Nakasandal lang ako dito sa labas habang may hawak na bato gusto kong mag wala dahil sa nangyayari ngayon pero wala namang maitutulong yon kaya pinigil kong gumawa nang iskandalo dito.
Napatitig ako sa batong hawak ko habang pinang gigigilan to naalala ko nanaman yung Mr.monster nayon napaka halimaw nya talaga nakakainis kaya binalibag koyung bato at inimagine nasya yon.
"Huminahon ka tago na ang araw kaya maingay kung mag wawala ka pumili ka nang lugar na alam mong wala kang maaabala."hindi ko sya pinansin at kumuha ulit nang bato.
"Salamat ha!"sarcastic kong sagot hindi nako nagulat na may bigla nalang babawal saken e dun nga sa hari nang tubig at hari nang kuryente hindi nako nagulat sa pag sulpot pa kaya nang wirdong lalaki nato!
"Sinabing kith ang pangalan ko KITH NEVES na iintindihan mo bayon?"tanong nya pero walang sagot na bumalik sa kanya.
"Pwede ba! Kung patatawanin mo lang ulit ako gawin mona habang may konti pakong natitirang lakas para sa kalokohan mo."sabi ko at tinignan sya.
"Mali atang nilapitan kita."sabi nya at tumabi saken nandito kase ako sa gate sa may tagong puno at naka sandal.
Hindi ko sya pinansin at kumuha ulit nang bato pero bigla nalang tong nalaglag at tumalsik sa malayo panong?
"Sali naman ako mukang mag kakaron tayo nang ilang oras na kwentuhan."parang nang iinis nitong sabat pero masasabi kong nakakakilabot ang boses nya dahil narin sa kaseryosohan.
Hindi korin sya pinansin at hinayaang lumapit nalang may kasalanan pasya saken kaya hindi kami mag kaayos.
"Kith? Anong problema nyan mukang hindi sya madaldal ngayon."sabi nito ano sya makakalimutin?
"Baka nakakalimutan nyong dalawa kung anong ginawa nang magaling nyong master? Gusto nyo bang ipaalala ko kung pano nya ko lait laitin? At ikaw kaybigan ba kamo? Binabawi kona."sabi ko kay darren at tumayo nang deretyo.
"Sya lang ang nang lait pero pati kami kasama?"tanong nya kaya napa tingin ako abnormal bato?
"Kaybigan kayo pero hindi nyo sya magawang turuan nang tama."sabi ko at kumuha ulit nang bato para pang gigilan.
"Kung sinasabi mong wala kaming kwentang kaybigan pasensya na pero ni minsan hindi namin sya hinayaan na gumawa nang kung ano ano pero nang makita kanya hindi namin alam kung bakit nag kaganon sya."sabi ni kith kaya napatingin ako so kasalanan ko?
"Hindi ko kasalanan kung bakit sya nag kaganon wala akong ginawang ikagagalit nya pero mas pinili nyang magalit kesa umintindi."sabi ko nang seryoso.
"Dahil sa prisensya mo alam ko wirdo at nakakatawa pero sa tingin moba mag aaksaya sya nang oras para lang laitin ka?"tanong nya na lilito ako so may kaylangan sya saken.
"Umalis na kayo!"seryoso kong sabi at kagad na pumasok sa loob pero nag tago lang ako sa gilid kung saan na aaninag kopa sila oo wirdo sila at nakakapang hinala kaya ngayon palang sisiguraduhin kong may malalaman ako.
Nag tago lang ako dito sa likod at tinitigan sila nag katinginan lang sila at... biglang nag laho si kith as in nag laho talaga sya hindi ko alam kung panong nangyare yon pero naalala kong ganon yung ginawa ni jude pero masasabi kong iba parin yung ginawa ni jude sa ginawa ni kith.
"I-ibig sabihin sya din? Ano ba talaga sila? Bakit ba may mga taong katulad nila na nandito sa mundong to!?"kagad akong pumasok sa loob at nag isip.
"Hmmm..sendd.? Kamusta ka masakit paba?"kausap ko sa kanya habang na tutulog actually mag katabi dapat sila ni carlle pero nasa lapag sya para daw hindi nya madali yung sugat ni sendd.
Kaya nag punta ako sa lapag at tinignan si carlle mahimbing naman syang na tutulog kaya nilagyan kosya nang dantayan at kumot.
Kumuha narin ako nang upuan para makatulog narin nilagay kolang yung ulo ko sa kama ni sendd. Kaya ang kinalabasan naka yuko ako at parang nasa hospital.
Gusto kong isipin na panaginip lang lahat nang to nawalang kung ano mang tao ang dumating para mag kagulo kami ang hirap lang isipin na baka pati sila mag laho at mag isa kang lumaban sa mundong meron ka.
Ayokong mawala sila ni wala panga akong kahit na katiting na impormasyon sa magulang ko ayoko ding isipin nilang ginagamit ko sila para sa magulang ko napamahal nako sa kanila kaya kahit anong mangyare hindi ko sila iiwan.
Pero..pano kung sila mismo ang lumayo saken? Alam kong iba yung mga kaybigan nila at pwede ring...
IBA SILA AT KATULAD NILA ANG KAKAIBANG TAO NA NASA MUNDONG TO...
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasíaDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...