Chapter 41:TRUSTING

739 13 0
                                    

(SENDDRIC'S POINT OF VIEW)

"Chansoe! Chansoe!"tawag ko sa kanya pag kauwing pag kauwi ko.

"Asan kaba!?"bakit walang sumasagot? Alam kong nag karon kami ng konting alitan kanina at umaga narin.

"Akala ko hindi kana uuwi."biglang labas nya sa kwarto ni kean.

"May mahalaga akong sasabihin sayo."at lumapit pero..

"Hindi ba't galit ka?"tanong nya kaya naman napa tigil ako.

"Hindi na mahalaga yon, nag pakita saken kanina ang mga magulang ni kean."pang puputol ko napatingin naman sya.

"T-talaga? Anong sabi? Ang tagal na nilang hindi nag paparamdam sayo."kaya nga nagulat ako nang makita ko ulit sila.

"Kaya nga, pero babala ang ibinigay nila saken."sabi ko.

"Babala? Teka? Alam ba nilang na wawala si kean?"tanong nya.

"Syempre, pero ang mahalaga kaylangan natin syang makita dahil ang sabi nang magulang nya saken lalong lumalakas ang kadiliman sa katawan ni kean kung nag iisa at hindi sya lumalaban."sambit ko na ikina tahimik nya.

"Hindi sya lumalaban? wala pasyang kasama, ibig sabihin nasa panganib si kean ngayon at kaylangan nya tayo!?"parang ngayon lang pumasok sa isip nya ang lahat.

"Oo, kaya sising sisi ako nang kinatakutan ko sya dahil ang totoo mas malakas pa tayo sa kanya at mas malakas sya sa kadiliman."sambit ko nag iisip naman sya.

"Kaylangan natin syang mahanap pero pano? Wala na ang..."napayuko ako at naupo.

"Grupo? Hindi naman natin sila kaylangan dahil kapag nakita natin si kean baka sila mismo ang pumaslang dito."sambit ko.

"Pero ang sabi nila kapag kaylangan natin nang tulong handa silang tumulong."sagot naman nya.

"Nag iisip kaba? Pwedeng tulungan nila tayo dahil kapag nakita na natin si kean sila mismo ang mag tutulungan para mawala ito at sa tingin moba tutulungan nila tayo lalo na si wiryeom pag katapos natin silang talikuran."mahaba kong sambit.

"Pero sila na ang nag sabi sila daw mismo ang mag hihintay sa desisyon natin at nakapag desisyon nako magiging isang grupo tayo at gagampanan ang tungkulin."napatingin ako sa kanya.

"Gagampanan? Isa karin pala sa kanila.."hindi ko makapaniwalang sagot gagampanan ang tungkulin na paslangin si kean!?

"Hindi pako tapos, gagampanan natin to bilang isang grupo...hindi sa paraan nang pag paslang kung hindi ilabas ang katotohanan.."kaya naman napa ngiti ako.

"Kung ganon? Halika na mag simula na tayo pero...nag mamakaawa ako sa ngayon tayo muna ang mag hanap dahil malay mo nanjan lang sya at alam kong kaylangan pa nilang mag isip isip."sambit ko kaya tumango sya.

"Sige, napuntahan mo naba lahat nang alam nyang puntahan?"tanong nya tumango nalang ako.

"Kung ganon medyo malayo na sya kaya mag simula na tayo baka gabihin pa tayo at mas lalong mapanganib na non."kagad syang lumipad gamit ang apoy sa mga paa nya ako naman na isipan ko nalang na tumakbo.

kagad akong nag punta sa playground baka kase mamaya dun sya nag papahinga naalala ko ang muka nya at halos ang kamay at binti nya puro sugat pa.

"Asan kana ba? Bakit ba kase hinayaan kita puro sugat kapa naman."sambit ko habang tumatakbo.

Kung hindi sya nag ligtas at gumawa nang paraan para patigilin kami ede sana walang gantong naganap masyodo na syang mabait para gantuhin sya.

(CARLLE'S POINT OF VIEW)

San san nako nakarating pero wala akong makitang kean, awang awa nako sakanya dahil may mga pasa't sugat pa sya, alam kong pinangarap din nyang maging doctor kaya marunong syang gumamot pero wala syang gamit at..

Mas lalong hindi nya magagamit ang kapangyarihan nya dahil hindi pa nya gamay ito, kaya kaylangan nanamin syang mahanap agad agad!

"Asan kana ba! Kean!!"pero wala akong maramdamang prisensya nya pero may naramdaman akong ibang prisensya.

"Kaylangan mo nang tulong?"napangiti ako ng makita ko si dworien.

"Dworien?"tawag ko pero ngumiwi lang sya at lumapit saken, yumayanig ang lupa dahil sa yapak nya.

"Darren, darren ang pangalan ko mas gusto ko iyon kesa sa dworien, ang sabi kase ni kean ang panget daw ng dworien parang prutas?"pero napangiti nalang ako kahit kaylan talaga sya.

"Tutal nag alok kana hindi kona tatanggihan pa dahil wala nakong mahihingan pa nang tulong."pero..

"Nandito kami ang kulit nyo, kakasabi ko lang kung kaylangan nyo kami eto lang kami, sa tingin ko may desisyon kana?"biglang sabat ni jongshien kaya tatlo na kami.

"Pasensya na nakaka-abala ba kami?"seryoso kong tanong pero ngumiti lang sya.

"Bakit kami tatanggi kung grupo na ang hihingi nang tulong sa amin? grupo nga diba? Sa ngayon mag hanap muna tayo tyaka na tayo mag daldalan."sambit nya pero..

Hindi ko magawang tumango naalala ko ang sinabi ni chuan 'Pwedeng tulungan nila tayo dahil kapag nakita na natin si kean sila mismo ang mag tulungan para mawala ito at sa tingin moba tutulungan nila tayo lalo na si wiryeom pag katapos natin silang talikuran.'pero..

"May tiwala ako sa innyo maiintindihan nyo din kami ni chuan at naiintindihan din kayo ni chuan."sambit ko bago sya umalis.

"Kapag tiwala na ang pag uusapan na ngangako kami."at kagad na umalis si jongshien.

"Mas maganda kung mag hihiwalay tayo."sambit ni darren kaya tumango ako sana mahanap na namin sya.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon