(KEAN'S POINT OF VIEW)
Nagising ako sa sikat nang araw masakit ang aking katawan at sira sira narin ang aking damit.
"Ano nang gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ako tutungo."sabi ko at nag punas nang luha.
Nandito ako sa tagong lugar kung saan walang tao nasa gilid ako nang pader habang may mga sangang nakalatag para akong pulubi kung titignan.
"Gutom nako at wala akong pagkain na kakainin."sabi ko para akong baliw dahil nag sasalita ako mag isa.
Kung alam ko lang na ako ang papatay sa mga mabubuting tao sana pala matagal nakong lumayo.
"Hindi mo maiiwasan ang tadhana."isang seryosong boses ang narinig ko kaya napa atras ako at sumiksik sa gilid pano nya nalaman na nandito ako?
"Nag mamakaawa ako hindi ko ginusto yon at mas lalong hindi ako yon please!"sabi ko sa kanya kahit na ganto ang nangyayari ayokong mawala sa mundong to.
"Wala akong gagawing masama, sumama kalang saken at ako ang bahala sayo ipaiintindi ko ang lahat."sambit nya.
______________________________________________"Hindi bat tiga EMPIRE ka bakit mo ako tinutulungan hindi bat mas gusto nang pinuno nyo ang mamatay ako?"sagot ko.
"Matagal nakong nag tataka sa mga utos nya, hindi ko gusto ang pagiging makasarili nya sa oras na mahuli ka sigurado akong sya lang ang makikinabang at kami ay alipin nalang."sambit nya.
"Ngunit kapag kayo'y may mapakikinabangan magagawa mo din akong talikuran at paslangin."sambit ko.
"Ngunit hindi iyon ang aking hangarin, matagal na akong nag mamasid sayo dahil sa kakaiba mong prisensya hindi lamang nila naisip na ikaw mismo ang makakapag ayos sa dalawang grupo."sambit nya, ako?
"Pero teka, pano ko magagawa yon? Hindi ako marunong makipag laban ni hindi nga malakas ang aking...loob."sambit ko.
"Kaya ka natatalo nang kasamaan? Ngayong alam mona kung ano ang ikatatalo mo at sa oras na ika'y matalo ulit tandaan mo...lahat nang nasa paligid mo mag lalaho."sambit nya.
"Kung ganon, matutulungan moba akong magawa ang mission ko nang hindi nag iisa?"tanong ko.
"Bakit hindi? Kaya nga ako nandito at pilit kang hinanap dahil sa iyong katatagan na aking naramdaman."sambit nya teka.
"Ede ikaw yung laging nakasunod saken at yung nakita ko sa bintana at yung akala ko guniguni kolang!? (Chapter 1:MY TWO BESTFRIEND) KITH naman tinakot moko."angal ko ang wirdo talaga nya, nag kabit balikat lang sya.
"Pero pano kung...pumasok nanaman sya saken? Pano ako lalaban hindi ko alam kung pano at nalalapit narin ang kaarawan ni carlle gusto ko silang makasama."naiiyak kong sambit.
"Sa ngayon hindi muna maaari, mainit pa ang dugo nila sayo kaya..dito ka muna at ako ang makakasama mo."sabi nya at tumayo.
"Saan ka pupunta? Wag mokong iwan..natatakot ako."habang nakahawak sa likod nang damit nya para akong bata na takot na takot tinitigan nya ako.
"Hindi ako maaaring mawala nang matagal sa mga mata nila mag hihinala sila at siguradong mahuhuli ka nila."sambit nya ni hindi manlang sya nag aalala saken.
"Please."maikli kong pag mamakaawa pero pinabitaw lang nya ako at nag tungo sa pintuan.
"Kung lagi kang ganyan, mahina at takot sa tingin moba makakaya kong tulungan ka ni hindi mo nga kayang pigilin ang damdamin mo pano pa ako? Mag iingat ka."sambit nya at umalis pano? Pano nga ba isang hamak na tao lang naman ako, noon.
At tama naman sya hindi ako uusad kung lagi nalang akong talo, kung ako hindi ko magawang pigilin ang pag katakot ko pano nga naman sya? Tutulungan nya ako ngunit hindi sa gantong bagay.
Sa oras na malabanan ko ang takot ko sinisigurado kong mag babayad ang lahat nang may kasalanan saken at sa mga magulang ko!
Tumayo ako para silipin sila sendd. Miss ko na sila pero mas maganda kung hindi ako mag papakita dahil baka mapano nanaman sila, si carlle hindi ko alam kung ayos naba sya.
Mabilis kong hinanap si kith para mag paalam pero wala sya kaya tumakbo ako para puntahan sila sendd. Hindi kopa kayang gamitin ang kapangyarihan ko kaya naman parang tao parin ako TUNAY NA TAO.
"Asan ba sila? Bakit hindi ko sila makita. Umalis kaya sila?"tanong ko sa sarili ko habang sumisilip maaga pa para umalis sila nang bahay.
"Nandito kalang pala."kinilabutan ako pero nakaka-sigurado akong hindi ako mapapahamak dahil walang senyas ang kwintas.
"Nag mamakaawa ako, wala akong gagawing kahit na ano gusto kolang makita si carlle at senddric kaya please lang."pero bigla nya akong hinatak sa likod kung saan matirik at tahimik ang paligid.
"Hindi ko alam kung bakit hindi ka ma-matay matay!"sambit nya.
"Hindi ko kasalanan ang lahat."pero lumapit lang sya saken kaya umatras ako.
"Hindi korin alam kung bakit moko nagagawang iligtas sa lahat nang kapahamakan gayon na ako mismo ang papatay sayo."seryoso pero kita ko ang pag pipigil.
"Hindi ako masama, maniwala ka wala akong kahit na anong ginawa."sambit ko pero paatras lang ako nang paatras hanggang sa napasandal nalang ako.
"Kung ganon bakit ang nakikita namin ay IKAW!?"umiling ako.
"Hindi ako yon mas lalong hindi ako nananakit kung ayaw mong maniwala si kith ang tanungin mo!"sambit ko pero nakita ko ang pag ilaw nang mga kamay nya na halatang sasabog na.
"Ayokong masaktan kayo kaya...ako mismo ang lumayo kaya sana tanggapin mo! Kaya kalang nag kakaganyan dahil ayaw mong tanggapin dahil mas pinaniniwalaan mo ang nasa isip mo kesa sa mga na kikita at nararamdaman mo."sambit ko habang naluluha at katitigan sya biglang bumilis ang tibok nang puso ko.
Hindi ko alam kung bakit pag sya ang kaharap ko hindi ko magawang lumaban kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
"U-umalis kana! Habang kaya kopa."sambit nya habang nakatitig sa mga mata ko at umatras na para makaalis ako.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko nang pinaalis nya ako at hindi nya manlang ako sinaktan ito ang una na makita ko ang mga mata nya na kakaiba hindi katulad nang pag tingin nya noon kapag na kikita nya ako dahil iba ngayon at ang makaramdam nang kakaiba..BAKIT? BYUN HANZ CHESTER Slash WIRYEOM!?
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasíaDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...