2

192 6 0
                                    

Nang makabawi ay inayos niya ang pananalita para hindi na siya mautal.

Huwag kang masilaw sa katawan niya, Ivy. Alalahanin mong kulang ang tulog mo dahil sa lalaking 'yan! sigaw ng utak niya.

Kaya inayos niya ang pagkakatayo at tumingin kay Leo bago tumingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang makakita ng naka-bold. Wari nakahalata naman ang lalaki kaya kinuha nito ang nakasabit na tuwalya at ipinulupot iyon sa ibabang bahagi ng katawan.

"Mabuti naman at nakahalata ka," bulong niya na nakatingin sa lupa bago ito binalingan. Nandidilat na tiningnan niya ito.
"Ibang klase ka rin. Gabi-gabi na lang maingay sa kuwarto mo. Nabubulabog ang pagtulog ko. Sana naman naisip mong may natutulog sa kabilang kuwarto," maanghang na sita niya.

Hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Leo. "Eh, ano naman sa 'yo? Ikaw itong nakikinig. Hindi ko naman sinabing pakinggan mo iyon gabi-gabi."

Bumangon ang inis na kinikimkim ni Ivy. "Kahit ayaw kong pakinggan, naririnig ko pa rin. Hindi ako makatulog!" Gigil na sabi niya. Sarap mong batukan.

Nagsalita si Leo na parang hindi apektado sa kanya. "Ayaw mo ba? May magandang music ka ng pinakikinggan every night." Ngumisi pa ang loko.

Naningkit ang mga mata niya."Music?" Pumalatak siya. "Music ang tawag mo do'n?"

Talagang pinapainit ng lalaking ito ang ulo niya. Hindi ito makausap ng masinsinan. "Napakabastos mo talaga  kahit kailan at ngayon ang kapal ng mukha mong humarap sa akin na walang damit," patuyang sabi niya na sinuyod ito ng tingin. "Akala mo naman model ka ng bench." At nakukuha mo pang ngumiti? Sapakin na kaya kita?

Humalukipkip si Leo. "Labas sa ilong ang sinasabi mo. Kanina lang ay nakita kitang nakangangang nakatitig sa akin."

Pakiramdam ni Ivy ay sasabog ang ulo niya sa galit at inis. Nagpatuloy ang lalaki.

"Model ng bench? Why not? Papasa naman talaga akong model ng bench."

Namaywang ang binata na sadyang ipinapakita sa kanya ang katawan. Ang isang kamay ay inilagay sa baba, tumingala na parang may malalim na iniisip. "Many say I am irresistibly gorgeous. I have a beautiful body that girls fantasize to touch it. Isn't it true?" Malaki ang ngiting tanong nito.

Napabuga ng hangin si Ivy. "Hah! It's never true. In your dreams," nakabusangot na kontra niya. Sa tingin niya ay wala siyang mapapala sa pakikipag-usap kay Leo. Sayang ang mga sandaling ginugugol niya sa pakikipag-usap rito. Seryosong tinitigan niya ang binata at may pagbabanta sa tinig. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Leo. Buti sana kung sound proof ang silid mo para hindi ko naririnig. Ayoko ng maulit ang nangyari. Kung may gusto kang gawin kasama ang babae mo, sa hotel na kayo tumuloy. O kung 'di niyo afford, 'di sa motel. Basta hindi ako nabubulabog. Kapag ako naubos ang pasensiya, baka mapatalsik ka sa bahay na 'yan. Entiendes?"

Ngumiti ito at tumango. "Got it."

"Mabuti na ang maliwanag," maangas na wika niya bago tumalikod at itinuloy ang lakad.

"YOU still have five minutes to finish your exam," ani proctor.

Iniligpit ni Ivy ang answer sheet sa test booklet. Eksaktong alas-dyes ng palabasin sila ng proctor. Hindi siya kinapos ng oras. Siguro'y dahil pangalawang take na niya iyon. Expected na niya ang format ng exam. Talagang binilisan niya ang pagbabasa sa reading comprehension part ng exam. Doon kasi siya nagtagal noon kaya muntik na siyang kapusin ng oras.

Nag-text si Marie at sinabing sa bakery malapit sa eskwelahan sila magkikita. Agad na nagtungo siya roon matapos ang exam. Habang hinihintay ang kaibigan ay inilibot niya ang paningin sa paligid ng bakery shop. Natanaw niya ang magandang tindig ng isang lalaki sa katabing construction site. May kausap itong mas matandang lalaki na marahil ay ang may-ari ng itinatayong gusali. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang lalaki kasabay ng dalangin niyang sana ay lumingon ito sa gawi niya.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon