MAGANDA ang gising ni Leo kahit may problema siyang kinakaharap. Kinuha niya ang dalawang timba at nagtungo sa gripo. Napangiti siya ng nasilayan si Ivy na nakaupo sa mesa at nagkakape.
"Hi, Ivy! Kumusta ang pagtulog mo?" masayang bati niya. Ivy didn't smile back. Instead, she stared at him with the confused expression on her face, then turned back, sat on the chair beside her and took a sip of her coffee in hand as if she didn't notice him. Pinag-iisipan pa ba ni Ivy kung kakausapin siya o hindi? Kung sasagutin ang tanong niya o magsasawalang kibo na lang at magpapanggap na hindi siya nakita? Hinintay niyang muling tumingin ang dalaga sa dako niya ngunit matapos na niyang bumabahan ang dalawang timba ay hindi pa rin ito lumilingon. Naubos na nito ang hawak na kape. Alam niyang mag-iigib ng tubig pampaligo ang dalaga kaya hihintayin niya ito roon.
"Talagang hinintay kita, Ivy. Good morning," bati ni Leo kay Ivy.
"Morning."
"Umagang-umaga nakabusangot ka. Ang ganda ng panahon." Tumingala siya sa kalangitan. "Hindi bagay ang nakasimangot."
Eh ano ngayon? Iniangat ni Ivy ang tingin at maasim na nginitian si Leo.
Tumango ang binata at ngumiti. "Kumusta ang tulog mo?"
"Okay lang," sagot niya.
Napangiti ang binata. "Masaya ka pa lang kausap kapag nakainom," wika ni Leo.
Pinamulahan ng mukha si Ivy. Nakakahiya. Kailangan pa ba niyang ipaaalala? Kung alam lang ng dalaga na magiging ibang tao siya kapag nakainom ay hindi na sana niya sinamahan si Leo na uminom. "Past is past. Kalimutan na natin ang nangyari." Inaayos niya ang mga timba.
Hindi sumagot si Leo kaya napatingin si Ivy sa binata. "Bakit ka nakangiti?" Sikmat ni Ivy.
"Wala lang," nakangising sagot nito.
"Lasing ako kagabi kaya hindi ko alam ang pinaggagagawa ko. Kung anuman ang nangyari, just keep it to yourself. Entiendes?"
"You sounds so defensive. Okay. I'll forget about it with one condition."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ivy. "Anong kondisyon?"
A smile curved his lips. Inilahad nito ang kanang kamay. "Let's be friends."
Matagal niyang tiningnan ang nakalahad nitong kamay. "Okay. Friends," ani Ivy na pinilit ngumiti.
Tumalikod na si Leo ng muli itong lumingon. Nakangiti. "Siya nga pala. May pupuntahan akong engagement party. Sama ka?"
"Hindi," mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Ivy at sinimulan na ang pagsalok ng tubig mula sa gripo.
"Sama ka na Ive. Wala akong kasama," paki-usap ng binata.
Ive? Feeling close? May sariling tawag sa kanya? Siguro kung hindi niya ito kapitbahay ay kikiligin siya sa paraan ng pantawag nito. But she knew better. "Ano ka? Grade one ka ba na kailangan pang samahan?"
"Hindi naman sa ganoon. Pero syempre gusto kong makilala ka ng mga kaibigan ko. Sige na," anito na parang nagpapa-cute.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Ivy dahil sa narinig. Hanu daw? Anong koneksyon? Hindi mo ako makukuha sa pagpapa-cute mo. "Bakit mo naman ako kailangang ipakilala sa mga kaibigan mo?"
Napahaplos si Leo sa sariling buhok. "Okay. I'll rephrase it." Mukhang napagtanto ni Leo na hindi effective ang unang rason nito kaya sasabihin na lang ang totoo. "Para hindi ako magmukhang kawawa na ako lang ang single na walang kasamang date."
"Hindi pwede. May trabaho ako bukas. Sayang din ang kikitain ko don sa bakery."
"Di babayaran ko na lang ang kikitain mo ron."
"Huh? Ang tigas din ng panga mo, ano? Ayoko. Hindi ako tumatanggap ng pera na hindi ko pinaghihirapan," ani Ivy.
"Isipin mo na lang na bayad ko yun sa'yo sa pagsama mo sa'kin, okay?"
"Pag-isipan ko."
"Sige na," pamimilit ng binata na may kasama pang kalabit.
"Bakit hindi mo idala yung.. Sino na nga ba iyon? Si Annie?"
"Ikaw ang gusto ko,"mabilis na
Nagtatanong ang mga mata ni Ivy dahil sa sinagot ni Leo. "Bakit?"
"Dahil malambot ang mga labi mo," nakangiting turan ni Leo.
Oh my. For a moment, she is tongue tied. Napatulala siya. Hindi niya alam ang sasabihin o kung paano mare-react. Nabigla siya sa sagot nito na hindi niya inaasahan. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta lahat sa pisngi niya. She caught him smiling from ear to ear. Ibinuka niya ang bibig upang depensahan ang sarili sa nangyari noong malasing siya ngunit hindi siya makapag-isip ng sasabihin. What's happening to her? Hanggang sa tumalikod na si Leo na hindi niya namamalayan. Ilang beses niyang tinampal ang mga pisngi. "Hin... Hindi ako sasama sa'yo!" Sigaw niya ng makabawi sa pagkabigla.
Nakangiting lumingon si Leo at sinabi, "Susunduin kita ng alas syete ng umaga. Naipaalam na kita kay Marie na hindi ka papasok bukas.""So ilan naman ang ratings mo sa akin out of five?" Nakangiting tanong ni Ivy. Nakatayo siya sa may pintuan ng kanyang boarding house at nag-pose suot ang bestidang kulay asul, sleveless, na hanggang tuhod ang haba. Pinahiram iyon ni Marie sa kanya. Hindi siya madalas magsuot ng bestida dahil hindi siya komportable lamang ay napilitan siya dahil sa okasyon. Nakakahiya raw ayon kay Marie kung hindi nababagay sa okasyon ang damit niya. Bilang sapin sa paa ay nakasuot siya ng nude pink strappy sandal na dalawang pulgada ang taas. Mataas ang kumpiyansa niyang magugustuhan ni Leo ang get-up niya. O dahil na rin sa sulsol ni Marie na nagsabing bagay na bagay niya ang bestidang asul.
"Naninibago ako sa'yo ah. Hindi mo ako sinusungitan. Lasing ka na naman ba?" Pabirong tanong ni Leo.
Umirap si Ivy. "Naalala ko lang kasi ganyan ang usapan natin kagabi, 'di ba?" Hindi nakaimik ang dalaga. Pinasadahan siya ni Leo ng tingin mula ulo hanggang paa. Humalukipkip ito at nakahawak sa baba ang isang kamay. Kumunot ang noo nito at umaktong nag-iisip, na parang kinakalkula sa isip ang puntos niya.
"Ano na? Did I pass?" Naiinip na tanong ni Ivy.
"Yes," may ngiti sa labi na sagot ni Leo.
"Ilan?" Malaki ang ngiting tanong niya.
"Three," natatawang sagot nito.
Mabilis na nawala ang ngiti niya. "Three? Three lang ang ratings mo sa akin?" Yumuko siya dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya dahil sa pagkapahiya. Ang taas pa naman ng self-confidence niya, tapos, three lang pala ang puntos niya? Hindi na sana siya nagpaganda. Useless din naman.
"Yes."
Sumimangot siya. Aray ko bes. Uwi na tayo. Talo na ako. "Bakit?" Hindi ba ako maganda sa paningin mo? Kung three lang pala ang ratings ko sa'yo ay mas mabuti pang hindi na kita samahan. Okay na rin 'yon para wala kang dalang date. Pagtatawanan ka nila. 'Buti nga sa'yo. Ngumiti siya ng mapakla. Nagpakulot pa naman siya ng buhok kay Marie at naglagay ng face mask para sa okasyon. "Napakadamot mo naman." Hindi niya itinago ang pagkadismaya. Nag-angat siya ng tingin at matalim niyang tinitingnan ang binata.
"Hey, nagbibiro lang ako." Muling nagtaas-baba ang tingin ni Leo sa kanya. "Ang totoo niyan, maganda ka. Nabigla nga ako ng makita kitang naka-dress. Ang ratings mo sa akin sa face ay four point six. For the body figure, I'll give you four point eight," seryosong sabi nito.
Nasiyahan si Ivy ng marinig ang sinabi ni Leo ngunit sandali lamang dahil naalala niyang baka bumabawi lang ito sa kanya at inuuto siya. Nakasimangot na ngumiti siya at binalingan si Leo. "Thanks."
"So, let's go?"
Tumango siya.
Nagtaka si Ivy ng makitang may naghihintay na kotse sa kanila sa gilid ng kalsada. Napalingon siya sa binata. "May kotse ka?"
"Wala. Hiniram ko lang," sagot nito. Pagdating nila sa kotse ay pinagbuksan siya ni Leo ng pinto sa passenger's seat. Dagling naglaho ang inis ni Ivy dahil sa simpleng gesture ni Leo. Nagpapaka-gentleman, pansin niya. Nang pareho na silang nakasakay sa kotse ay nagsalita si Leo.
"Huwag mong isiping nagpapapogi points ako sa'yo kaya kita pinagbuksan ng kotse. Hindi kasi basta-basta nabubuksan yang lock niyan."
Umismid si Ivy. "So? Hindi ko tinatanong," masungit na pambabara niya.
"Kaya huwag kang kiligin diyan." Nagsimula ng mamaniobra si Leo.
"Hindi ako kinikilig. Tsura mo," nakaingos na sabi niya. "Alam mo? Ikaw na nga itong sinasamahan, ang dami-dami mo pang sinasabi." Pagkasabi at itinuon niya ang paningin sa kalsada. Bakit hindi mo na lang hayaan ako na isipin ko ang gusto kong isipin? Kontrabida ka talaga. Sinisira mo ang magandang imahinasyon ko.
"Kaanu-ano mo ang ikakasal?" Tanong ng dalaga. Lumiko ang kotse at tinahak ang daan na napapaligiran ng maraming matatayog na puno. Niyakap ni Ivy ang sarili ng maramdamang pumasok sa loob ng kotse ang hangin sa labas.
"Close friends kami ng groom-to-be. College buddies," sagot nito. "Pero last year at nag-transfer siya kaya hindi na namin siya classmate."
"Ah, okay."
"Anong trabaho ng kaibigan mo?" Muling tanong ng dalaga. Naiilang siyang tahimik ang loob ng kotse kaya nagbukas siya ng usapan. Para na rin mailarawan niya sa isip ang kaibigan nito at ang soon to be bride.
Sumulyap sa kanya si Leo bago muling Itinuon ang paningin sa daan. "Freelance photographer siya. Graduate siya ng BS civil engineering at licensed engineer. Hobby niya ang pagkuha ng mga larawan. Two years ahead siya sa akin."
Tumango-tango si Ivy. "Anong trabaho ng babaeng pakakasalan niya?"
"Mia is an accountant. She works in her father's company."
Naguluhan si Ivy. "So mayaman sila?"
Natigilan si Leo. "Makikita mo naman sila mamaya. Ikaw na ang manghusga."
Nagkibit-balikat si Ivy. "Okay. Sabi mo eh."
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...