"Sige na! Kahit isa lang patingin ulit sige na kase!"kulit ko sa kanya habang nag mamaneho ang gwapo nya kase nung ngumiti sya! Baka lumaki ang ulo gwapo naman talaga sya suplado lang.
"Tumigil kana nga!" Pag susuplado nya.
"sayang ang gwapo mona sana kaso namalik mata lang pala ako."sabi ko at pabagsak na sumandal.
"Hindi ka namalik mata dahil gwapo naman talaga ko."sabi nya see?
"Tsk! Ang yabang pero seryoso sayang maniniwala na sana ako pero mukang nag kamali lang yung mahiwaga kong mga mata."kung may kapangyarihan lang ako kanina ko pato pinilit na ibuka yung bibig nya kaso hanggang KUNG lang ako.
"Malapit na tayo kaya tumahimik kana."sabi nya inirapan ko naman sya ede wag!
"Oo nga pala bago ako makaalis nung gabing una tayong nag kita ano mo yung lalaking kasama mo?"tanong nya.
"Pakeelam mo?"nakasimangot kong tanong, e ano naman kung ano ko si sendd.?
"Boss mo parin ako at binayaran ka parin namin."sabi nya talaga? So may hati pala sila don?
"SORRY po sir."parang hindi katanggap tanggap kong pag sosorry.
"Nandito natayo."sabi nya at bumaba na iniintay kong pag buksan nya ko pero ang loko papasok na sa market habang ako iniwan nya?
Nakakainis talaga yung mga katulad nya hindi manlang gentlemen.
Kagad akong bumaba at sinundan sya nang maabutan ko sya halos mahiga nako sa pagod dahil hindi ko sya matapatan ang bilis mag lakad.
"T-teka lang ano kaba naman nag mamadali kaba ha? Hingal na hingal nako isapa may kasama ka oh! Hello nandito ako iwan ka naman ng iwan."lalo tuloy lumukot yung muka ko yung tipong nasalapag nayung nguso ko sa sobrang pagka-dismaya.
"Anong nginunguso nguso mo dyan? Nandito na tayo baka naman gusto mong tumulong manguha ng mga kaylangan kaya nga kita sinama diba?"sabi nya.
"Sabi mo sasamahan lang kita hindi tutulungan."sabi ko pero nakatingin lang sya kaya naman hinitak ko yung hawak nyang papel kung nasan nandun lahat ng bibilin.
"repolyo check! Karots check! Patatas check! Gabbi check!"binibilang ko kase lahat ng nakuha kona oo ako lang! Yung kasama ko ewan ko kung nasan na siguro nag hanap ng karne.
"Oh! Uminom ka muna."sabay abot nya ng tubig habang may hawak na karne.
walang gana kong kinuha yon at ininom pag kainom ko ng ilang lagok lang kagad ko syang iniwan para kumuha ulit ng mga kulang bahala sya sa buhay nya.
"Hoy! Bakit kaba nang iiwan."angal nya kaya napatigil ako.
"masarap maiwan no?"sabi ko at dumeretyo na ulit sa pag lalakad habang nakasimangot ayoko panaman yung ganon pakiramdam ko kase nag iisa lang ako parang wala lang ako.
"Sorry ang bagal mo kase e."sabi nya pero tinitigan ko lang sya maya maya lang..
"Ang cute!"sigaw ko kaya may napatingin saken nag sorry naman ako.
"ang lakas naman ata ng epekto nitong ngiti ko? Sasusunod nga wag kang maingay nabibingi ako sa boses mo."sabi nya at tumalikod.
"Halika nga dito nang iiwan ka nanaman e."sabi ko at hinila sya kaya tapat na kami habang ako may dalang basket sya naman cool na naka pamulsa.
"Alam mo kase para saken mahalaga ang bawat pag ngiti kaya kung minamaliit nyo yung mga masasayang tao parang minaliit nyo narin ako."medyo malungkot kong sabi sa kanya pero kagad din akong ngumiti dahil nakita ko syang nakatingin pala saken.
"O-oh! Ito pala yung gatas mamili kana hindi ko kase alam kung anong gatas yung pinabibili ni sir thunder e."sabi ko sabay ngiti at chineck yung nasa listahan.
(AFTER HALF HOUR)
"Ako na dyan paki bigay nalang to kay thunder."sabi ni chase at binigay saken yung gatas at sya nayung nag buhat ng mga pinamili namin napangiti tuloy ako sadyang suplado lang sya pero mabait naman talaga sya naramdaman kolang.
"sir? Ito napo yung gatas nyo."sabi ko pagka bukas kong pinto nakita kong inaayos nya yung mga panda sa table nya malapit sa kama ang ku-cute may malaki may maliit tapos ang lilinis pa nakita kong may isa pang panda pero sira nayung bandang ulunan nito kaya nagulat ako ng itapon kagad to ni sir sa trash can nya.
"Sir? Mahilig pala kayo sa panda parehas pala tayo."sabi ko at binaba nayung gatas sa table nya.
"Really?"Kahit kaylan talaga ang suplado kung mag salita kapiranggot e!
"Sir? Alam nyo ba yung mga panda laging masaya yan, Malambing at isa pa laging nakakapag pasaya ng tao kaya sana kayo den ang seryoso nyo po kase."sabi ko tumingin naman sya kaya ngumiti ako at nag paalam na lalabas na.
"ako na dyan."sabi ko kay chase nag aayos kase sya sa kusina.
"Tulungan na kita."sabi nya habang nakangiti buti na kumbinsi ko sya at sa tingin ko mag kakasundo na kami kahit papano.
"See? Ang sarap ngumiti, ang sarap maging masaya kung puro problema lang ang iniisip mo masasabi kong hindi mo talaga makukuhang ngumiti pero madaming sulusyon jan at hindi dapat kinakalimutang sumaya kahit minsan lang."sabi ko tumango naman sya naparang may na realize.
"Hindi ko alam kung bakit mo nagagawang ngumiti pero sana tulungan mokong magawa to sa iba kung alam molang kung ano talaga ang dahilan sigurado akong maiintindihan modin."sabi nya kaya tumango ako at binigyan sya ng ngiting nag sasabing 'NAIINTINDIHAN KO.'
Pagka tapos naming mag ayos kagad akong nag punta sa kwarto ni sir.xiwon dahil aayusin kopa yung kama nya napansin kolang na wala sya dito kanina pa.
nagulat ako nang may nag ring narinig kong nasa cabinet yung tumutunog kaya kagad kong kinuha baka emergency mag sasalita na sana ako ng mag salita agad sya...
"Sa tingin ko nandito narin ang ibang grupo mukang mag kakaproblema na tayo, at hanggang ngayon wala pakong impormasyon para sa babaeng hinahanap natin kung san-san nako nag hanap pero kahit isang marka wala akong mahagilap..SOWONNE?"
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasyDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...