kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ang ingay eh.
"Hello?"inaantok kong sagot hindi kase ako naka tulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyare sa park.
"KEAN SKY! Gumising kana at mag punta dito sa shop!"sigaw ni carlle.
"Yung pera! Yung pera!!"sigaw ko at hinanap kung nasan yung pera asan na? Baka isara na yung shop namin.
Hinanap ko ng hinanap engot! Nasa bag ko nga pala! Kagad akong nag ayos hindi nako naligo mabango naman nako pero syempre nag ayos ako no! Nag dala narin ako ng damit.
(AFTER A MINUTE)
"Yah! Anong nangyayari dito!?"pigil ko dahil sinasara nanila yung shop.
"Sinasara nanamin ang sabi nyo ngayon kayo mag babayad! Asan na?"tanong nya yung baklang nag punta non sya nanaman parang may galit sakin e!
"Saglit lang naman po kase."naiinis nako sa kanya ha! Kukunin kona yung pera ng..
"Kean sky..Easy lang hayaan mo na sya."sabi ni carlle ng seryoso.
"Hin--"naputol yung sasabihin ko bakit ba kase!? May pang bayad naman ha?
"Sarado nyo nayan boys! Bilis at may pupuntahan pa tayo wag nyong ubusin ang oras ko dito bilis!"sigaw nya.
"Hey! Wala tayong pambayad baka mamaya mag demanda payan kapag inaway mopa."sabi ni senddric ako pa?
"Bitawan nyo ko, excuse!"sigaw ko at kumawala kay sendd. At mabilis na nag punta don sa bakla.
"Hoy! Kayo! Lalo kana! Itigil nyo nayan mer---"naputol nanaman yung sasabihin ko ayoko sa lahat yung pinuputol ako lagi nakakainis e!
"Bakit may pambayad ka? At kung maka hoy k--"sya naman yung pinutol ko.
"Pwede ba! Kanina pa kayo putol ng putol saken kung pinatapos nyo ko ede sana kanina pa kayo naka alis! Ang dadaldal kase ito! Ayan saksakmo sa wallet mo at ibigay mo sa boss mo at iwan nyo kami at yung shop namin dahil bayad na kami ayan! Sige sayong sayo na!!"inis kong sabi at hingal na hinila yung dalawa at initusan yung mga boys na buksan ulit.
"Ugh! Nakakainis!!"sabi ko at pabagsak kong binaba yung bag na dala ko pag ka pasok namin sa shop.
"ang galing ha? San ka nakakuha ng pera?"tanong ni sendd.
"San ka nakakuha ng pera? Kean sky bakit hindi mo sinabi saming may trabaho kana pala?"Tanong naman ni carlle kaya napaharap ako.
"Ahh? Ehh? Sorry na gusto ko kase kayong isupresa kaso yung baklang yon nakakainis! Oh! Ngayon na pala yung simula ng trabaho ko aalis nako, ingat kayo dito ha? Uuwi din ako kagad!"Pag papaalam ko.
——————
"Manong dito nalang po salamat po."magalang kong sabi at bumaba agad oh! Medyo malaki pala tong bahay?
kakatok sana ulit ako ng bumukas na yung pinto.
"Good morning po."sabi ko sa nag bukas hindi ko sya kilala siguro ito nayung sinasabi ni sir xiwon na kasama nya.
"Sino ka?"seryoso nyang tanong wala manlang balik na bati? Base mood agad?
"Kean Sky Schubert po dito po ako pinag trabaho ni Xiwon Coa."sabi ko mukang hindi pa nya alam tinignan nya ako hanggang paa.
"Xiwon coa? Sigurado ka?"seryoso parin sya nakakakilabot naman to kahit na ang cute nya para syang babae tapos napaka puti pa at maamo yung muka pero mas nakakaamo siguro yung muka nya kung hindi sya mukang pinag sakluban ng langit at lupa.
"Opo, sigurado po ako."sabi ko sabay ngiti ng todo malay nyo naman gumana at ngumiti den.
"Pumasok kana."sabi nya at naunang pumasok tsk!
"Good morning po."bati ko naman dun kay kuyang adam's apple kahit naman inis ako sa kanya syempre kaylangan kong maging mabuti sa mga mata nila no at SIR CHASE ang dapat kong itawag sa kanya.
"Tss..."tyaka sya tumayo at nag punta sa isang kwarto at dun din lumabas si sir Xiwon.
"Good morning po."masaya kong bati nag bow lang sya.
"Good morning."seryoso nyang bati base mood din pala ang isang to.
"Chase! Kurt!"tawag nya sa dalawa kaya kagad naman tong sumunod kaya tatlo na sila ngayong nasa harap ko sila lang? Kala ko paman mga nasa lima or anim napatingin ako kay mr.girly face kay kurt? Dinaig panya ang ganda ko e.
"Si miss schubert ang magiging kasambahay natin dito sa bahay kaya makakasama natin sya kung may iuutos kayo sakanya kayo mag utos."sabi ni sir xiwon kumaway naman ako at ngumiti.
"sir Xiwon tatlo lang poba kayo?"tanong ko.
"Hindi wala pa yung iba mamaya maya pa sila uuwi."sabi nya kaya tumango nalang ako.
"Sige po, mag luluto napo ako tutal tanghali na at hindi papo kayo kumakain?"tanong ko.
"Yeah! Sige nandun sa kanan yung kusina at yung banyo naman nasa kaliwa malapit sa mga kwarto don kapag may problema kahit sino samin pwede mong tawagin."sabi nya kaya ngumiti ako at nag simula ng mag luto.
Maganda yung bahay hindi naman siguro ako mahihirapan dito dahil malinis sila sa mga kasangkapan at yung mga gamit ni wala ngang kalat tapos kumpleto pa sila sa mga gamit.
may nag door bell kaya naman kagad akong nag punta don.
Pagka bukas ko isang lalaki ulit matangkad sya payat? Mukang panda dahil sa eye bags nya?Nakakatakot naman syang tumingin sobrang seryoso kase nya ano bang nang yayari sa earth ha?
"Good morning po, sino po sila?"magalang kong tanong habang nakangiti.
"Sino ka?"tanong naman nya pabalik hindi panga nya sinasagot yung tanong ko e.
"kean Sky Schubert po dito po ako nag tatrabaho."masaya kong sabi pero nilagpasan nya lang ako.
"Ano yung umaamoy?"tanong nya pagka pasok nya ay! Yung niluluto ko!
Kagad kong tinakbo yon at pinatay yung kalan hindi pa naman sya sunog sadyang oa lang ako pag tingin ko kay kuyang mukang panda wala nasya don, Asan nayon?
Kapag talaga ako nag karon ng powers sinasabi ko sa innyo nakakainis parang gusto ko tuloy mag karon ng powers yung tipong mapapasunod mo sila or yung mag lalaho ka katulad nila nakakainis na kase parang mga patay hindi manlang marunong makisama pag talaga ako nag karon ng kahit katiting lang na power...Nakakainis!
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasíaDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...