Chapter 43:I'M TIRED

740 10 0
                                    

(SENDDRIC'S POINT OF VIEW)

Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang hanapin sya dahil kung wala sya sa mga lugar na alam nya mas lalong hindi sya pupunta sa lugar na ayaw nya, maliban nalang kung pinilit syang mag punta.

"Sigurado kabang nandito sya?"sambit ni darren kaya naman tumango ako habang nag tatago kami.

"Mukhang gulo na naman ito."sambit naman ni yunsike habang nakangisi at umalis na dahil sya ang taga silip dahil nga mas mabilis syang makakapag laho, dahil ang pag lalaho namin ay kapag kaylangan lang at hindi katulad nang kanya, ang talagang may ari ng tunay na TELEPORTATION power ay si yunsike.

"Sana wala sya dito, para wala nang gulo."sambit naman ni jongshien.

"Sana hindi pa sya nag babago."sambit naman ni chansoe kaya napatingin ako.

"Sigurado ako, hindi sya mag babago."sambit ko naman nang dumating si yunsike.

"walang tao sa mga kwarto at mas lalong walang tao sa kusina at dito sa gate pero hindi ko tinignan ang likod nang bahay dahil baka nandun sila."mahinang sambit ni yunsike kaya nag si tanguan kami.

Kagad kaming pumasok at na uuna si jongshien kaya naman naisipan kong humiwalay para madaling malibot ang paligid.

Nandito ako sa gilid nang bahay kung saan papunta itong likod sa tingin ko naninigurado pa sila chansoe kaya nauna nako dito sa likod nang...

Nang makita kong may nakatalikod saken habang nakagapos ito at halata mo ang pag kalanta nito kumbaga sa halaman na nakayuko na, sya ay nakataas ang mga kamay habang nakahiga ang ulo sa kabilang braso na parang pinabayaan na talaga.

At...ang dalawa nitong malalaking pakpak na kulay itim at puti nanaka higa narin at hindi mo masasabing kaya pa nitong makalipad dahil lagas narin ito at sa tingin ko gusto kong gumawa nang napaka laking ipo ipo dahil sa ginawa nila kay..

"KEAN."

(KEAN'S POINT OF VIEW)

(1 FLASHBACK)

"Sorry baby ace ha? Iiwan na kita dito dahil ibinabalik na kita sa amo mo at sa tingin ko hindi na tayo mag kikita dahil hindi nako babalik dito e."sambit ko at hinimas sya habang nakatali dito sa labas nang bahay.

Tumayo nako para umalis pero nagulat ako nang tumahol sya at umiyak just imagine yung iyak nya ay parang nasaktan example yung natapakan sya at umihip sya.

Kagad ko syang binalikan at kukunin ko ulit dahil ayaw ata nyang mag paiwan tatanggalin kona ang tali nya pero ayaw nitong matanggal nang..

"Pati kawawang hayop magagawa mopang paslangin."kaya nagulat ako at napa atras.

"Mali ang iniisip nyo."sambit ko narinig ata nila ang pag tahol ni ace at nang makita nila akong may hawak na tali sa tingin ko mali ang iniisip nila.

"Wag kanang mag kaila, wala kang kasing sama."matigas na sambit ni zack.

"Mag pahuli kana."seryosong seryoso namang sambit ni xiwon wala nakong utang sa kanya kaya hindi kona sya kaylangan pang sundin pero syempre nag papasalamat parin ako sa kanya.

Tatakbo na sana ako nang biglang may humagis na flowerbase sa harap ko at si kurt ang may pakana non ginagamit na nya ang kapangyarihan nya saken ang TELEKENESIS kaya nyang mag pagalaw nang mga gamit at mag hipnotays nang mga tao.

"Wag kanang tumakas pa dahil wala kanang kawala napaka sama mo!"sambit naman ni chase at tinapatan ako nang kuryente pero nakaiwas ako pero bago ako makatakbo ulit...

May yelo na sa paa ko na ikinatumba ko ang lamig at hindi kona magawa pang makaalis tinignan ko si xiwon pero seryoso lang syang sumenyas kay chase.

Hindi panga ako magaling ni kahit isang sugat o pasa wala pang nag hihilom saken lalo na ang nasa balikat kong gawa nang zack nato walang isip isip ay pinatamaan ako nang kuyente ni chase buti nalang at gabi parin kaya walang tao.

"Ahhh!!! W-wala akong ginagawang masama kaya nag mamakaawa ako pakawalan nyo nalang ako at promise mag papakalayo layo nako."sambit ko pero parang may lumalabas sa katawan ko.

"Ahhhhhhhh!!!!"malakas kong sigaw pero ni hangin wala akong maramdaman sa tingin ko ginamit nani thunder ang kapangyarihan nya pinatigil nya ang lahat kaya parang hindi narin ako makahinga, parang alam nila na ganto ang mangyayari.

"Dalin nayan sa loob."utos ni zack kaya kagad na lumapit si thunder at chase pero bago ako buhatin ni chase kinuryente nanaman nya ako para siguradong hindi nako makakapaglag pa.
________________________________________________________________

"Hmmm.."dahan dahan akong dumilat pero...nakagapos ako at para akong kriminal bakit ba ginagawa nila to!?

Muling nanlaki ang mga mata ko dahil sa muling pag balik nang kalahati kong muka ang itim at puti pero nakikita kong parang mas lumalamang na ang itim bakit ganto!?

"Gising nasya."napatingin ako kay nathan na ngayon ay nasa malayo at hindi makatingin saken.

"Wag kang lalapit baka anong gawin nya sayo."sambit naman ni thunder na bagong labas lang nasatingin ko nasa likod ako nang bahay nila.

"May mga sugat pasya."sambit naman ni nathan pero pilit kolang tinatanggal ang pag kakagapos ko.

"Hindi mo matatanggal yan kaya mapapagod kalang...pero kung malakas ka ILABAS MO!"pero pinilit kong manahimik nalang sa sinabi ni zack habang nakasandal sa pader at nag lalaro nang apoy.

Bakit pako aalis dito? E wala naman narin akong mapupuntahan mas ok na siguro to para wala akong masaktan hindi ko narin kase kaya pang pigilan ang sarili ko pagod nako at ayokong makasakit.

Tutal takot naman sila carlle dahil sa ityura ko bakit pako babalik? Naalala ko lahat nang reaksyon nila at ayoko nasanang maulit payon at sana lang matapos nato gusto ko naring makita ang mga magulang ko muli ay mayakap manlang sila.

"Akala koba malakas ka?"biglang tanong ni nathan pero hindi ako sumagot at pilit na umayos maupo dahil narin sa pakpak ko kaya nahihirapan ako pinatong ko nalang ang ulo ko sa kaliwa kong braso.

(AFTER ONE WEEK)

Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako pinapatay bakit hind pa nila gawin? Hindi nanga ako lumalaban para tapos na ang lahat tutal ako lang naman ang problema.

Sa isang linggo ko dito mas lalong nag lalagas ang mga pakpak ko at lagi lang din akong tahimik at walang kibo maging ang expression kong masaya at laging nakangiti, hindi na muli nila nasilayan pa wala narin namang dahilan para ngumiti at mag saya pako dahil kahit anong oras pwede nakong mawala.

Sa totoo lang wala silang ginagawa saken ni hindi nila ako nasaktan pa pag katapos nang gabing yon ni lapit nga hindi nila magawa nasasaktan ako na natatakot sila saken dahil sa ityura ko pero mali naman yung iniisip nila e!

Para akong batang nag iisa at nag hahanap nang kasama para akong nakakulong sa kabinet at parang hayop kung bigyan nang pagkain ni pag kain ko kapangyarihan lang nila ang ginagamit para maibigay saken pero hindi ako kumakain kaya naman latang lata na talaga ako.

Hindi rin ako makakagawa nang plano para makatalas dahil nakatali ang mga pakpak ko at ang mga kamay kong nakagapos na may nakabalot padito para sure na wala nakong magagawa EDE MAGANDA! Pagod na pagod nako!!

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon