24

89 2 0
                                    

PINAGMASDAN ni Ivy ang sarili sa kanyang salamin sa kuwarto. Nakasuot siya ng floral sleeveless top at faded cropped jeans. Naghihintay na sa kanya sa sala si Leo. Patungo sila sa birthday party ng isa sa malalapit na kaibigan ng binata. Hindi maunawaan ni Ivy ang sarili. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Wala naman siyang maisip na dahilan para kabahan siya. Siguro ay dahil ito ang unang pagkakataon na dadalo sila ng okasyon bilang magkasintahan. First birthday party ito ng anak ng kaibigan ni Leo. Huminga siya ng malalim, pinalakas ang loob bago pinihit ang seradura. Sumalubong sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Leo.
"You are always beautiful, sweetheart," Nakangiting pahayag nito.
"Thank you. Okay lang ba ang suot ko?"
Sandaling pinagmasdan siya ni Leo. "Kahit naman ano ang isuot mo, Ivy, ay ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko."
Lalong lumuwag ang ngiti ng dalaga na naging mahinang halakhak. "Sus, tigilan mo nga ako, Leo. Umagang-umaga niloloko mo ako."
"Hindi, ah. Nagsasabi ako ng totoo. Ikaw itong ayaw maniwala."
Lumapit si Ivy kay Leo at inilahad ang kamay sa binata. "Tara na. Baka mahuli tayo."
"MATAGAL na kayong magkakilala ni Leo?" Tanong ng isang magandang babae kay Ivy. Lumapit ito sa kanya ng umalis si Leo para umihi. Hindi nagustuhan ni Ivy ang paraan ng pagtatanong ng babae. Sandaling tumaas ang kilay nito pagkatapos ay nakita niya ang insekyuridad sa mga mata at labi nito na hindi natakpan ng pagngiti nito. Nananatili siyang nakamasid rito at kinikilala ang babae. Malakas ang pakiramdam niyang nakita na niya ito. Hindi lang  niya mawari kung saan. Naging alanganin ang ngiti ng babae bago inilahad ang kamay sa kanya. "I'm Meredith. Don't you remember me? Una tayong nagkita sa engagement party nina Javen."
"Oh, Marydale?"
"It's Meredith," pagtatama ng babae.
Napatango si Ivy. Ah, ang malanding Meredith pala.
Naupo si Meredith sa tabi niya kahit hindi naman niya ito pinapaupo. "Nag-iisa ka yata?"
"Hindi. Magkasama kami ni Leo. May pinuntahan lang siya sandali."
Sumandal si Meredith sa upuan at pinagkrus ang mga binti. "I just wanna ask, kaanu-ano mo si Leo? Are you two dating or what?"
Namilog ang mga mata ni Ivy dahil sa tahasang pagtatanong ni Meredith na may kasama pang pagtaas ng kilay. Ibang klase ka rin, te. Hindi ka lang malandi, tsismosa ka pa. Nginisihan niya ito bago nagsalita. "Ah, Meredith, it's my private life. Whatever we have, it's none of your business. But you can ask Leo if you want."
Halatang nabigla ang babae sa paraan ng pasagot niya at mabilis ding nakabawi.
"I guess you're not his girlfriend," wika nito na ibinaling ang atensyon sa kaliwang bahagi ng reception. "Kasi kung ikaw sana ang girlfriend niya, hindi sana siya nakikipag-usap sa iba. Besides, hindi ang tipo mo ang magugustuhan niya. I gotta go." Tumayo na si Meredith.
Makulimlim ang mukha ni Ivy na nakatingin kay Leo at sa kausap nitong babae. Lumapit siya ng palihim upang mapakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

t's been years. Kumusta ka na, Leo?"
Pormal ang naging tugon ni Leo. "I'm okay."
Leo could feel Denisse' tension. He can see in her wandering eyes and trembling lips.
"Have you moved on? How was your life without me?"
"Are you expecting that I am glad to see you again?"
Alanganing tumawa si "Well, sort of."
"Yes, it's nice to see you again."
"I was so immature doing such a stupid dare before. It was a stupid decision. I should have chosen you over my principles. Hindi ko na pang sana itinago sa 'yo di sana sa akin mo nalaman ang katotohanan."
"Sana hindi ka sumuko. But what did you do? Your pride has lead you to runaway instead."
"It wasn't my choice, Lei. If I could only bring back the past, I should have just stayed with you until you are ready to open your heart for me again."
"Naduwag ako. Takot akong masaktan at mapahiya. Ang daming what if's sa puso ko habang nag-aaral ako sa Amerika."
Wala ng nararamdamang sakit o sama ng loob si Leo. He was healed from a yesterday's heartache. "I'm glad you've realized it now."
"I miss you, Lei," wika ni Denisse at niyakap siya ng mahigpit.

mabangis ang nagmamakaawang mukha ng babae. Kung kanina ay isa itong maamong tupa, ngayon ay isa na itong mabangis na leon. "Sino? Ang babaeng kapitbahay mo? Na wala namang ginawa kundi huthutan ka ng pera?"
"Hindi ko akalain na hinubog ka ng maling asal sa Amerika. Ganyan ka na ba magsalita ngayon? Hindi na kita kilala."
"Wala ka ng magagawa. Nag-usap na sina papa at tito Ferrer. Tayo ang magpapakasal," pinal na wika ng babae na nagpapahid ng mga luha sa pisngi. Mabilis itong naglakad palayo.
Dali-daling bumalik sa dating pwesto si Ivy.

Malapit na ang ending.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon