15

117 5 0
                                    

"LAHAT ng kalahok ay dapat sumayaw. Madi-disqualify ang walang energy sa pagsayaw. Sayang. Ang ganda pa naman ng premyo. The pair who will won will be given sneakers of their size from Keds and Adidas. Gusto niyo ba yung gaya ng sapatos ni Taylor Swift?" Masiglang tanong ni Javen.
"Yes. Hoooo!" Sigaw ng isang magangdang babae na todo ang paghataw.
"Stop. Change music. Boring ang sweet. Gusto niyo ba ng background music na pang-zumba?" Tanong ng host.
Sumang-ayon ang lahat kaya inayos ng host ang projector at nai-set ang tugtog na ang pamagat ay 'Girl in the Mirror.' Sa una ay nag-aatubiling sumunod sa dance steps si Ivy. Alam niyang hindi siya magaling sumayaw. Binalingan niya si Leo na sumasabay sa saliw ng tugtugin. Hindi siya nito pansin dahil tutok ang atensyon nito sa projector screen. Hindi niya napigilang tumawa habang pinapanood itong sumasayaw. Biglang tumaas ang fighting spirit niya. Kung kaya niya, kaya ko rin. Inilibot niya ang paningin sa mga iba pang kalahok. Lahat ay nakangiti, sumasayaw. Nagsimula na rin siyang umindak dahil nakakaengganyo ang mabilis na tempo ng tugtugin  hanggang sa biglang tumigil iyon. Magkasabay silang tumapak sa papel at nagkaharap sila. Tumingala siya upang tignan ang kapareha. Yumuko si Leo at nginitian siya. Gumanti siya ng isang masayang ngiti. Ilang sandali pa ay mabilis na bumalik ang background music. Umalis si Leo sa papel, kinuha iyon, tinupi at muling ibinalik sa sahig. Nagpatuloy sila sa pagsasayaw at paglalaro hanggang sa tatlong paris na lang ang natira. Enjoy na enjoy si Ivy dahil hindi pa sila natatanggal. Katakatakang nagkaroon sila ng kooperasyon ng binata. Dahil kung hindi ay malamang kanina pa sila natanggal. Ang akala ni Ivy ay hindi magiging maganda at masaya ang pagsama niya sa binata. Akala niya, masasayang ang oras. Pero hindi iyon ang nangyari. Nang sulyapan niya si Leo at nakangiti rin ang huli. Tinapunan niya ng tingin ang pulang papel sa pagitan nila. Batid niya na hindi kakasya roon ang dalawang paa. Halos katutupi pa lamang ng ibang mga paris ang papel ng bilang huminto ang musika na hindi napaghanghandaan ng ibang kalahok. Mabuti na lang at mabilis kumilos si Leo kaya sabay silang nakaapak ang isang paa sa papel, nakatingkayad. Di sinasadyang napakapit siya sa braso ng binata.
"Libre na yakap kaya huwag ka ng mahiya," pigil ang ngiti na pahayag ni Leo. Kinabig niya ang dalaga para magkasya sila sa papel.
Dahil sa sinabi ng binata ay mabilis na kumawala si Ivy. Bigla siyang nailang na hindi niya maintindihan. Bumilis ang tibok ng puso niya.
"Sino kaya ang makakakuha ng Keds at Adidas na sneakers? Palakpakan naman diyan!" Masayang sabi ng host.
Napatingin siya sa nagsalitang host bago muling tiningnan si Leo. Lalong lumaki ng ngiti nito ng sulyapan niya. Dalawang paris ang natira. Sila, si Andrei, at ang babaeng maganda na kasama nito. Muling hinati ni Leo ang nakatuping papel. This time, kahit isang paa ay hindi na kakasya roon. Paano sila magkakasya?
"Huwag kang tumunganga diyan. Be alert. Keds at Adidas na yon," bulong ni Leo.
Sandaling nakalimutan ni Ivy ng pagkailang na naramdaman kanina. Oo nga. Keds na rin 'yon. Hindi niya afford. At ang ganda ng kulay ng sapatos. Saan kaya niya yun ipaparis? Natigil ang pag-iisip niya ng maramdamang parang umaangat siya. Hanggang sa maramdaman niyang tumigil ang pag-ikot ng paligid niya at may malalaking braso ang nakahawak sa kanya. Kumurap siya at nasilayan ang nakangiting si Leo. "Bakit ka ngiti ng ngiti? Teka, Ano'ng ginawa mo?" Sumilip siya sa tagiliran niya kaya napagtanto niyang pinangko siya ng binata. Tumingala siya kaya nagsalubong ang kanilang tingin. Bakit masarap sa pakiramdam niya ang mga braso nitong nakasuporta sa kanya? Randam niya ang init mula sa katawan nito. At ang bango niya. Bakit ngayon lang niya napansin?
Leo's lips curved into a beautiful smile. "You're beautiful," hindi napigilang sambit ni Leo. Napansin niyang pumiksi si Ivy bago nagbawi ng tingin.
"Bakit mo ako binuhat? Ibaba mo nga ako," mahinang saway ni Ivy.
"Huwag kang malikot. Gusto mo bang matalo tayo?
Natameme siya. Pinakiramdaman ang paligid. Wala ng naririnig na musika kaya naging tahimik ang lugar. Bumaba ang tingin niya sa paa nitong nakaapak sa papel. Kinaya nitong buhatin siya samantalang isang paa lang nito ang may kontrol sa kanilang dalawa? Bilib na sana siya sa lakas ni Leo kung hindi lamang niya naramdaman na parang matutumba sila. Napatili siya ng maramdaman niyang sumayad sa tiled floor ang kanyang likod at malapit na malapit ang mukha ni Leo sa kanya. Nakapatong pa ito sa kanya! What an awkward scene. Ilang beses siyang huminga ng malalim at naglakas loob salubungin ang tingin ni Leo. Nagkatitigan sila na wari nag-uusap ang mga mata hanggang sa muling magsalita ang host na nagpabalik sa kanyang hwisyo.
"Congrats to Ivy and Leonard. You've won."
Pumalakpak ang mga bisita.
"Ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na nga!" Mahinang angil ni Ivy. Mabilis na lumayo si Leo mula sa pagkakadagan sa kanya. Rinig niya ang tawanan ng mga taong naroon. Mabilis niyang inayos ang sarili at nahihiyang ngumiti sa mga tao sa paligid.
"Ano pang ginagawa niyo? Pumunta na kayo rito Ivy ay Leo para makuha nito na ang inyong premyo."
Boses iyon ni Javen.
"Wala bang consolation price?" Pabirong hirit ni Andrei. Nagkamot ito ng ulo at idinagdag, "Second naman kami."
"Ooops. Wala, dude. Bawi na lang sa susunod na parlor game," wika ni Javen at tinapik sa balikat ang kaibigan.
Masayang kinuha ni Ivy ang sapatos na inabot ni Madison. Nag-picture pa sila bago bumaba ng entablado.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon