"JAKI???" napasigaw si Vice
"Kilala mo sya Meme?" tanong ni Benita
Vice: "Oo. Nakasabay ko sya pauwi galing LA. Tapos naging kaibigan ko. Di nya nga alam artista ako eh"
Vice: "Hindi nya sinabi sa Showtime pala sya nagaudition"
Art: "Close na agad kayo?"
Vice: "Hindi naman ganun ka close pero magiging close friends pa lang?"
Benita: "Wow ha nakikipag friends ka na pala sa mga babae ngayon"
Vice: ang gaan kasi ng loob ko sa kanya? Parang ang dali magopen up. At alam kong hindi sya plastic. Mabait din. Nakakatawa. Magan--
Art: OMG MEME! Wait lang...sasabihin mo bang maganda???
"Hi-hindi ah parang sira to. Sasabihin ko magaang kausap. Tara na nga...opening song na o" sabi ni Vice na parang nataranta bigla dahil sa muntik na nyang sabihin.
"Magaang kausap? Walang sense kaya yun" bulong ni Art kay Benita. Nagtawanan naman sila na parang kinikilig.
*Opening song ng showtime*
This is your show, this is your time, magpasikat ka ITS SHOWTIME
*ending tunes*
ITS SHOWTIMENasa gitna ang mga dancers dahil sila nga ang center of attention ngayon. Sabay sabay naman silang umikot pagkasabi ng "ITS SHOWTIME"
Anne: Madlang Pipol! Give it up for our Showtime Dancers!
Nasa gitna si Jaki ng grupo at nasa likod naman si Vice. Hinahanap nya si Jaki kaso ang daming nakaharang. Masyadong syang focus sa paghahanap kay Jaki kaya di na nya namalayan sya na pala magbabasa ng spills.
"VICE! VICE! HUY IKAW NA" narinig nyang sumisigaw si Vhong
"Ay churi churi." Sabi ni Vice
Nung tinawag ni Vhong si Vice, nagulat naman si Jaki.
"Nandito si Vice??" tanong ni Jaki sa mga kasama nyang dancers
"Oo girl. Main host sya dito" sagot ni Madie, isang Showtime Dancer din
Dahil nasa gilid na sila, tiningnan ni Jaki ulit ang stage at hinahanap si Vice. Nakita nya ito sa gitna nagbabasa ng spills.
Napangiti naman siya at excited na makatrabaho ang kanyang kaibigan.
Vice: Balita ko may bagong dancers ah?
Anne: Yes sis. Nandun sila o
Tumingin si Vice sa kanan nya at nagkatinginan sila ni Jaki. Nakasmile ng malaki si Jaki at kumakaway ito sa kanya. Ngumiti naman si Vice pabalik.
Vice: Infairness ha ang gaganda nila pwede na maging beauty queen
Nakatitig pa rin si Vice kay Jaki habang sinasabi nya iyon.
Anne: Girl, ok ka lang? Anong ginawa mo sa US at nagagandahan ka na sa mga girls ngayon?
Vice: Ano ka ba? Kahit mga bakla nagagandahan kaya sa kanila. Mas lalo na yung center girl kanina. Sino ba yun?
Agad namang tinuro ng mga dancers si Jaki. Nilapitan sya ni Vice at binulong sa kanya "kunwari di mo ko kilala".
Vice: Hi Ate Girl, what's your name?
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".