Chapter 42:WHERE ARE YOU NOW?/ THE STORY

757 10 0
                                    

*AFTER ONE DAY*
WHERE ARE YOU?
*THEN AFTER TWO DAYS*
WHERE ARE YOU KEAN?
*AFTER FOUR DAYS*
WHERE ARE YOU NOW!?

(CARLLE'S POINT OF VIEW)

Ang tagal na namin syang hinahanap umabot na nang isang linggo at ngayon wala na akong alam na pwede nyang puntahan pa.

"Ano nakita nyo naba?"tanong ko pero lahat sila umiling.

"Sa tingin ko nag pakatago tago na sya."sambit ni yunsike pero napabuntong hininga nalang ako.

"Kamusta na kaya sya? Magaling na kaya sya."kaya tinapik ko yung likod ni chuan.

"Ano kaba diba malakas kamo si kean? Bakit nag iisip ka nang ganyan?"biglang tanong ni jongshien.

"Pero iba ngayon, mag isa sya at humihingi sya nang tulong."sambit naman ulit ni chuan.

"Mas mabuti kung pag iisipan nyo muna kung saan sya pwede pang makarating."sambit naman ni darren.

"Jongshien? Yunsi--"naputol ang sasabihin ko ng sumagot si darren.

"Sa mundong to may sari sarili tayong pangalan sinabi nato ni chester diba?"biglang sambit ulit ni darren.

Wala si wiryeom, dahil ang sabi nila jongshien lagi nalang daw itong umaalis at hindi manlang sila nakakapag usap pag ka tapos ng nangyare noong huling pag kikita namin.

"Pero wala sya, isa pa alam naman na ni kean bakit pa? Pero kung gusto nyo ayos lang."sambit ko.

"Kahit ano nalang pero tatandaan nyo kapag may ibang tao wag tayong mag tawagan sa tunay na pangalan dahil baka anong isipin nila."sambit ni jongshien kaya nag si tanguan kami.

"Yunsike, darren, chuan, jongshien ano sa tingin nyo, alam nyo ba kung saan laging nag pupunta si kean? Hindi bat ikaw yunsike ang taga sunod nya?"tanong ko pero nag iisip pa sya.

"Oo, nung hindi panya kami kilala, pero ngayon wala akong maisip kung saan sya mahahanap dahil nalibot na natin ang lahat."sambit nya.

Nakapabilog kami dito sa lamesa at lima kami wala lang si wiryeom dahil sa tingin ko galit parin sya dahil narin sa pag suway namin.

"Kung wala sya sa lahat nang lugar kung saan sya laging nag pupunta pwedng nasa ibang lugar na sya."kaya napa isip kami sa sinabi ni darren.

"Pero pwedeng sa ayaw nya na lugar sya napunta para hindi nyo sya mahanap."sambit naman ni yunsike.

"Pero may alam kaba kung saan pasya may alam na lugar?"tanong naman ni chuan pero umiling ako.

"Lahat napuntahan ko na kaya sa tingin ko wala nakong alam pa."at nag isip.

"Teka! Kung wala sya sa mga lugar kung saan pwede syang mag punta pwede ding hindi sya nag tatago at pwedeng...wag kayong magagalit pero pwedeng napaslang o papaslangin palang sya nang may hawak sa kanya."bigla akong mapaisip pero.

"Alam kona pero..hindi ako sigurado kung nandoon talaga sya."sambit ni chuan.

"Kung ganon halika na."mabilis kong aya pero tumigil si chuan.

"Katulad nang napag usapan, walang sino man ang mananakit sa kanya dahil sa oras na saktan nyo sya hindi na nya mapipigilan pa ang nasa loob ng katawan nya at pwede syang makasakit."at pinag patuloy ko ang sinabi nya.

"At wala nasyang kasalanan katulad nang paliwanag namin sa innyo, hindi nya gusto ang nangyayare dahil sya mismo ang pumipigil sa sarili nyang katawan at isipan, para lang hindi maka sakit at sa oras na makahanap ng butas ang kadiliman at mag tagumpay ito..."hindi ko maituloy dahil ayokong isipin na ganon ang mangyayare.

"Pwedeng mawala na ang tunay na kean at ang katawan nya ay isang kadiliman nalang na dapat ay paslangin habang maaga at habang maaga kaylangan mapigilan ang kadiliman dahil ang mundong to ay siguradong mawawasak maging tayo ay..MAMAMATAY."dugtong ni yunsike kaya napabuntong hininga ako.

"Wala pang nakakaalam nito maliban sating lima ang kabilang grupo ay isang linggo naring tahimik at sigurado akong may plano na sila na dapat ay pigilin natin."sambit ni chuan kaya naman tumango kami.

Hindi porket EMPIRE ang pangalan nang aming lugar masama na agad ito dahil kaming mag kapatid naturuan namin ang grupo na maging isang mabuting may kapangyarihan hindi katulad nang pinuno namin! nilason nya ang isip ni wiryeom!

Ni minsan walang kasalanan ang mga tao maliban sa ibang kinakaylangan talangang gawin ang makakasakit sa mga katulad naming ibang tao.

Noong mga bata kami ang laging sinasabi nang aming ina at ama na kahit anong kasalanan ang nagawa nang sino man ay dapat may kapatawarang nakapataw at hindi ito pinalalala pa katulad nang ginagawa nang pinuno namin, alam kong may ibang dahilan ang pinuno namin kaya nya nagawang makipag kompitensyahan sa ibang grupo.

Noon ay nag kagulo dahil nag dala nang asawa't anak ang bagong hari namin, lahat ng ito ay tao na matagal nang pinag babawal sa mundo namin, bawal umibig ang katulad namin sa tao dahil hindi daw ito maganda para sa amin, nag laban sila LUSIO AT LHUASIES ang dalawang HIGH PRIEST sa mundo nang EMPIRE at WHISHELA.

Si pinunong Lhuasies ay piniling hayaan ang mga kauri nyang umibig sa iba dahil dito lang masaya ang lahat pero isang araw madami ang nasaktan, iniwan kaya naman ang iba ay nagawang mag pakamatay.

At si Lusio naman ay ayaw dahil baka makasira ito sa mga katulad namin, hindi nya gusto ang tao dahil mas malakas ito kapag nag karoon nang kapangyarihan ang sinapupunan, si Lusio ay makasarili hindi katulad ng kapatid nyang si LHUASIES kaya naman nag laban sila hanggang sa mahati ang mundo namin, na sama lamang ako dahil sa aking ina'y na nasaktan, lahat ng nasaktan ay kasanib niya.

Ang ama namin ay madaling namatay dahil sa kalapastanganan nito, pero nagawa itong patawarin nang aming ina, ang ama namin ay sinubukang mag mahal ng tao kaya naman hindi nag tagal ay iniwan sya ni ina'y dahil hindi maatim ang pangangaliwa nito, malinaw sa batas na bawal nang mag mahal ang isang babae o lalaki kung may kinakasama na ito.

Bago maging hari ang ama ni kean may nauna na sa kanila, at ito nga ay ang UMIBIG ITO SA TAO AT NAG KAROON NANG ANAK kapag hari ka bawal ka umibig sa tao, kaylangan lahi sa lahi kaya naman napaslang ang pamilyang yon.

Kaya hindi ako mag tataka kung bakit ngayon ay si kean ang hanap nila, pero lahat ng ito ay walang alam ang mga pinuno namin na lason sila ng kapangyarihan at sa maling paniniwala.

Nalaman ko lahat ng ito noong bata ako at ngayong tunay na may pag iisip nako mas madami pa ang aking nalaman dahil narin sa grupo, si kean ay nag iisang nabuhay at hindi napaslang dahil sa pag mamahal ng kanyang magulang.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon