Chapter 45:HOPE

749 9 0
                                    

"Hinayaan ko kayong saktan ako! Hinayaan ko kayong hulihin ako! Hinayaan ko kayong gawin ang gusto nyo! Hinayaan ko ang sarili kong mag sakripisyo para matigil ang lahat pero ito ang pinalit nyo!"kagad syang tumayo at walang ano ano ay kagad na bumukas ang mga pakpak nya.

Hindi ako makapaniwalang nakawala sya nang isang tabig lang sa pag kakagapos gamit ang iba pang kapangyarihan na nakalagay dito, biglang umilaw ang mga mata nya na ngayon ay sa sobrang galit  ang parehas nyang mata ay naging pula na nang tuluyan.

"Kean!! Huminahon ka labanan mo! nag mamakaawa ako lumaban ka wag kang pangunahan nang galit!"sigaw ko habang nasa harap nya pero ngimisi ito nakakakilabot.

"Wahahahaha!!! Akin na ito ngayon!"isang nakakatakot na boses ang narinig namin kay kean hindi sya ito, habang dahan dahang inaangat nang mga pakpak nya ang katawan nya.

Lahat sila ay nag handa para sa malaking labanan ang langit ay umitim ang paligid ay tahimik at sa tingin ko may sarili kaming mundo.

"Ahhhhhhh!!!! Tigilan mona ako!"pero sa ikalawang pag kakataon boses naman ni kean ang narinig namin ito na kaylangan lumaban sya sa kadiliman.

"Lumaban ka kean! Labanan mo!"sigaw ko pero nakikita kong parang may kung anong humihiwalay na puti sa katawan nya mali ito! Si kean ang puting kaluluwa at itim sa kadiliman hindi pwedeng makaalis si kean sa katawan nya kung hindi kadiliman ang mamumuno sa sarili nyang katawan.

"Anong nangyayare!?"tanong ni sowonne pano koba ipapaliwanag ito kung kaylangan kong gabayan si kean.

"Ilayo nyo dito si chansoe ngayon din!"kagad na nahati ang mga bato at dinala ni darren si chansoe sa loob nang bahay.

"Wag nyo syang sasaktan!"sigaw ko pero.. isang apoy ang tumama sa pakpak ni kean!

"Wahhhhhhhhh!!!!"isang malakas na wagayway ang ginawa ni kean sa pakpak nya kaya naman halos lahat kami ay na tatangay.

"Wag nyo syang sasaktan sa oras na masaktan sya mas lalo syang lalakas!"sigaw naman ni jongshien.

"Bakit nyo alam!? Sigurado ba kayo?"sa gitna nang nangyayari sa tingin banya nag loloko pa kami? Si xisyon ay may isip pero may katangahan.

"Yahhhhh!!! Tumigil ka!"isang liwanag ang nakita ko na tumama sa dibdib ni kean kaya kagad itong napaatras pero..

Hindi pa nakakabilang nang lima ay kagad na gumanti ito at nag labas sya nang mas malakas na hangin namay koryente para itong kulog sa oras na tamaan ka pwede kang manghina pero lahat kami ay nakaiwas.

"Kean!! Lumaban ka nandito pako!"sambit ko at sinubukang agawin ang atensyon nya.

Nagawa kosyang patinginin saken habang nasa harap nya kaya nasa likod ang iba.

"Makinig ka! Kean! Lumaban ka!"sigaw ko pero ngumisi lang sya.

"Sa takot nya sa tingin moba magagawa panyang kumaban?"napaatras ako sa boses na narinig ko pero..kung hindi sya lumaban anong nangyari sa kanya asan sya?

"N-nasan sya!?"hindi pwede! Hindi pwedeng mawala nalang nang ganon si kean.

"Wala na! Wahahaha!!"nakakatakot pero kaylangan mapalabas ko si kean.

"Kung ganon tapusin nanatin to!"at kagad na tumira si zack at nag labas nang malaking apoy at pinatamaan ito.

"Waggg!!"wala nakong nagawa nang sunod sunod na silang tumira anong gagawin ko?

"C-chansoe?"sambit ko at kagad na pumasok sa loob.

"Chansoe! Chansoe! Gumising ka kaylangan tayo ni kean!"at inuga sya pero hindi sya dumidilat.

"T-teka lang!"at lumabas hinanap ko si nathan nakita kosyang ginagamot si chase dahil sa sugat nito sa noo na mukang ikinauntog nya.

"Tulungan mo ako!"sigaw ko dahil nag kakagulo na kaylangan kasama ko si chansoe dahil sya lang ang makakatulong saken dahil sya lang naman ang kasama kong nakakaintindi sa lagay ni kean.

"Hindi ko pwedeng iwan ang iba dito, dahil nang hihina na sila."pero pinilit ko parin sya.

"Mamili ka! Mamamatay sila o tutulungan mo ako para matigil na ang lahat!"pero na lilito syang tumingin kay chase na halos hilong hilo na.

Kagad naman syang tumakbo kasama ko nakita kong wala si chansoe kung saan dun ko sya iniwan kanina.

"Bitawan mo sya!!"biglang sigaw ni wiryeom na ngayon ay hindi alam kung ano ang gagawin ganon din ang iba.

Nakita kong lumulutang ang tulog na chansoe at....hindi pwede anong gagawin nya!?

"Kean makinig ka! Si carlle yan!"sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata.

Hindi ko alam kung saan sya nakakuha nang ispada malaki ito at kulay itim may usok din na lumalabas dito at itim din.

"Huangsang!! Patigilin mo sya ilabas mo lahat nang makakaya mo!"sigaw ko at tumango naman sya.

Nakita ko ang ugat sa ulo ni huangsang ibig sabihin hindi nya kaya hindi nya kaya ang lakas ni kean anong gagawin ko?

"Kumilos kana habang kaya kopa!"napatingin ako kay kean at chansoe nakatigil si kean pero kita ko parin ang pag laban nito kaya konti nalang tatama na kay chansoe ang tusok nang ispada.

Wala akong nagawa kung hindi talunin si chansoe gamit ang hangin at bumagsak kami na ikina untog ko.

"Yunsike ialis mo sila don bilis!"rinig kong sambit ni sowonne.

Kaya naman pinilit kong maupo ang sakit nang ulo ko sa tingin ko napuruhan ako tsk!

"Hindi ko kayo kayang dalawa isa lang ang kaya ko dahil nang hihina nako."sambit ni yunsike.

"Unahin mo na sya bilis kaya kopang tumayo!"sambit ko kaya tumango sya kagad naman syang nag laho pero..

"Ahhhhh!!!"kagad kong sigaw dahil kala ko tatamaan ako nang ispada pero tumigil to malapit sa dibdib ko.

"U-umalis kana sendd. habang kaya kopa please!"nagawa nya parin akong iligtas kaya kahit papano nag kalakas sya nang loob at...nakaya nyang labanan to kahit na kaunti ibig sabihin lang..

MAY PAG-ASA PA.....

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon