Chapter 24: THE KING OF WATER

894 15 1
                                    

Wahh!! Nasan bako!? Bakit nawala ako don? Ano bang nangyare bakit nandito ako nakatayo at teka? Pamilyar tong kinatatayuan ko ah!

"Kwarto moto kaya manahimik kajan."sabi ni..

"Wahhh!! Kung ano kaman o kung sino kaman pwede ba wag kang lalapit saken!"sigaw ko kay mr.white skin boy tinignan ko sya pero hindi naman sya tumitingin saken kase pinapakeelaman nya yung mga gamit ko yung nasa table, magaling-_-.

"Alam kong matatakot ka kaya nga kita dinala dito para mag paliwanag at linawin sayo lahat."sabi nya at nag cross arm habang naka sandal sa table ko.

"A-ano ba yung ginawa mo kanina? At pano mo nagawang makapunta dito nang ganon kabilis ano kaba talaga?"tanong ko habang nasa gilid ng kama at may hawak na unan.

"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko man pero...hindi ko masasabing ligtas ka dahil may alam kana gusto kolang sabihin na kung natakot ka mawawala din yan kung kakalimutan mo lahat."sabi nya.

"Anong akala mo saken? Makakalimutin? Akala moba madali lang kalimutan lahat nang natuklasan ko pero may paraan kung...ipapaliwanag mo saken lahat nangangako akong palalagpasin ko lahat nang alam ko."sabi ko tinitigan naman nya ako kaya napa yakap ako sa hawak kong unan bigla syang dumeretyo nang tayo..

"Sige, pero pag sinabi ko sayo titigil kana at siguraduhin mong mag iingat ka kahit ako hindi ko masasabing ligtas ka at hindi karin kayang protektahan nang mga kasama mo."sabi nya tumango ako at dahan dahan naupo sa kama as in dahan dahan talaga.

"Sa empire ako nakatira sigurado hindi mo alam yon pero meron akong kakayahan na wala kayo, ako lang naman ang nag mamay ari nang tubig at yung nakita mo hindi lang yon ang kaya kong gawin."mayabang nyang sabi ede ikaw na madami naman kaming tubig dito.

"Ibig sabihin ikaw ang h-hari nang tubig? As in KING OF WATER?"tanong ko tumango sya bilang tugon.

"At..alam nang mga kasama mo na kakaiba ka?"tanong ko tumango naman sya hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko dahil para saken hindi totoo ang mga powers powers.

"THE KING OF WATER? baka naman THE WATER GHOST?"tawa ko habang hinahampas yung unan ngayon lang nag sink saken na may topak ang isang to pero naalala ko yung kanina..

"Ayaw mong maniwala tignan moto."sabi nya kaya napatingin ako nakita kong may ipo ipo sa kamay nya as in yung umiikot na tubig maliit to at masasabi kong ang ganda nyang tignan.

"Wow, ang ganda pwedeng pahawak?" sabi ko habang tinititigan to nakakamangha.

"H-hindi ka natatakot?"tanong nya tapos biglang nawala yung ipo ipo tsk! Panira nag niningning nayung mga mata ko e!

"Hindi, bakit ako matatakot? Madami naman kaming tubig dito."sabi ko at tumawa hindi naman kami mag hihirap.

"Aishh! Ikaw talagang babae ka bakit kaba ganyan?"tanong nya.

"Hmm..kase hindi ako duwag? Pero aaminin ko nagulat ako pero hindi ko sinabing natakot ako bakit? Bakit ako matatakot tubig lang yan at mas lalong kung ikaw lang naman ang hari ng tubig wala akong dapat ikakaba."kampante kong sagot at umayos nang upo.

"Katulad nang sinabi ko sayo hindi ka ligtas kapag nalaman nilang may alam kana kaya kita dinala dito para sana tanggalin lahat nang alam mo pero dahil madali kang kausap hahayaan kita pero pinag sabihan na kita ayokong makonsensya kaya umayos ka."sabi nya.

"Oo na! Oo na!"sabi ko pero labas sa ilong kong sagot may konsensya sya kaya kahit hindi ako mag ingat basta nanjan sya mapag tatanggol nyako kase nga may konsensya sya!

"Aalis nako at kung maaari makikipag kasundo ako sayo sa oras na sumuway ka sa mga napag usapan natin ako mismo ang tatapos sayo."sabi nya kinabahan? Hindi, bakit? Yung muka nya kase parang wala dapat ikatakot.

"Oo naman kung gusto mo bantayan moko mag damag wala kang maririnig na kahit ano."sabi ko sabay ngiti habang kumakaway pa dahil aalis na sya napa iling naman sya.

Napasigaw ako pano ko sya naka usap nang ganon? Anong gagawin ko delikado daw ako e!

Inaamin ko nagulat ako at kinabahan pinangarap kong mag karon nang powers pero hindi ko pinangarap na makakilala na may kapangyarihan!

Pero bakit hindi ako natakot? Bakit parang ayos lang sakin na may kilala akong ganong tao ow! Hindi pala tao pero...

tao pala dahil katulad ko sya may katawan may muka at nag sasalita at mas lalong may puso at konsensya so tao sya na makapangyarihan.

"Pero may iba paring gumugulo sa isip ko alam nang mga kasama nya si carlle? Si sendd.? Alam kaya nila ayokong may masaktan sya pero nag tiwala nako dahil kung masama sya bakit hindi nya ko sinaktan? Tapos sabi nya mag ingat pa daw ako."sabi ko sa sarili ko.

napatayo ako at kagad na binuksan ang pinto nakita kong hingal na nakatayo si sendd.

"A-anong problema?"parang walang alam kong tanong bigla syang pumasok sa kwarto at tinignan kung may tao.

"W-wala ayos kalang ba? Ha? Tinawagan ko narin si kuya."sabi nya kumunot naman yung noo ko.

"Bakit? Ano bang nangyare? Kumain nalang tayo dahil gutom na gutom nako."sabi ko sakanya.

"W-wala naman, sige intayin lang natin si kuya malapit nadaw sya para sabay sabay na tayo."sabi nya kaya tumango ako.

(AFTER A MINUTE)

"Carlle? Uy! Sendd. Nandito na sya."tawag ko kay sendd. Gutom na gutom na talaga ako.

"Ayos lang ba kayo? Senddric anong nangyare kay kean? Sa innyo anong nangyare dumating nanaman ba sila chester?"tanong nito.

"Kumain muna tayo kuya mamaya nanatin pag usapan yan nagugutom nadaw si kean sky shupaw."sabi nya kaya sinamaan ko sya nang tingin.

Nasa kalagitnaan na kami nang pag kain nang may maramdaman akong sakit sa likod ko umiinom naman ako nang gamot pero hindi nila alam yon.

"Kean, Kean sky? Ayos kalang ba?"tanong ni carlle pero tumango lang ako at ngumiti nag patuloy naman sila sa pagkain pero hindi kona kaya, Kaya..

"Ang Sakit!"

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon