Chapter 14:HAPPY PICTURE!!!

926 16 0
                                    

Yung nangyare kahapon binaliwala ko nalang dahil kapag iniisip koyon naaalala ko yung sarili ko ang liit nang tingin nila saken pero syempre hindi ko kakalimutan yon.

Kinausap ko sila sendd. Pero sa tingin ko wala silang balak na sabihin saken yung nangyare at ang sabi nila kumain lang daw sila kahit na gusto konang sumabog dahil nag sisinungaling sila hindi ko magawa dahil wala akong kumpletong impormasyon.

"Aalis nako."paalam ko sa kanilang dalawa pero bago ako makalabas...

"Mamaya pupuntahan kita, wag kang mahihiyang mag sumbong kapag sinasaktan ka nila ok?"tanong ni sendd.

"Oo naman."masaya kong sabi at umalis na pero nakasimangot akong nag tungo sa bahay na ayaw kona sanang balikan.

"Good morning."masaya kong bati kay chase pero ang loko seryoso parin hmm.

"Nandito kana pala, pumunta ka sa kwarto ni thunder at mag ayos."sabi nya habang umiinom nang kape.

"Sige po sir."sabi ko at kagad na sumunod sa narinig ko kahapon naisipan kong iparamdam naman sa kanilang may pakinabang ako at hindi yung mamaliitin nila ako.

"Hmm..sir.thunder?"tawag ko sa kanya pero walang sumasagot ok? Walang tao? Mabuti naman at napansin koding si Sir.chase palang yung na kikita ko.

Nakita ko nanaman yung stamp toy na tinapon nya yung panda? Remember yung may punit lang nang kaunti tinapon na agad.

"Sayang naman medyo malaki pa naman to at hindi pa masyadong luma."sabi ko at pinulot yon san naman ako hahanap nang karayom at sinulid? Lumabas ako para mag tanong.

"Oh! Good morning sir."bati ko kay sir.nathan habang nakangiti nakita kong may dala syang tray kaya kinuha koyon.

"Ako nalang po, nga pala may sinulid at karayom ba kayo dito?"tanong ko kumunot naman yung noo nya.

"Meron bakit?"tanong nya ngumiti lang ako at sumagot buti hindi pa ngawit yung bibig ko.

"Oo nandon sa cabinet sa sala."sabi nya kaya tumango ako at nilagay nayung kinainan nya sa kusina.

"Hmmm..cabinet? Saan naman dito.."sabi ko habang nag hahanap wala naman yata dito e! Kinapa koyung taas.

"Nandito kalang pala pinahirapan mo pako."sabi ko habang hawak yung sinulid nang may kapansin pansin akong nakita yung litrato nila pito sila at yung isang matandang lalaki napangiti ako dahil lahat sila halatang masaya sa picture nato bakit kaya nakatago? Ang ganda pa naman at napansin kolang na medyo luma nato at ito lang ata ang kaisa isa nilang picture.

"Marunong naman pala silang ngumit e! Kung maka seryoso naman parang laging may kaalitan."sabi ko at patago kong kinuhanan yon ng...

"Anong ginagawa mo?"biglang tanong ni sir.zack kaya sa gulat ko kagad kong nabitawan yon.

"P-pasensya na hindi ko sinasadya."sabi ko sabay kuha nang litrato buti nalang at hindi ito naka frame kaya walang kahit anong nabasag para ngang wala lang sa kanila yung picture dahil pahaya haya lang sa taas kung saan medyo maalikabok.

"Bakit hawak moyan!?"sigaw nyang tanong kaya napa atras ako.

"N-napansin kolang kaya tinignan ko pero ibabalik ko narin sana kaso nag salita kayo kaya nagulat ako."sabi ko pero hinitak lang nya yung picture at nilukot sabay hitak naman nya sa braso ko kung saan dun din nya hinitak yung braso ko nung unang nag kita kami.

"Kahit kaylan ka talaga hindi kana lumugar!"inis nyang sabi pero hindi ko naman sinasadya yon at isa pa hindi naman tama na gantuhin nya ko kahit may pag kakamali ako.

"Pesensya na hindi ko naman talaga sinasadya."sabi ko habang naluluha.

"Nakikinig kana nga sa usapan ng may usapan pakeelamera kapa!"naluha ako pero pinilit kong pigilang bumuhos nang tuluyan.

"Sinabi kona! Hindi konga sinasadya."sabi ko pero inis nya kong tinulak paupo sa supa kaya tumama yung bandang likod ko.

"Anong ginawa mo!"nagulat ako sa sumigaw kaya kagad na nanlaki yung mata ko.

Kagad na sinuntok ni sendd. Si zack kaya nakita kong inis na inis si zack na tumayo tutulungan ko sana syang makatayo pero kagad naman syang gumanti kay sendd. Syempre hindi nag patalo si sendd. At kagad na gumanti at hindi lang isa dalawang beses pa kaya napa awat ako.

"Tama na! Ano ba!"sigaw ko pero hindi ko sila kaya, kaya naman natuwad ako at dahil sa supa nanaman ako napa upo yung likod ko nanaman yung tumama.

"Hey!"awat ni chase kaya naman tumigil yung dalawa.

"Anong nangyare? Bakit nandito ka?"biglang dating naman ni sir.nathan kaya tumayo nako at hinila si sendd. Sa likod ko.

"P-pasensya na ako po yung nag papunta sa kanya. mag papaliwanag nalang po ako mamaya."sabi ko sabay hila kay sendd.

"Ayos kalang ba? Sorry sendd."sabi ko at yumuko.

"Ayos lang, isa pa sinabi kona sayo na kapag sinasaktan ka tumawag ka bakit ba ang kulit mo? Isa pa dapat nga sya yung nag so sorry hindi ikaw."sabi nya.

"Sorry sana hindi nato makarating kay carlle please sendd. Ayoko nang gulo ok?"tanong ko kaya tumango sya.

Nag usap lang kami saglit pinipilit nga nya kong umuwi na pero sabi ko hindi pa tapos yung trabaho ko, pag pasok ko nakita ko si sir.nathan at chase nanaka upo.

"Kung ano man yang paliwanag mo hindi kami interesado kaya kung lagi mo syang papupuntahin dito para tignan ka ayos lang pero ayokong ma ulit yung nangyare dahil baka hindi na sila mag papigil."sabi ni sir.nathan kaya napangiti ako kagad naman silang tumayo at bumalik nasa kwarto.

Kagad naman akong kumuha nang bimpo at nang yelo para sana kay zack dahil sa tingin ko napuruhan sya kahit naman anong gawin nya hindi naman ako yung taong kagad lalayo parang na ku-curious panga ako e.

"Sir? Dinalan kita nang bimpo at yelo para sana sa sugat nyo."sabi ko habang nakatalikod sya pero halatang nagulat sya.

"Hindi kaba marunong kumatok? At isa pa pwede ba? Lumayo kanga saken at iwan moko hindi ko kaylangan nyan."sabi nya pero derederetyo lang ako sa harap nya.

"Kahit anong gusto nyo gagawin ko, pero sa ngayon gagamutin ko muna yang sugat nyo."medyo seryoso kong sagot.

"Wala akong pakeelam kaya umalis kana at wag nang mag pakita saken."sabi nya pero umiling lang ako at medyo ngumiti.

"Gagawin koyon pag tapos konang gamutin yang sugat mo ok?"sabi ko at lumapit nang lumayo sya.

"Sinabing umalis kana dito! At kung pwede wag kanaring bumalik ako nang mag papaliwanag kay xiwon alis!"malakas nyang sigaw kaya wala nakong nagawa malabo nanga ata kaming mag kasundo.

"S-sige, pero ito yung bimpo kaylangan moyan para sa sugat mo."sabi ko at kagad na lumabas kahit kaylan talaga hindi ko naisip na ganon sya pero ngayon? Sa tingin ko talagang ganon na sya.

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon