Kinabukasan pumasok si Vice ng nakashades. Di kasi sya nakatulog ng maayos saka mugto pa rin ang mata nito.
Napansin naman ito ng mga co-hosts nya nung papasok sya ng studio.
Tsang Amy: Vice, anak, ok ka lang? Bat ka nakashades?
Vice: Wala to tsang. Puyat lang.
Teddy: Eh bat ganyan boses mo? Parang malat.
Vice: Nakipaginuman kasi ako kasama yung mga bakla kagabi. Nasobrahan yata ako. *ayaw nyang sabihin ang totoo*
Teddy: Ingat ka kuys ah. Masama sa kalusugan ang paginom. Bata mo pa naman din. 26 ka pa lang ha.
Vice: Wag ka magalala kuys. Minsan lang naman to eh.
Naglakad na si Vice papunta sa DR nya para magayos. Nagulat sya nung nakita nya si Jaki na nakaupo sa sofa habang nagcecellphone. Napatingin naman si Jaki sa pintuan pagkabukas nito.
Jaki: O bes! Nandito ka na pala eh! Bat di ka man lang nagtext sa kin kagabi kung nakauwi ka ng maayos?
Vice: Busy kasi eh. Dahil dun sa emergency.
Jaki: ano ba yang emergency na yan? Saka bakit ka nakashades? Nasa loob na tayo.
Vice: Ah yung emergency kasi ano...yung aso ko si Chip In, may ano..nagkaron ng galis kaya dinala ko agad sa Vet.
Jaki: Ah ganun ba. Uy minsan dalhin mo naman ako sa bahay niyo para makipaglaro ka Chip In. Isang beses ko lang sya nakalaro eh.
Vice: o sige ba. Bat ka nga pala nandito?
Jaki: maglunch na tayo! Di ba sabay naman tayong kumakain lagi?
Vice: Ah oo nga pala sige kain na tayo.
Habang kumakain tinuktukan ni Jaki si Vice sa ulo.
Vice: Aray! Para saan yun?
Jaki: Nakashades ka kasi. Tanggalin mo nga yan. Mukha kang baliw.
Vice: Di pa ko nakamakeup eh
Jaki: Eh ano naman? Nakita na kitang walang make up no
Vice: Eh basta
Jaki: Sige bala ka. Trip mo yan eh. Mukhang tanga 😂 nasisilawan ka sa ganda ko no?
Vice: Asa ka pa. Pangit mo kaya.
Ang ganda mo Jaki. Di ko masabi sayo pero ang ganda ganda mo.Jaki: Salamat sa support ha bestie
Tumawa naman si Vice. Kahit ganyang simpleng banat ni Jaki, napapangiti na si Vice. Why are you so damn attractive?
Pagkatapos kumain, umalis na si Jaki dahil kailangan na nyang maghanda. Si Vice naman ay inayusan na ni Art at Benita.
Fast forward
Natapos na ang showtime. Lahat masaya dahil napasaya nila ang madlang pipol. Kahit si Vice gumaang kahit papaano ang pakiramdam dahil nakita nyang napapasaya nya ang mga tao. Ganyan si Vice. Di nya pinapahalatang may problema sya. Basta mapasaya lang ang audience.
Nasa DR lang si Vice ng may narinig syang nagtitilian. Tumingin sya sa labas at nakitang madami ang nakasilip sa DR ng showtime dancers. Dahil curious sya, nakisilip din sya. Madaming tao kaya di sya masyadong makasilip.
Vice: Girl anong nangyayari? *tanong nya sa isang dancer*
Dancer: Si Tony po kasi. May dalang bulaklak! Ang laki nung bouquet eh. Bibigay daw niya kay Jaki.
Vice: ah..ganun ba..
Naglakad na pabalik si Vice. Ayaw na nyang makita ang reaksyon ni Jaki dahil alam nyang masasaktan lang syang lalo.
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".