(CARLLE'S POINT OF VIEW)
"Teka!"sigaw ko kay kean pero derederetyo lang sya pasaway talaga.
"Ano nyo sya?"biglang tanong ni wiryeom masaya akong nag kita ulit kami pero sa pag kakataong to mukang may galit sila saming mag kapatid.
"Kaybigan namin sya."pero tinignan nya ko naparang hindi naniniwala.
"Sya ba? Sya ba yung sanggol na tinakas nyo?"tanong nya ulit.
"H-hindi."maikli kong sagot at pilit na nilalabanan yung mga titig nya nakikita kong galit sya.
"Chansoe hanggang ngayon hindi kayo nag babago ang pasaway nyo parin ano bang nangyari at napunta kayo dito?"tanong naman ni dworien.
"Sinabi na nang ating panginoon tinakas nila ang sanggol na dapat ay matagal nang nakaburol dahil lalong ika sisira iyon nang dalawang grupo."sabi ni wiryeom.
"Malaki ang kasalanan nyo pero maswerte tayo dahil nasa innyo sya ngayon sabihin mo sya bayon?"seryosong tanong ni dworien hindi kagad ako naka sagot.
"Hindi, dahil ang sanggol ay lalaki at hindi babae."napatingin kaming tatlo sa sumagot at syempre si senddric yon.
"Lapastangan! Ang ipinanganak ay babae pano nyong nasabing lalake? At pano namin nalaman? At kung bakit kami nandito? Gusto nyo bang malaman!?"galit na sigaw ni wiryeom saming mag kapatid.
"Pag katapos mamatay nang kanyang mga magulang dahil sa kalapastanganan nalaman nang pinuno natin ang nangyari dahil may dumating na mensahe nakipag tulungan ang ibang grupo para mahanap ang sanggol at paslangin pero hindi namin masasabing mag kasundo na ang grupo natin at ang grupong whishela ang pinag mulan nang sanggol."paliwanag ni wiryeom.
"At dahil nag karon nang kasunduan ang emfire at whishela hindi ibig sabihin non ayos na tayo sa kabilang panig, kaaway parin natin sila ang napag kasunduan ay kung sino man ang makapatay sa sanggol sya ang hihiranging hari hindi lang sa empire land kundi maging sa land of whishela."dugtong ni dworien.
Kung ibibigay namin si kean pwede kaming maging hari pero kapag patuloy kaming mag sinungaling pwede kaming mamatay pero kapag ginawa namin ang tama hindi kasalanan yon.
"Pero wala kaming kasalanan nawala ang sanggol pagka rating namin dito."seryoso kong sambit.
"Wala sya dito at hanggang ngayon hinahanap pa namin sya at nandito narin ang anim na mag kakagrupo at nag sisimula nanaman silang umatake."sabi ni Senddric.
"Kung ganon kaylangan nanating mabuo dalawa na lamang ang wala."sabi ni wiryeom.
"Ano bang nangyare at nag kahiwa hiwalay kayo?"tanong ko.
"Naisipan naming mag bukod bukod para mahanap kayo pero ilang taon na ang nakakalipas hindi na kami nag kitakita pa matagal na kaming naririto pero wala kaming kahit anong markang makita kung nasan kayo."sabi ni dworien.
"Patawarin nyo kami alam kong alam nyo na mga bata lamang tayo non at hindi pa namin alam kung ano ang tungkulin namin naawa lamang kami kaya tinulungan namin ang binibini pero hindi namin alam na ganto ang mangyayari."sabi ko.
"Siguraduhin molang dahil hindi lang ikaw ang paparusahan kung sakaling nag sisinungaling ka dahil sigurado akong pati ang kapatid mo ay may nakahanda naring parusa makakabalik lang kayo sa emfire land kung maibibigay nyo ang sanggol na sigurado ngayong malakas na kaya hanggang maaga mag sabi nakayo."sambit ni wiryeom.
Pero bakit hindi parin lumalabas ang kapangyarihan nya? Ni kahit katiting walang nag babago kay kean? At isa pa bakit ang aga nila kaming nahanap at ang grupo nila sowonne bakit ang bilis naming nag tagpo? Naguguluhan ako.
"Sa muling pag kikita hahanapin panamin ang dalawa para mabuo na tayo isa papala ang pangalan ko dito ay DARREN VILLANUEVA at sya naman ay BYUN HANZ CHESTER."sabi ni dworien.
"Sige tutulong kami pero sa ngayon may gagawin pa kami at sa mundong to carlle chua ang pangalan ko at senddric chua naman ang kay chuan."sabi ko kaya tumango sila at nag laho na.
"Charlle? Bakit hanggang ngayon wala pang kapangyarihan si kean? At bakit nandito na sila?"tanong ni Senddric.
"Hindi korin alam pero sa tingin ko kaylangan nang mag ingat ni kean dahil lahat nang gustong pumatay sa kanya ay nasa paligid na nya."sabi ko.
"Paano na? Sasabihin naba natin? Dahil hanggang ngayon hindi parin nag papakita ang mga magulang nya sakin."sabi ni Senddric Oo nag papakita sa kanya para gabayan kami.
"Hindi, iintayin nating lumabas ang kapangyarihan nya dahil kapag nangyari yon dun lang nya maaaninag ang mga magulang nya at kung ano talaga sya."sabi ko.
"Hindi kaya pag lumabas yon at hindi nya ma control ang kapangyarihan nya pwede kaya syang maging masama? Pero umaasa akong mabuti sya."napatingin ako kay Senddric.
"Hindi ko masasabing mabuti at masama sya dahil wala pa ang kapangyarihan nya pero habang kasama nya tayo sisiguraduhin kong mabuti at maayos nyang magagamit yon nangako tayo Senddric kaya sana tulungan moko."sabi ko sa kanya.
"Pangako hindi rin ako papayag na saktan nila si kean mabuti syang tao."sabi nya pero kahit ganon kinakabahan parin ako sa mangyayari ang dami naming kalaban maging ang grupo namin ay isa nanaming kaaway nag bago sila dahil may bumibilot nang itim na usok sa kanila iba ang pakiramdam ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasyDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...