Monday
"Aray. Di ako makatayo" napangiwi si Jaki.
Sumasakit ang puson niya. Yung bwanang dalaw. Kumatok si Mummy sa pinto.
Mummy: Jaki, bangon na. Breakfast ka na. Baka malate ka.
Jaki: Mummy, I don't think I can make it to work today. Sobrang sakit ng puson ko eh.
Mummy: Ganun ba. Paalam ka na lang sa boss mo. Tapos pahinga ka na lang dito sa bahay. Wala naman kaming lakad ngayon.
Jaki: Sige, paalam na lang ako.
To: Direk
Direk, sorry po. Hindi po ako makakapasok ngayon. Sobrang sakit po ng puson ko. Di ko po kayang tumayo.From: Direk
Ah ganun ba. O sige. Rest well and take care.Sa sobrang sakit, di na niya nakayanan matext si Vice. Uminom siya ng painkillers at nakatulog. Sasabihan naman siya ni direk.
Sa showtime studio...
Direk: Vice, di daw makakapasok si Jaki ngayon. Masakit daw puson.
Vice: HA? Bat di na sinabi sakin?
Direk: Bakit naman niya sasabihin sayo? Boyfriend ka ba niya?
Vice: Hindi pa.
Direk: Hindi pa???
Vice: Nililigawan ko siya direk. Pwede po ba?
Direk: Sigurado ka Vice? Hindi ko madidiktahan ang puso mo. Basta sigurado ka sa ginagawa mo. Ayaw kong masira ang dynamics ng show natin kung magbreak kayo.
Vice: Wag ka magalala direk. Positibo ako, kami hanggang dulo.
Direk: Kung saan ka masaya, dun ako. Sige good luck sa panliligaw.
Vice: Salamat po.
Nagalala naman si Vice. Di niya alam ang gagawin. Nilapitan niya sila Anne. Sakto naman na puro babae ang nasa DR ni Anne. Nandun si Anne, K at Tsang.
Vice: I need advice. Masakit kasi puson ni Jaki. Buwanang dalaw. Kaya wala siya ngayon.
Anne: Painkillers usually ang tinetake ko.
K: Ako naglalagay ng hot compress sa puson. Pwede ding mainit na tubig sa bote.
Tsang: Bawal malamig an iinumin.
Vice: Wait di ko kayo mafollow *tinatype kasi ni Vice ang sinasabi nila*
Anne: Wow ha. Ang effort.
Vice: Ganun talaga pagmahal mo.
K: Naks naman. Lalaking lalaki ah.
Vice: Any food to make it better?
K: Chocolates?
Anne: Depende kasi sa tao yun. Iba iba kami. Tanungin mo na lang siya.
Vice: Ok salamat. Pupuntahan ko siya after Showtime.
Nagsimula na ang Showtime. Hyper pa din naman si Vice, pero malungkot din.
Sa Pogi Men na segment...
Anne: Halika ka na, magtanungan na tayo. Ay wala si Jaki.
Vice: Oo. Masakit daw puson.
Anne: At alam mo talaga ah? *nagkunwari si Anne hindi niya alam, dagdag kilig*
Vice: Syempre naman. Textmates kami no.
Nagtilian ang audience.
Anne: Wow ah. Lumelevel up na kayo. May gusto kabang sabihin sa kanya?
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".