Chapter 27:CAN WE FRIEND?

829 14 1
                                    

FRENNY!!!! MOMENT TO NANG MY LABS MO!!! FELICITY D. LAZARO slash DOKYUNGSOO...
_________________________________________________
Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon, kung ano ba dapat yung gagawin ko kung ano na dapat yung nagawa ko na, habang patagal nang patagal lalo lang akong mapapahamak nito dahil narin sa isip kong to! Hindi ko alam kung bakit na kikisali pako pero kase..

Kung hindi sila mga tao kaya kong gawin sa sarili kong maging hayop mahigit pa sa kanila, iba nayung sinasaktan nila alam kong may utang na loob ako kay sir xiwon pero SA KANYA LANG!

Hindi panga ako tapos kay jude tapos ito pang si zack at chase kahit kaylan talaga silang dalawa sakit sila sa ulo wala na silang nagawang ikasasaya ko.

Si sendd. Ayos na kaya sya? Ano na kayang lagay nya? Si jude kahit na sabihin nyang hita lang yon aba! Dugo parin yung lumabas sa kanya.

"babangga kana."nawala tuloy yung iniisip ko dahil sa sumulpot na lalaki sa harap ko papauwi na kase ako ayoko nang bumalik don.

"Ano nanaman bang ginagawa mo dito? Pagod ako okay? Kaya kung may QNA nanaman tayo next time na."sabi ko kay mr.cute guy na mukang prutas ang pangalan.

"Gusto kolang sanang kausapin ka."sabi nya ede QNA nanaman to at tyaka bakit ba ang daming gustong kumausap saken ha?

"Sige, pero dito nalang kung pwede? pagod nako e."walang gana kong sagot tumango naman sya nag punta kami sa tabi kung saan may mauupuang bato wala din namang tao dahil mga busy sila dahil pasukan na.

"Anong pag uusapan natin kung kukulitin mo ako na umamin kung nasan yung magulang ko ewan ko maliwanag? Wala akong na iintindihan sa mga tanong nyo at mas lalong ulila nako kaya tigilan nyo nako dahil pagod na pagod na ko."sabi ko habang naka yuko.

"Pasensya na, ako na ang humuhingi nang despensa sa mga nagagawa nang mga kaybigan ko, pasensya narin at nabalik kopa yung nakaraan mo."sabi nya pero hindi ako sumagot sa totoo lang hindi ko alam kung ano yung nakaraan ko kaya naluluha nanaman ako.

"Kung yun lang aalis nako."sabi ko at ngumiti nang bahagya wala nako sa mood.

"Teka lang! Gusto kolang sanang makipag kaybigan kung tatanungin mo kung bakit? Inaamin ko nahihiwagahan ako sayo gusto pa kitang makilala pa dahil narin sa masaya mong pamumuhay." Napatingin ako sa kanya hindi naman sya maka tingin saken.

Kung gusto nya akong maging kaybigan dahil gusto nyang malaman kung ano talaga ako at kung sino talaga ako masasabi kong AYOKO dahil ang habol lang nya ay kung ano talaga ako parang ginamit nya lang yung KAYBIGAN pero may mission sya na kaylangan malaman nya na nasaken.

Pero...pano ko tatanggihan ang katulad nya? Kahit na may habol sya saken meron parin akong side na tanggapin sya at turuan kung pano maging masaya at hayaang mas sumaya pa ang buhay nya sa tingin ko malungkot ang pamumuhay nya dahil sa mga kasama nyang pinag sakluban nang langit at lupa kaylangan kolang ipakita sa kanya kung ano talaga ako tutal yun ang habol nila saken.

"Yun lang ba? Pinahaba mopa syempre naman tutal wala naman akong kaybigan maliban kay carlle at sendd. Bakit hindi diba?"sabi ko sabay balik sa pag kakaupo at ngumiti gusto nyang malaman kung ano talaga ako diba?

"S-sigurado ka?"tanong nya e kung iuntog kosya nang dalawang beses at maalala nya yung sinabi ko? Ang haba kaya non tapos 'SIGURADO KA?' Tinanong pako.

"Ay! Hindi wag nalang."biro ko sakanya ngumiti naman sya..sh*t!

"Marunong ka naman palang ngumiti tapos kung maka simangot ka naman kala mong lagi kang may problema."sabi ko habang natatawa ang cute nya talaga para syang bata.

Nakatingin lang sya naparang sinusuri ako, Hindi ako sanay kaya nag hanap ako nang kakainan namin nagugutom narin kase ako e.

"Oh!! Manong pabili po!"masaya kong tawag dun sa nag a-ice cream kaya naman tumigil to.

"Diba gusto mo kong makilala yung ako talaga actually hindi naman ako masungit sadyang inis lang ako sa kasama mo." sabi ko tyaka naunang pumunta don.

"Dalawang keso ice cream po."nakangiti kong sabi kay manong, basta ice cream nag iisip bata nanaman ako.

Tumingin ako sa kanya nakita kong nakaupo parin sya kaya ngumiti ako pag kabigay nang ice cream kagad akong nag bayad at dali daling bumalik.

"Oh! Kainin mo paborito koyan masarap yan."sabi ko kinuha naman nya kaya kagad kong binuksan yung akin susubo kona sana nang makita kong hindi nya kinakain at tinitignan lang to ano bang problema nito?

"Ito sayo, akin na yan."sabi ko sabay palit kagad kong binuksan yon at sinubo sakin.

"Try mo promise masarap yan."nakangiti kong sabi habang nag tataas kilay pang nakatingin sa kanya.

"Hmm..masarap magaling kang tumingin ha."sabi nya kaya natawa ako.

"Oo naman, designer ata ako kaya magaling akong tumingin nang tama at hindi lalo nasa pag kain."sabi ko pero dalawa ang ibig sabihin non.

Tumango nalang sya kaya nag patuloy kami sa pag kain kagad kong naubos yon kaya nag hanap ulit ako nang makakain.

"Ang tagal mo naman."sabi ko dahil hindi panya na uubos yung ice cream nya natatakam tuloy ako.

Hmmm..ano kayang makain? Sa tingin ko mag sosopas nalang muna ako malapit sa playground madaming mabibili don kaya naman..

"Halika punta tayong playground madaming nag titinda don lalo na ngayon dahil pasukan at mag hahapon narin."sabi ko sabay hila sa kanya.

Para naman syang batang hila hila ko habang kumakain nang ice cream kapag natalisod to hindi kona kasalanan ang inosente e!

Maya maya lang nandito narin kami malapit lang naman kase hindi pa naman ako nakakauwi nang salubungin nya ako kaya mabilis kaming nakarating dito.

"Uy! Gusto kodon mr.cute guy punta tayo dun oh! Dun sa may sopas nagugutom nako e."sabi ko habang nag papuppy eye pano ayaw nyang umalis sa padulasan.

"Ang takaw mo isa pa hindi 'CUTE GUY' ang pangalan ko 'DARREN VILLANUEVA'."sabi nya kaya napa isip ako pano nga pala kaming naging mag kaybigan? Hindi ko nga pala alam yung name nya talaga.

"Sorry, tutal friend na tayo DARREN nalang ang itatawag ko sayo kesa dun sa DWORIEN hindi ko alam kung anong pangalan yon e."sabi ko tyaka tumawa ayaw panya nang 'CUTE GUY' ha! Kilala narin naman nya ko kaya hindi nako nag pakilala lalapit basya kung hindi nyako kilala aba! Magaling friendly si kuya.

Nag punta na kami don at kumain syempre libre ko ako yung nag aya e, kumain lang kami nang kumain at nag laro OO nag laro! Tawa naman ako nang tawa dahil sa expression nya parang laging mangha e.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon