NAPABALIKWAS ng bangon si Ivy ng marinig ang mga harutan sa labas ng bahay niya. Nakasimangot at pumungas-pungas siyang sumilip sa bintana. Ang pinakayaw niya sa lahat ay ang nagigising sa gabi at naiistorbo ang pagtulog. Naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang isang babae na parang sawa na nakakapit sa braso ng kapitbahay niyang si Leo. Nakatalikod ang mga ito at naglalakad patungo sa bahay ng lalaki. Ang mga walang hiya! Hindi na lang tumuloy sa hotel! Pinasadahan niya ng tingin ang suot ng babae. Naka-sleveless ito at maiksi ang suot na pang-ibaba. Hindi niya ito kilala dahil mas matangkad ang babaeng dinala nito noong nakaraang araw. Such a womanizer. Lasing ba ang magaling niyang kapitbahay? Kung hindi dahil sa babae ay malamang na pasuray-suray ang paglakad ni Leo. Iisa ang bahay na nirerentahan nila ngunit kahit may dibisyon ay malakas niyang naririnig kung dumarating ito ng dis oras ng gabi.
Akmang hahakbang na siya palabas ng bahay ngunit bigla siyang napatigil. Lasing ito kaya hindi rin niya makakausap ng matino. Magsasayang lang siya ng laway.
Humanda kang lalaki ka! Bukas na bukas ay magtutuos tayo.
Lalong lumakas ang tawanan at hagikgikan kaya alam niyang nakapasok na ang mga ito sa kuwartong kalapit ng kuwarto niya. Gigil na isinubsob niya ang mukha sa kanyang unan. Pilit ina-adjust ang sarili sa naririnig na ingay at sinikap makatulog.
INUNAT-UNAT ni Ivy ang mga braso, pilit iminumulat ang mga mata hanggang maaninag niya orasan sa dingding. Kinse minutos bago alas sinco. Pagkatapos ng ilang sandaling magmuni-muni, tinungo niya lagayan ng thermos, kumuha ng mug at nagtimpla ng kape na pampagising sa inaantok niyang diwa. Ang sarap pa sanang mahiga't mamaluktot ngunit kailangan na niyang bumangon. Hindi siya mabubuhay kung puro antok ang pinapairal niya. Kasabay ng paghigop niya ng kape ay narinig niya ang impit na ungol at hagikgik ng babae sa kabilang silid na inookupa ni Leo. Kumunot ang noo niya. Hindi pa sila tapos? Madaling araw na, ah. Pilit niyang inaalala kung anong oras dumating ang mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay bandang ala-una iyon. Muli niyang sinulyapan ang orasan. Mag-a-alas sinco na. Apat na oras nilang ginagawa? Hindi pa ba sila pagod? Ipinilig niya ang ulo. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isipan niya. Wala siyang mapapala kung pakikialaman niya ang buhay ni Leo. Sa halip ay nagsimula na siyang mag-isip ng kung anong raket ang pagkakaabalahan niya ngayong araw upang may ipantutustos sa sarili. Pagkatapos inisang lagok ang huling laman ng tasa ay tinungo niya ang kusina at nagsaing ng bigas na sasapat sa kanyang umagahan at tanghalian. Magbabaon siya ng kanin para sa kanyang pananghalian para makatipid. Bitbit ang dalawang timba sa magkabilang kamay ay tinungo niya ang gripo para mag-igib ng pampaligo.
Maagang aalis ng boarding house si Ivy dahil may English Proficiency Test siya. Ayaw na sana niyang mag-exam muli dahil mataas naman ang nakaraang puntos niya. Sayang pa 'yong ibabayad niyang one hundred pesos para sa testing fee at sa gagastusin niyang pamasahe at pagkain. Siguradong mababawasan ang ipon niya dahil pagkatapos ng exam ay magkakayayaan na naman silang lumafang ng mga ka-batchmate niya. Kilala niya ang sarili niya. She never say no to foods. Pagkatapos ng exam ay magkikita sila ni Marie dahil may sideline sila.
Ilang hakbang mula sa pintuan ay natanaw niya ang pigura ng isang babaeng sa tingin niya ay ang kasama ni Leo mula pa kagabi. Napaismid siya ng makitang nakangiti ito habang nagpapaalam sa binata.
"Aalis na ako, Leo. Thanks for the company," may kalakasang sabi ng babae na nakasuot ng spaghetti top at crop jeans.
Nang makaalis na ang babae ay agad niyang pinuntahan ang binata. They need to talk, to clear things up. Kung mamamalagi ang pagdala nito ng babae gabi-gabi ay siya ang argrabyado. Hindi naman siya papayag na mangyari iyon.
Kumatok siya ng tatlong beses. Naghintay siya ng ilang sandali ngunit pakiramdam niya ay hindi siya naririnig ng binata kaya nilakasan niya ang mga sumunod na pagkatok.
"Leo, buksan mo ang pinto."
Wala pa ring sumasagot kaya nagsimula na siyang mainis. Isa sa pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya. Ayaw niyang masayang ang oras niya kakahintay. Ano ba ang ginagawa nito? Muli siyang kumatok, this time ay mas mabigat at mas mabilis ang mga pagkatok niya which implies urgency. Ayaw niyang mahuli sa exam. Sandali lang ay narinig na niya ang papalapit na yabag hanggang sa nagbukas ang pinto at nakita niya ang binata. Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahang makikita si Leo na magulo ang buhok at ang tanging saplot sa katawan ay ang boxer. Napagkit ang paningin niya sa kabuuan ng magandang lalaking kaharap niya. Nasilayan niya ang tikas ng katawan ng binata at ang kakaiba, nakakabighaning tindig nito. Bumaba ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya at makailang beses na kumurap para siguruduhing hindi siya dinadaya lamang ng kanyang paningin.
Shit. Malaki. Talagang malaki!
Iniangat niya ng kaunti ang paningin para makita ang tiyan nito.
Wow. Sexy.
Mabilis na binilang niya sa isip ang abs ng lalaking kaharap. One, two, three, four, five... Six pack! Oh my! Pahingi ng kape. Maraming pandesal! Pinigil niya ang bumungisngis. Umarangkada na naman ang malandi niyang kaisipan. Napatigil siya sa pagtitig sa katawan ng binata ng makarinig siya ng pagtikhim. Naudlot ang ginagawa niyang pag-inspect at nag-angat siya ng tingin. Wari gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagmasid dahil sumalubong sa kanya ang nagmamalaking ngiti ni Leo.
"I was about to take a bath ng may isang taong hindi makapaghintay sa labas ng bahay ko. Ano'ng kailangan mo?"
Unti-unti niyang itinikom ang bibig ng mamalayang nakanganga pa rin siya. Walang hiya! Ano bang nangyayari sa kanya? "Ano'ng sabi mo?" Medyo na-disorient ang utak niya dahil sa tanawing nakikita.
Nanunuksong ngumiti ito. "Do you need anything, Ivy?"
"Ah.. Eh... Kuwan," Shit! Bakit siya nag-i-stammer?
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...