One More Time

1.6K 63 13
                                    

Isang linggo na ang nakalipas since nag end ang friendship ni Vice at Jaki. Hindi na sila naguusap. Hindi sila nagkikita. Nasa iisang studio nga sila pero parang invisible sila sa isa't isa.

Minsan nasa iisang stage lang sila pero hindi sila nagkakatinginan. Laging umiiwas ang mata nila. Parehas silang nasasaktan pero walang choice.

Nung isang araw, pagkatapos ng Showtime, naglalakad si Vice papunta sa DR nya. May isang babe namang naglalakad patungo sa kanya.

Si Jaki.

Hindi ito nakatingin sa kanya kasi gamit nya ang cellphone at nakangiti ito.

I miss that smile, sabi ni Vice sa isip nya.

Bigla namang napatingin si Jaki kaya nataranta si Vice. Nagpanggap na lang siyang may kausap at tumingin sa malayo.

"Hello, babe? Oh you're on the way na? O sige I'll pack my stuff" sabi ni Vice sa phone nyang patay.

Nadismaya naman si Jaki. Kahit sinabi nyang friendship over na sila ni Vice, hindi nya kayang gawin. Kasi parang may connection na sya kay Vice. Di nya ma-explain basta ang alam nya, magaan ang loob nya kay Vice.

Napatingin na lang sya sa baba para itago ang kanyang mukha. Nagkadikit naman ang kanilang kamay dahil medyo makitid ang hallway.

BZZZZ Ano yun? Bat parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko? Nagtaka si Jaki.

BZZZZ Pigilan mo Vice. Hindi ka kinikilig. Hindi ka kinikilig. Hindi ka kinikilig.

Deresto lang silang naglakad, parang walang nangyari.

Fast forward

Lumipas ang ilang linggo, natapos na ang isang segment ng Showtime. Kasi pasukan na ng mga bagets. Kaya magpapalit na sila ng segment.

Ang bagong segment ay parang beauty contest pang lalaki. Ang mga contestants ay mga nagwagwapuhang mga lalaki, may magandang katawan at may wit. Ang hosts ng segment as si Vice at si Anne. Inassign ni direk si Vice duon kasi alam nyang maaaliw ito. Higit sa kaalaman nya, babae na ang gusto ni Vice. Pero hindi pa rin ito pinapakita ni Vice.

Direk: Vice! May bago tayong segment. Yung Pogi Men. Ikaw host saka si Anne.

Vice: Ah sige po direk.

Direk: so ganito yun. Sa first round rarampa yung mga models sa kanilang tuxedo. Tapos tatanungin niyo sila about their life. May question and answer portion din. 2/3 lang ang makakapasok sa second round. Sa second round naman, parang Ms Universe lang. May magdadala ng question sa inyo tapos bubunot yung contestant tapos tanong. Third round, yung nanalo sa second round, kakalabanin ang defending. Gets?

Vice: Opo direk. Kami na po bahala ni Anne magadlib.

Direk: Sige inaasahan kita ah.

Ngayon ang first day ng segment. Nagintro na sila Vice at Anne. Gwapo nga ang mga contestant na sumali. Si Anne nagfafangirl pero si Vice parang wala lang which is weird.

Anne: Vice! Ang gwapo ng mga contestants o! Lalo na si number 3! Killer smile!

Vice: Ok lang sila. But none of them deserve my beauty *sabay post ala beauty queen*

Anne: Grabe sya. Tara na nga simulan na natin to.

Natapos na ang first round. Iniinterview na din nila Anne at Vice ang unang nakapasok sa round 2.

Anne: O galingan mo ha. Eto na ang tanong. Sino ba magbibigay? Ay si J--

Pagtingin ni Vice sa kanan nya, nagulat sya nang nakita nyang naglalakad papunta sa stage si Jaki. May hawak na fish bowl. Hindi sya tinitingnan sa mata ni Jaki. Nakafocus lang si Jaki kay Anne at ang contestant. Umikot sya sa harap ni Vice at parang nagslow motion ang lahat. Parang nakita ni Vice lahat ng hibla ng buhok ni Jaki nung umikot sya. Naamoy din nya ang pabango ni Jaki. Amoy powder. Ang bango. Needless to say, napakaganda ni Jaki sa dress nya na pink.

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon