Walang Makakapigil sa Tadhana

1.7K 62 15
                                    

Mahigit two weeks na, wala pa si Vice. Pinayagan sya ni direk na magextend. Wala namang may alam kung nasan si Vice. Kahit si direk di nya alam. Kasi ayaw ni Vice na may makasama. Gusto nya lang talaga mapagisa muna.

Tinatanong naman ni Jaki sila Anne kung alam nila ang location ni Vice. Pero kahit sila di alam. Ang alam lang nila, maayos ang lagay niya.

Hindi naguupdate si Vice sa mga social media accounts niya. Inunfollow na din niya si Jaki. Kinalungkot naman niya ito. So ayaw na talaga niya akong maging kaibigan? malungkot na sinabi ni Jaki.

Habang wala si Vice, naging magulo na ang mundo ni Jaki. Madami ng bashers. Sinisisi siya sa pagalis ni Vice.

"Ano bang ginawa ko?" "Sinusunod ko lang naman yung instructions na binigay sa akin ah" Hindi niya ito pinatulan.

Madami syang bashers pero mas madami siyang supporters. Sila ni Vice. Meron na ngang nabuo na hashtag para sa kanila #ViceJack or #Viack. Natutuwa naman si Jaki nang malaman nya na madami silang fans ni Vice.

At dahil nga pasikat na si Jaki, di na sila makalabas ng malaya ni Tony. Kasi dinudumog na sila ng mga fans nila. Kaya madalas, nasa bahay lang sila. Naging busy na din si Tony. Kasi nalilink sya kay Jaki. At dahil may itsura naman to, madaming endorsments na natanggap.

Kung dati araw araw silang nagkakasama ni Jaki, ngayon ay mga three times a week na lang dahil sa schedule nila. Kaya mas lalong naramdaman ni Jaki ang kakulangan sa buhay niya. Madalang na niyang makasama ang boyfriend, nawala pa ang best friend niya.

Birthday pala ni Tony ngayon kaya gustong surpresahin ni Jaki ang kanyang nobyo. Bumili sya ng mamahalin na rubber shoes kasi maghilig sya sa sapatos saka may dalang cake. Nagpahatid sya sa condo ni Tony. Pinapasok naman sya ng guard kasi madalas din syang nandun. Pinindut ni Jaki ang passcode ni Tony at dahan dahan itong pumasok. Tahimik ang condo ni Tony. Parang walang tao.

Sinilip ni Jaki lahat ng kwarto pati CR pero wala si Tony. Narinig nyang may pumipindot ng passcode.

Uy si Tony yan. Makapagtago nga muna.

Nagtago si Jaki sa likod ng pillar. Bumukas ang pinto at narinig nyang nagsasalita si Tony. May kausap?

Tony: Dali na...okay lang yan...sabi ko sa kanya busy ako...kaya walang manggugulo sa atin

May narining si Jaki na tawa ng isang babae?

Unknown girl: Sure ka ha *malanding boses*

Nabigla si Jaki. Di nya alam ang gagawin. Magtatago ba sya? Lalabas?

Biglang may sumandal sa may tabi ni Jaki. Yung dalawa pala. Naghahalikan. Nakita sya ni Tony

Tony: JA-JAKI??

Jaki: WALANG HIYA KA! *sabay sampal kay Tony*

Tony: Anong ginagawa mo dito?

Jaki: Gusto lang naman sana kita isurprise ngayong birthday mo. Pero parang ako yung mas nasurprise eh.

Tony: Jaki, please leave!

Jaki: Don't I deserve an explanation?  I deserve an explanation, Tony! I deserve an acceptable reason!

Tony: No, Jaki! You don't deserve my explanation!

Jaki: ANO? Girlfriend mo ko Tony! I gave myself to you!

Tony: You didn't! Ang tagal tagal natin mag-on. Pero isang beses lang tayo nag kiss??

Jaki: Wait..wait lang. So you only wanted my body???

Tony: Hindi ba obvious! Hindi mo maibigay, kaya sa iba na lang akong tumitingin! Salamat sayo, sumikat din ako at ngayon madaming babae na ang lumalapit sa kin!

Destiny's FlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon