Chapter 47:KEAN'S SIDE

707 10 0
                                    

(KEAN'S POINT OF VIEW)

"Hinayaan ko kayong saktan ako! Hinayaan ko kayong hulihin ako! Hinayaan ko kayong gawin ang gusto nyo! Hinayaan ko ang sarili kong mag sakripisyo para matigil ang lahat pero ito ang pinalit nyo!"Sambit ko.

Sa totoo lang kaya kong lumaban pero hindi ko ginawa, kaya kong kumawala pero hindi ko ginawa para lang hindi sila masaktan!

Teka! Ano to!? Bakit, bakit nandito ako sa madilim at kasama nanaman ang itim na usok.

"Kean!! Huminahon ka labanan mo! nag mamakaawa ako lumaban ka wag kang pangunahan nang galit!"rinig kong sigaw
Kaya napatingala ako kung saan ang itim na usok ay may nilalabas na palabas at ang katawan koyon at ang dalawang grupo.

"Akin na ito ngayon!"isang nakakatakot na boses ang narinig ko mula sa katawan ko para akong na nonood nang sine dahil naka luhod ako habang nakatingala at pinapanood ang katawan kong sinasaktan ang mga kaybigan ko.

Nandito ako kung saan ang katawan ko ay nilamon nang isang kadiliman at akoy nakakulong sa loob nang aking sariling katawan at walang ibang magawa kung hindi mag wala pero ni isa wala man lang nakakarinig saken.

"Ahhhhhhh!!!! Tigilan mona ako!"Sigaw ko hindi ko alam kung naririnig nila ako dahil nasa loob ako nang katawan ko at..teka! Bakit parang nag lalaho ako? Yung mga kamay ko parang alikabok na puti nanauubos.

"Lumaban ka kean! Labanan mo!"narinig ko si sendd. Na sumigaw kaya naman napatingin ako sa kanya at nawala ang atensyon ko sa mga kamay ko.

"Ilayo nyo dito si chansoe ngayon din!"sambit ni sendd. At kagad na nahati ang mga bato at dinala ni darren si chansoe sa loob nang bahay nakita ko ang muka nya hindi ko alam kung magagalit nanaman ako.

"Wag nyo syang sasaktan!"Nagulat ako nang parang may tumira saken sa likod at pag tingin ko isang apoy ang tumama sa pakpak ko.

Kahit na tago ako sa katawan ko nararamdaman ko parin ang sakit nito dahil katawan koyon at ako ang nasasaktan at ang kadiliman ang nananalo.

"Wahhhhh!!!!"Gusto komang pigilan ang pag wagayway nang pakpak ko para hindi sila masaktan pero may ibang kumokontrol nito.

"Tigilan mo sila!!'sigaw ko kung sino man ang kumokontrol sa katawan ko pero eko nalamang ang sumagot saken.

"Wag nyo syang sasaktan sa oras na masaktan sya mas lalo syang lalakas!"sigaw naman ni jude.

"Tama sya!"sigaw ko kahit na alam kong hindi nila ako naririnig.

"Yahh!!! Tumigil ka!"Napaupo ako kahit wala namang tumama sakin pero nakita ko sa usok ang nangyayare nag kakasakitan na kami.

"Tumigil kana! Wag mo silang sasaktan!"naluluha nako dahil nag labas ang katawan ko nang kapangyarihan na siguradong ikapapahamak nila.

"Hindi ako yan!"sigaw ko at nag wala pero hindi ako makalapit sa itim na usok.

"Kean!! Lumaban ka nandito pako!"Kagad na napansin nang atensyon ko si sendd. Mali to baka saktan sya nang katawan ko.

"Hindi! Umalis kana jan nag mamakaawa ako alis na!"sigaw ko pero hindi man lang sya nakikinig.

"Makinig ka! Kean! Lumaban ka!"Lalaban ako.

"Sa takot nya sa tingin moba magagawa panyang lumaban?"napaatras sya dahil sa boses na lumabas saken kahit ako ay natakot kung ganon...

"N-nasan sya!?"Sigaw ni sendd.

"Wala na! Wahahaha!!"nakakatakot pero kaylangan kong lumaban.

"Kung ganon tapusin nanatin to!"at kagad na tumira si zack at nag labas nang malaking apoy at pinatamaan ang katawan ko.

Sunod sunod nila akong pinatamaan hindi ko alam kung pano lalaban ayokong makagawa nang ikasasama nila lalo nat hindi naman ako ang kumokontrol sa katawan ko.

Nakikita ko kung pano saktan nang katawan ko ang mga nasa harap ko wala manlang akong magawa dahil para akong nasa selda ano nang gagawin ko?

Nanlaki ang mata ko nang makita kong lumulutang si carlle papunta saken anong gagawin ko!? Baka saktan nya si carlle!

"Tumugil kana nag mamakaawa ako tigilan mo sila sasama ako manahimik kana!"sigaw ko pero wala paring kibo.

Pilit akong lumalapit sa itim na usok kahit na paulit ulit din akong tumatalsik.

"Kean makinig ka! Si carlle yan!"sigaw ni sendd. Kaya naman dahan dahan akong tumingin dahil napa higa ako sa pagod pero..

Hindi ko alam kung saan sya nakakuha nang ispada malaki ito at kulay itim may usok din na lumalabas dito at itim din kaya tumayo ako at inipon ang lakas ko.

Tinulungan ko si thunder na patigilin ang katawan ko gamit ang isip ko ang sakit sa ulo pero kaylangan.

Malapit na kay carlle at tutusok na ito pero nag papasalamat ako nang hilahin sya ni sendd. Pero pilit ko paring pinipigilan ang katawan ko.

"Yunsike ialis mo sila don bilis!"rinig kong sambit ni sowonne pilit na tumayo si sendd.

"Please! Umalis na kayo habang kaya kopa alis na!"sambit ko habang hawak ang ulo ko at pilit na pinipigilan ang kadiliman.

"Ahhhhh!!!"kagad na sigaw ni sendd. Dahil umasog ang ispada at tatama nato sa dibdib nya kaya naman lalong sumakit ang ulo ko pagod na pagod nako.

"U-umalis kana sendd. habang kaya kopa please!"sigaw ko dahil hindi kona kaya pagod na pagod na talaga ako ang sakit na!

"Bumangon ka anak nandito pa kami."napatingin ako sa paligid kung asan dun ko hinahanap ang boses.

"Pa! Ma! Asan kayo?"tanong ko habang pilit na lumalaban umiiyak na ako.

Maya maya lang nanghina na ako at napaluhod na lamang.

"Mama! Papa! Nandito ako tulungan nyo ako hirap na hirap napo ako!"humahagulgol na ako.

"Mag hintay ka babalik ako!!"isang malakas na boses ang narinig ko bago ko maramdaman muli ang katawan ko at bago pako umalis at mag laho doon muling nag salita ang mala anghel na boses.

"Nagawa mo, pero hindi pa ito ang huli tandaan mo makakaya mo ulit ito at mas malakas na ang loob mo sa susunod...ANAK."

My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon