawagin ang pulis.

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon