"Asan yung lalaking yon ha!?"galit na tanong ni sendd. Nakwento ko kase yung nangyare yung tungkol sa dalawang adik este manong pala ang sakit parin ng sabunot nya parang babae kung makasabunot e!
"Sabi ko naman kase sayo ako nalang."seryosong nakatingin saken si carlle habang naka tayo bale naka upo ako habang silang dalawa naka tayo sa harap ko parang mga magulang ko kung pagalitan ako.
"Bakit kase hindi mo sinasagot yung tawag namin?"tanong ni sendd. Kaya tumayo ako.
"Pano ko sasagutin ang gugulo nyo, tyaka busy ako that time."sabi ko.
"Busy? Nakahanap kana bang trabaho?"tanong ni carlle oh! Ow!
"H-ha? Hindi pa naman."sabi ko sabay upo ulit at iwas ng tingin.
"Huh? Bakit wala pa? Tyaka sanka naman busy? May nangyare paba?"ang daming tanong.
"Sendd. Isa isa lang ok?"sabi ko sa kanya ayoko na kaseng sabihin sa kanila yung tungkol dun sa lalaking nakita ko hindi naman mahalaga yon tumulong lang naman ako.
"Bakit wala kapang nahahanap?"tanong ulit ni sendd.
"E kase wala pakong nakikitang nangangaylangan ng katulong."sabi ko.
"Ano!? Papasok ka bilang katulong? Ni hindi kanga namin pinahihirapan dito."bigla namang sagot ni carlle.
Tumayo ako at na punta sa likod nila at inakbayan sila dahil nga matatangkad sila at maliit ako hirap na hirap akong tumingkad tsk! Mga kapre.
"Hey! Easy lang mga bro ano ba kayo? Reporter? At isa pa para din naman yon saten baka gusto nyo mag OFW narin ako."natatawa kong sabi na ikinaalis nila kaya muntik nakong masubsob.
"Matulog na tayo bukas mag hahanap nako ng ibang trabaho at ikaw senddric kaya mo namang mag bantay sa shop diba? Puro order lang naman, at ikaw kean sky sa susunod wag tatanga tanga ha? Ako sasampal sayo."sabi nya kaya inirapan ko sya tsk!
"Oy! Sendd. Kain tayo? Hayaan moyang kuya mong mukang unggoy."sabi ko.
"Naririnig kita!!!"malakas nyang sigaw kaya tumawa ako at nag sorry.
"Sendd. Bili na tayo bilis libre ko."sabi ko sa kanya at lalabas na ng bawalin nya ko.
"Dito ka nalang ako nalang bibili sarado na kase dito sa tapat kaya sa kanto ako bibili."sabi nya at nag lagay ng subrelo at jacket.
"Muka kang mag nanakaw sa suot mo."sabi ko sa kanya.
"Mas okay nayon kesa namang habulin ako ng mga babae sa labas."mayabang nyang sagot aba! Aba!
"managinip ka ng gising, sasama ako hintayin moko kukuha lang ako ng jacket."sabi ko sinamaan naman nya ko ng tingin.
"Wag na sabi e!"sigaw nya umiling naman ako kaya nga ako nag aya para lumabas!
"Susunod parin ako!"sabi ko at kagad kinuha yung jacket ko.
"Ang kulit mo."sabi nya tumawa naman ako at inunahan syang mag lakad.
"Uy? Ang tahimik mo?"tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.
"Hindi mo naman ako katulad na madaldal."sabi nya ng hindi tumitingin.
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasiaDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...