Vicerals

1.6K 53 11
                                    

"Tatay!"

Tumayo si Vice at niyakap ang batang babae. Si Jaki tila hindi makatayo. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nalilito siya. Sumunod sa bata ay isang babae na mukhang mas matanda ng onti kay Vice. Nagbesohan sila ni Vice.

Vice: Babe! Jaki! *kinakawayan ni Vice si Jaki sa mukha kasi tulala ito*

Jaki: Ay sorry

Vice: I would like to introduce you to Scarlett!

Jaki: Hi-hi Scarlett! *kinawayan ang bata at pinipilit ngumiti* I'm Ate Jaki.

Hindi alam ni Jaki kung pano ba niya papakila ang sarili niya.

Vice: Bakit Ate? Dapat Tita. Siya si Tita Jaki.

Scarlett: Who is she tatay? Is she your girlfriend?

Vice: Yes, she's my girlfriend. Ay Jaki, I forgot to tell you, she's my niece.

What the fudge Jose Marie Viceral. You could have mentioned that first, sabi ni Jaki sa isip niya.

Jaki: Ahhh niece...akala ko...

Vice: And this is her mum, si Ate Ara.

Ate Ara: Hello! Ikaw pala si Jaki. Lagi kang kinukwento ni Vice sa group chat. Sobrang ganda mo naman pala talaga.

Jaki: Ay heheh salamat po.

Biglang lumapit si Ate Ara kay Jaki at binulungan ito. "Salamat din pala, binalik mo yung pagkalalake niya 😉"

"Hindi ko po sinasadya yun hehe"

Umakyat sila sa kwarto nila Jaki at dun sila nagkwentuhan. Nakikipag laro naman si Jaki kay Scarlett kasi ang bibo nung bata. Mahilig ding sumayaw kaya sayawan lang sila dun. Ang magkapatid naman na si Ate Ara at Vice, nagkwentuhan sa sofa.

Vice: Ate, look at her play with Scarlett. She's so good with kids. Pwede nang maging nanay.

Ate Ara: Huy. Tigilan mo yang kaka titig mo. Baka matunaw.

Vice: Nakaka inlove kasi ate eh.

Ate Ara: You're into her way too deep.

Vice: Alam ko kami hanggang dulo. No doubts about that.

Ate Ara: I'm so happy for you. You found your true happiness *hinawakan ang kamay ni Vice*

Vice: Salamat Ate. Pupunta kayo sa concert bukas?

Ate Ara: Syempre naman. Hindi namin papalipasin yan no.

Vice: Tabi kayo ni Jaki ah. Hindi kasi siya magpeperform.

Ate Ara: Sure. Kailan pala kayo pupunta sa bahay?

Vice: Next week, after the last leg of the concert. Nagpaalam kami kay Direk na mag extend dito sa US.

Scarlett: Mummy, I need to go potty.

Sinamahan ni Ate Ara si Scarlett sa CR. Nilapitan ni Jaki si Vice at tumabi sa kanya.

Jaki: Ah babe. Pwedeng mag tanong?

Vice: Nag tanong ka na eh.

Jaki: Ehhhh...ano...gusto ko lang tanungin bakit Tatay tawag sayo ni Scarlett?

Vice: Single mother kasi si Ate. Iniwan nung tatay ni Scarlett. Kaya ako munang tumayong tatay niya. Natakot ka ba?

Jaki: Oo akala ko kasi may anak ka na eh. Tatanggapin ko naman pero nagulat lang talaga ako. Pero ang sweet mo ha. You didn't let her grow up fatherless *niyakap ni Jaki si Vice*

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon