6

122 5 0
                                    

NAGING mailap ang antok kay Leo. Kahit pagod ang katawan niya ay hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan. Sinubukan niya ang tuwid, nakatalukbong at patagilid na paghiga ngunit talagang hindi siya dalawin ng antok. Ilang beses na siyang bumangon para umihi at uminom ng tubig.

Ilang sandali pang pinilit ni Leo ang matulog bago siya nagpasyang bumangon. Binuhay niya ang cell phone upang tingnan ang oras. Alas dyes pasado na. Dapat sa mga ganitong oras ay himbing na ang pagtulog niya. Napasulyap siya sa katabing silid ng marinig ang tunog ng telebisyon. Nanonood pa si Ivy. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwarto niya. Nasulyapan niya ang mga tracing paper at iba pa niyang gamit sa kanyang drawing table. Nagpakawala siya ng buntong hininga. Batid niyang hindi siya magkakapag-isip ng maayos kung ganito ang pakiramdam niya kaya kumuha siya ng tubig na maiinom bago bumalik sa kama. Isinandal niya ang sarili sa headboard at tinitigan ang puting kisame. Muli niyang inabot ang cell phone para maglaro habang hinihintay na muli siyang antukin. Hanggang sa nabagot siya sa paglalaro ng mobile game ay hindi pa rin siya makatulog. Ano ang gagawin niya?

Muli niyang narinig ang mahinang tunog ng telebisyon sa kabilang silid. Kung sana ay may telebisyon din siya ay maari siyang manood. Nasa computer shop pa ang laptop niyang ginagamit niya sa pag-o-autocad. Infected ng virus ang laptop niya kaya kailangang i-reformat. Wala naman siyang portable TV. Kapag nagsweldo na siya ay portable TV ang una niyang ipupundar. Kinatok niya ang dingding sa pagitan nila ni Ivy. Hindi naman siguro masama kung magkaroon sila ng magandang samahan ng masungit niyang kapitbahay. Tutal ay gising pa ito dahil pati mahinang halakhak ng babae ay naririnig niya. Muli niyang inulit ang pagkatok ng tatlong beses dahil parang hindi nito napansin ang unang mga pagkatok niya.

"Bakit?" Narinig niyang tanong ni Ivy mula sa kabilang dingding. Masungit pa rin ang tono nito. Marahil ay iniisip nitong mang-iistorbo siya. Kung hindi niya ito kilala at pawang tinig nito ang pagbabasehan ay mapagkakamalan niyang tibo ito batay na rin sa maangas na pananalita na animo laging nakikipag-away o anumang oras ay handang ipagtanggol ang sarili. Inayos niya ang pananalita.

"Pwede bang pumasok sa bahay mo?" He asked politely.

"Bakit?" Muling tanong nito sa mas malakas na tinig. Iiling-iling na lumabas siya ng kuwarto. Sa pinto ni Ivy na siya muling kakatok para mapilitan itong pagbuksan siya.

"Hi," nakangiting bati niya ng buksan ni Ivy ang pinto ng silid nito. Appreciative siya sa opposite sex. Kahit bata, dalaga o matanda basta maaliwalas ang mukha, nakangiti, at nakaka-akit pagmasdan ay nginingitian niya. That's how he appreciates beauty. Kaya nagtataka siya kay Ivy kung bakit hindi nito nakikita ang pagiging magandang lalaki niya. He have the looks, posture and brain. Pera lang ang wala pa siya sa ngayon. Pinagmasdan niya ito. Natural na maganda si Ivy kahit walang bakas ng anumang pulbos ang mukha. Maganda pa rin ito kahit nangigintab ang mukha lalo na sa ilong at pisngi. Sabagay, hindi na kailangan ni Ivy ang gumamit ng kolorete sa mukha pero inaamin niyang nakakadagdag ganda sa kababaihan ang paggamit ng cosmetics. Bahagyang nagulat siya ng tipid na ngumiti ito. Marunong rin palang ngumiti si aling Simang. Simang dahil laging nakaSIMANGot. Ngunit mabilis din na nagbago ang ekspresyon nito.

"Anong kailangan mo?" Nakamatang tanong ni Ivy.  Nanunuri ang tinging ibinigay nito sa kanya.

"Uhm." Sandaling sinulyapan niya ang loob ng bahay ng babae. "Pwede bang pumasok?"

Tumaas ang kilay nito "At bakit?"

Nagkamot ng ulo si Leo. "Hindi kasi ako makatulog. Mukhang masaya ang pinapanood mo kaya pwede bang makipanood? Kanina pa kita naririnig na tumatawa." Sinamahan niya ng very friendly na ngiti ang sinabi niya.
Tumitig si Ivy sa kanya. "I'll behave," aniya. Itinaas niya ang dalang dalawang supot ng boy bawang na adobo at garlic flavor. "Pwede tayong kumain nito habang nanonood."

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon