(SOMEONE'S POINT OF VIEW)
PARA BANG ISANG PANAGINIP LANG ANG BUHAY NYA BILANG MAKAPANGYARIHANG NILALANG....
"Nabuhay muli si wiryeom, napangiti ang bawat isa dahil sa ginawang pag ligtas ni kean malaking tulong ang nagawa nya kaya siguradong walang makakalimot sa kanya, inayos nilang muli ang grupo at ang lugar nila nag kaayos silang lahat at nag saya dahil nag sanib na ang WISHELA AT EMPIRE pero hindi na nila ginawan pa nang bagong pangalan ang lugar dahil masaya na silang nakatira hindi na kaylangan pang mag pagalingan at pumatay dahil na ayos na ito lahat ni kean at ngayon?...."
"Si kean naman ang pinag bigyan nang lahat, maayos na ang lahat naging grupo na ang labing dalawang kalalakihan nag kasundo na naging malapit na ang mga ito sa mga tao wala nang poot ang bawat isa natanggap na nila lusio at lhuasies ang mga nangyare...at sa una ay si kean ang dahilan kung bakit nagiba ang pag sasama nila ngayon si kean din ang dahilan kung bakit mas umayos ang lahat."
"Nalaman nilang gusto ni kean na bumalik nalang sa dati yung normal at walang humahabol sa kanya yung masaya at nagagwa nyang lumabas nang walang nangyayaring masama itinanggi rin niya ang kanyang nararamdaman dahil hindi naman talaga sila pwede ni wiryeom o nang iba pa iba ang buhay na inaasahan ni kean para bang isang panaginip lang ang buhay nya bilang isang makapangyarihang nilalang at simula non natupad ang lahat nang kahilingan nya dahil sa taglay nitong kabaitan at nagawa nyang ibigay ang lahat para lang makatulong pati ang kanyang buhay madami ang humanga sa kanya lalo na sa taglay nitong tapang at ganda.." kwento nito.
"Mommy ano napong nangyari?"tanong nang isang bata sa kanyang nanay bago paman ito pumikit.
"Naging masaya sila, nag-sisi ang dapat na mag-sisi naging isang grupo ang twelve na kalalakihan naging taggap nasi kean naging maayos na ang buhay nila at higit sa lahat naging maayos narin ang kanyang dalawang lolo nag sanib na ulit sila wala nang WISHELA at EMPIRE."masayang kwento nang ina.
"Pero...ano pong nangyari kay kean at kay wiryeom wala poba silang naging relasyon?"tanong nang bata.
"Hmmmm...wala dahil mas pinili ni kean na maging isa alam nya kasing pag dating nang panahon mag iisa lang din sya at mawawala mag isa."malungkot na tumango ang bata.
"Kung ganon bakit pa nila pinakitang parang may something?"malungkot nitong tanong.
"Kase hindi lahat nang ending ay maganda siguro maganda ang ending nito dahil naging maayos ang lahat pero...hindi naging partner ang dapat na inaasahan mo."ani naman nang kanyang ina.
"Kung ganon walang namagitan sa kanila at nawala si kean nang mag isa?"nalilito nitong tanong.
"Oo, kase ayaw nyang may masaktan kapag nawala sya kaya naman...bago nya ibigay ang lahat nang kapangyarihan nya ay pinaalam nya na ito sa lahat para maaga palang tanggap na nila ang pag bitaw ni kean sa kakayanan nya."sagot nito.
"Ha? Bakit po? Kapag poba nawala ang kapangyarihan nya dahil sa pag tulong mawawala rin sya?"tumango ang nanay nya.
"Oo kase iyon ang lakas nya..at mas gusto nyang maging normal kaya ibinigay nya ang lahat sa na ngangaylangan lalo na kay wiryeom sa mga dragon's sa lugar nila sa buong mundo ang bait nya no?"tumango naman ang bata.
"Asan napo nyan si kean bakit sya nawala sa dulo? Bakit nag paalam sya?"tanong nito ngumiti ang babae sa bata pumipikit na ang mga talukap nang kanyang mga mata dahil sa antok.
"Hindi sya na wala kase nabuhay sya muli na buhay syang muli dahil hiniling nya ito bago pa mangyari ang lahat bago pa naging maayos ang lahat humiling syang...maging normal at mag karon nang magulang..."tumango ang bata at tuluyang nakatulog.
"Humiling sya muli na sana...ipanganak sya muli na may mga magulang at ngayon? Nandito sya kinukwentuhan ko...Good night Baby KEAN."at hinalikan ang noo nang bata.
THE END~
~••••••••••~
Ito napo ang huli sana maintindihan ninyo....Basahin lang ang AUTHOR'S NOTE dahil doon kopo ipapaliwanag ang lahat maraming maraming salamat sa innyo!! Mwa!^*^
BINABASA MO ANG
My Dream Power Life :OFFICIAL #FANTASY FICTION (COMPLETED)
FantasiDalawang grupo ang gugulo sa buhay nang isang babae pero masasabing hindi sya iba sa mga tunay na tao pero may kakayahan syang hindi maiikukumpara sa tunay na tao Dalawang grupo na kung bibilangin mo ay labing dalawang kalalakihan, dalawang grupo na...