Chapter 3:I'M GOING CRAZY!

1.4K 24 2
                                    

Ano kayang nangyari sa kanya? Parang ngayon lang gumana yung konsensya ko hindi ako mapakale at kanina kopa pinupukpok tong ballpen ko.

"Woy! Ano nanamang iniisip mo? Baka sumakit nanaman yang ulo mo ito tubig uminom ka muna."biglang sabi ni carlle at binigyan ako ng tubig.

"Ahh, wala iniisip kolang kung pano ako gaganti sa inyong mag kapatid."sabi ko sabay lagay ng ballpen sa taas ng tenga ko.

"Oh? Anong ginawa namin?"sabat naman ni sendd. Pero ngumisi lang ako.

"Anong muka yan ha!? Kean sky anong sinasabi mo?"tanong ni carlle.

"Tsk! Ilang beses kobang sasabihing wag nyo kong tatawaging KEAN SKY? Pwede namang kean lang."sabi ko.

"Ang ganda kaya isa pa para naiiba dapat kami lang ang tatawag sayo non."sabay ngisi ni sendd. Sa sinabi ng magaling nyang kuya.

"Talaga? Kamuka koba?"tanong ko sabay
Pacute maganda daw ede kamuka ko.

"Ang panget tumigil ka nga."sabi ni carlle na ikina-irap ko.

"Wow! mahiya ka sa ityura mo kagabi."sabi ko.

"A-ano!? Teka nga ano bang nangyare kagabi ha?"tanong nya.

"ganto lang naman kagabi kase gumagapang kalang naman sa sahig at sinasabing kaya mopang uminom alam mo yung muka ng unggoy? Yon parang ganon yung muka mo kaso malala padon."sabi ko at parang sinusukat yung muka nya.

"K-kuya unggoy ka daw?"sabi ni sendd. Habang tumatawa halos maiyak iyak na kakatawa at yung kuya naman nya hindi mapinta yung muka.

"Tumigil kanga! Si senddric siguro naman mas malala pasa muka ko diba?"nakangisi nyang tanong habang nakatingin sa kapatid nyang hanggang ngayon tawa ng tawa.

"Hmmm..hindi naman kaso nag karon lang sya ng konting katangahan."sabi ko na nag patigil sa pag tawa ni sendd.

"Konti lang pala e, kesa naman sa ginawa mo."sabi naman ni sendd. Kay carlle.

"Inuntog molang naman yung ulo mo at nag sabing naduduling ka."sabi ko na ikinatawa naman ni carlle.

"Ayos nayon kesa naman sa mukang gurilya no!"asar naman ni senddric.

"Kesa namang iuntog ko yung ulo ko ang sakit kaya non."ganti naman nitong nakakatanda.

"Kesa naman sa mukang gurilya katulad mo!"tawa ni sendd.

"Teka nga! Ang sabi nya UNGGOY lang hindi GURILYA! Lumapit kanga dito."sabi ni carlle na ikina-takbo ni sendd. Hays! Mababaliw ako sa dalawang to.

"SENDDRIC CHUA!!!"sigaw ni carlle kaya napa tingin ako sa kanilang dalawa nawala kase si sendd. Hindi ko naman narinig na bumukas yung pinto.

"Nag tatago lang yon tignan mo sa may likod ng mga damit."sabi ko at bumalik nasa pag dedisign ng damit.

"Aray ko! Aray ko!"napatingin ako sa sumigaw pag tingin ko nakita ko si senddric na nakaupo sa sahig habang tawa ng tawa si carlle.

Mababaliw ako sa dalawang to ang gugulo biglang nag bukas yung pinto kaya ako nayung nag welcome yung dalawa kase harutan ng harutan parang mga bata.

"Welcome sir w--"naputol yung sasabihin ko ng mag salita sya.

"Asan ang pambayad mo? Ngayon na ang date ng bayaran."sabi nya.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon