Chapter 6:SAVE OUR SHOP!

1K 15 0
                                    

Nagising ako dahil sa na amoy ko umm! Ang bango na gugutom nako kaya kagad akong bumangon at nag hilamos at nag ayos tyaka bumaba.

"Ang aga mo atang nagising?"tanong ni carlle habang nag luluto, si senddric Kaya ayos na?

"Ahh! Nagutom kase ako sa naamoy ko, si sendd. Kamusta ayos naba?"tanong ko.

"Ahh! Paki tignan naman."sabi nya kaya tumango ako.

Nag punta nako sa kwarto nila ang kalat naman kaya nag pulot muna ako ng mapansin ko yung kwintas ko ano nga bang meron to? Ang simple lang naman.

(FLASHBACK)

"Sendd. Ayos kalang ba uminom ka muna."salubong ko sa kanya.

"B-bilisan mo itago mo yung kwintas mo."sabi nya kaya kumunot yung noo ko.

"Bakit? Teka bakit ganyan yang ityura mo? San kaba galing ha?"tanong ko.

"Basta itago mo yang kwintas mo at umuwi na tayo bilis."bulong nya saken kaya sumunod nalang ako at inalalayan sya.

Pag dating namin kagad syang pumunta sa kwarto kaya hindi nako nakakain napansin kong may kakaiba sa kanya ano kayang nangyari?

(END OF FLASHBACK)

"Hey? Senddric Gising na."gising ko sa kanya maayos nasya ngayon hindi katulad kagabi na nginginig sya.

"Wag mokong hawakan!"sigaw nya at tinulak ako kaya napaupo ako.

"Ouch!"angal ko mukang nananaginip sya hays! Ang hirap pala nitong managinip pano pa kaya kapag yung kapatid naman nya ede tatalsik nako?

"Kean ayos kalang ba?"tanong ni carlle tumango naman ako.

"Senddric! Senddric!"gising nya kay sendd. Pawis na pawis tong bumangon.

"B-bakit? Sorry na nanaginip ata ako."sabi nya.

"Oo napaupo nga ako sa tulak mo e."sabi ko at nag pagpag.

"H-ha? Natulak? Hindi ko alam sorry sorry."sabi nya tumawa naman ako.

"Syempre na nanaginip kanga diba?"sabi ko at inaya nasyang kumain.

"Bukas kaylangan makapag bayad na tayo baka ipasarado tong shop."sabi ko.

"Pero wala pakong trabaho."sagot ni carlle.

"E kung pasarado muna natin?"tanong ni sendd. Kaya napatigil ako sa ginagawa ko nandito kami sa shop at nag hahanda nasi carlle para mag hanap ng trabaho ako mamaya pa aalis.

Napatingin naman sila saken umiwas naman ako at umiling alam naman nila kung bakit ako nag sikap na mag karon kahit shop lang para sa pangarap ko at para mag karon ng pera at mahanap ang magulang ko.

"Sa tingin ko kaylangan konang umalis habang maaga mag iingat kayo dito."sabi ni carlle at umalis na.

"Oy! Sendd. Mag iingat ka dito, aalis narin ako."sabi ko at kinuha yung bag ko.

Saan naman ako pupunta nito? Hindi ko alam kung san ako mag sisimula nag lakad lakad ako at naisip kong pumasok sa kompanya tutal hindi naman mababa yung pinag aralan ko kaso..

Ang daming requirements na kaylangan, Ano nang gagawin ko? Bukas na yung bayaran naisipan kong mag punta muna sa park para sana mag pa hangin kaso pano yung pambayad namin?

"Papalamig lang naman ako ng ulo para makapag isip isip narin."sabi ko at pumara nako.

(AFTER A MINUTE)

Nandito nako pero konti lang ang tao buti naman naupo ako sa isang upuan sa medyo tago sa ilalim ng laruan ng...

"T-teka yun bayung lalaki kagabi?! Si mr. Adam's apple pala ang sungit naman nya ih."bulong ko at umiwas ng tingin.

Ano bang gagawin ko? Kaylangan ko nang pera para ma save ko si shop. Sinabunutan ko yung buhok ko at pumikit ng makaramdam ako parang may... tao?

"Miss ayos kalang?"tanong nya kaya napa dilat ako gwapo sya singkit medyo maliit na napaka puti at teka? Parang may kaboses sya?

"Miss sabi ko ayos kalang ba?"tanong nya ulit kaya napa tayo ako.

"Ah!!Ang sakit!"sigaw ko dahil nauntog ako oo nga pala nasa ilalim ako ng laruan nakakahiya.

"Sa tingin ko hindi ka ayos."sabi nya tsk! Paduguin ko kaya yung ilong nito? Ang sakit sakit halata naman.

"Sow-- ow! Ikaw ulit? Napano yan?" napatingin ako don sa lalaking kakadating palang napa tago tuloy ako ng muka.

"Ah! Nauntog kase sya at mag kakilala kayo?"tanong ni kuyang singkit walangya tong lalaking to!

"Kasama mo?"Tanong ko kay mr.singkit at hinilot yung ulo ko.

"Malamang nandito ako sa tabi nya at kinakusap sya."pilosopo nya.

"Kung wala kang magandang isasagot manahimik ka nalang dyan."inis kong sabi ng mag ring yung phone ko.

"Excuse."sabi ko sabay irap kay kuyang adam's apple at sinagot yung tawag hindi naman malayo sa kanila.

"hindi pa kase.. wala pakong nakikitang nangangaylangan ng kasambahay or kahit ano."sabi ko pinatay ko narin dahil nag tanong lang naman sya.

"So kaylangan mo ng trabaho? Tama ba?"nagulat ako nang may nag salita sa likod ko kaya..

"Ay! Chismoso kang palaka!"sigaw ko at nakita ko namang seryoso parin yung muka ni kuyang singkit at si kuyang adam's apple naman napapangisi.

"Anong sabi mo sa kanya~"parang nang aasar nyang tanong.

"Wala kana don! Pasensya na kuyang singkit ay! Este sir."sabi ko sabay ngiti ng alinlangan.

"Ayos lang, mabalik tayo kaylangan mo ng trabaho?"tanong nya nahihiya akong tumango ang hinhin naman nya.

"Oo e, at kaylangang kaylangan ko po talaga."sabi ko sabay paawa face.

"Kawawa ka naman. Sorry wala kaming matutulong halika na may hahanapin pa ta--"pinanliitan ko ng mata si mr. Adam's apple pero pinutol naman sya ni kuyang singkit.

"Meron akong ibibigay sayo pero sa bahay ang trabaho mo pag luluto, pag lilinis mo kami."sabi nya namilog naman yung mata ko derederetyo si kuya yung kasama naman nya hindi makapaniwala kaso..

"Kami? Parang ang dami nyo naman at isa pa m-mag kano ang sweldo ko? At part time job lang ang hanap ko dahil may sarili din akong shop."sabi ko.

(AFTER ONE HOUR)

"Deal?"tanong nya kaya kagad kong tinaas yung kamay ko para makipag shake hands.

"Deal!"sabi ko at nag shake hands naman kami yung kasama nya? Ayon ang sama ng tingin saken tutusukin ko yan e!

"Okay, ang simula mo bukas tutal kagad mong kinuha ang pang dalawang linggo mong sweldo bukas ang simula mo at sana hindi ka magsisi."sabi nya, Nakakahiya tumingin ulit ako kay kuyang adam's apple nakangisi naman sya ngayon! Panget!

"Oo naman kayang kaya ko yan, sige sir Xiwon salamat po."sabi ko umalis na sila kaya nag tatatalon ako sa tuwa pero nakakapag takang ang taas nyang mag bigay ng sweldo talaga bang kakayanin ko yon? At kung hindi kolang kaylangan ng pera aba! Hindi ko gagawin yung ginagawa ko ngayon sa tono nya kase parang pinakakaba nya ko.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon