Memories Bring Back

100 0 0
                                    

Pagkatapos ng humigit-kumulang dalawang oras ay nakarating na sila ng Laguna. Bumungad sa kanila ang isang may kalumaang bahay na gawa sa kahoy. Saan mang ibaling ni  Denisse ang paningin ay puro luntiang mga puno at dahon ang nakikita niya. Kakaibang saya ang naramdaman niya sapagkat bihira ang mga panahon na makalasap siya ng sariwang hangin. Her parents were always been busy so they could not find a time to go out and have a bonding time as a family. Well, she and her mother used to hang out together a couple of times like shopping pero hanggang doon lang. His dad is the busiest of them all.
"It's so beautiful here," sambit niya.
"I'm glad you like it, Den. Let's go inside the house. Tayo na, Meri, Madi."
Nahuli sina Javen at Andrei dahil dumaan pa ang mga ito sa palengke para bumili ng mga prutas at gulay.
Malinis ang bahay dahil mayroon itong nakatalagang mag-asawang houseekeeper na nagpapanatili sa kaayusan nito tatlong beses sa isang linggo.
"Walang nakatira dito?" Tanong ni Meri. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.
Tumutulong si Leo sa  driver sa pagbubuhat ng mga gamit nila.
"Wala, Meri. This is our family house." Binalingan niya si Denisse. "Love, dalawa lang ang kuwarto dito. Please occupy the room on your right side. Sa left room na kami nina Javen. Pagkatapos niyon maayos ang mga gamit niyo, deretso na tayo sa kitchen para mag-agahan," paki-usap niya kay Denisse.
"Sige. Dalhin ko na rin ba mga gamit mo sa kuwarto niyo?"
"Sure. Thank you."
Eksaktong nakahanda na ang agahan ng dumating sina Javen  at Andrei. Silang tatlo ay may kanya-kanyang dala ng pagkain. Nagdala ng malulutong lumpiang shanghai at pang pansit palabok si Denisse, si Madi  ay nagdala ng lutong ulam dahil hindi ito marunong magluto at si Leo ay nagdala ng spaghetti at fried chicken. Walang nadalang pagkain sina Andei at Javen kaya ang mga ito ang bumili ng mga prutas at karneng baboy na pang-barbecue.
"Ang sarap nitong lechon kawali," di mapigilang sab ni Andrei.
Ngumiti si Madi. "Thanks. Luto namin yan ni mama."
"Ang bilis ng panahon. Ilang buwan na lang, graduate na tayo," sabi ni Andrei. Nakaharap na silang lahat sa hapag at nagsisimula ng kumain. "Ikaw, Denisse, saan ka mag-aaral? Ikaw na lang yata ang walang plano kung saan magka-collage."
Ngumiti si Denisse at hindi agad nakasagot. Sa kanan ay katabi niya si leo at sa kaliwa ay si Madison. "I am going to take premed course. Perhaps, BS Bio. I'm still thinking about it, though."
"Ikaw lang din naman ang makakasagot niyan kung ano talaga ang gusto mong kunin. Sabi nga nila, dapat pag-isipan nating mabuti ang bawat disisyon natin dahil doon nakasalalay ang magiging buhay natin sa hinaharap," mahabang paliwanag ni Madison. Sa kanilang lahat ay si Madison ang pinaka-mature mag-isip at ang pinakamatalino sa lahat. Consistent itong nasa first place.
"I'll take fashion design because it suits my personality," maarteng sabi ni Meri. Tumingin siya kay Denisse. "Denisse, i thought your dad wants you to study abroad?" Makahulugan ang naging ngisi ni Meredith.
Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Leo at napatingin kay Denisse. Kumunot ang noo niya. "Is that true?"
Natigilan si Denise at hindi agad nakasagot."Of course...not. Dad just asked me if I'd like to study in US."
"So what did you say?" Asked Madison.
Ngumiti si Denisse. "I told Dad that I would like to take premed here." Hindi na matagalan ni Denisse ang pagkakatingin sa kanya ng lahat kaya tinanong niya si Javen. "Javen, have you decided which course to take?"
Natuin na ang pansin ng lahat kay Javen."Yes. I will take civil engineering."
"Akala ko ba you like photography?" Tanong ni Andei.
"Hey, man! Hobby ko lang 'yon." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Javen at nagtanong kay Leo. "Leo, nasaan ang ginagamit niyo sa panghuhuli ng isda?"
"Nasa stock room sa likod. Paki-tingnan doon."
Nauna ng pumunta ng batis upang manghuli ng isda ang mga kalalakihang kasama nila. Nagtulungan sina Denisse at Madison sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Si Meredith ay puro reklamo habang inaayos ang paglulutuan ng barbecue.
"This meat os so malansa? Eeew. Aren't there any gloves? I'm afraid the smell will be kept on my hands" maarteng reklamo ni Meredith.
Nagkatinginan sina Madi at Denisse na patapos na sa ginagawang paghuhugas ng pinggan.
"Pagtyagaan mo na," ani Madi na lumapit kay Meri at tinulungan ito sa pagmamarinate.
"Susunod na ako sa mga namimingwit. Sumunod na rin kayo kapag nakatapos kayo jan," sabi ni Denisse.
"Arasso!" Sagot ni Madison.
Sa paglalakad ng tatlong binatilyo ay naabutan sila si Tata Fidel na sumusunod sa kanila. May hawak iyong maloit na timba. Malapit na sila sa sapa dahil rimig nila ang agos ng tubig. Hawak nila ang tatlong kawayang gagamitin nila sa panghuhuli ng isda.
"Hindi ka nagsabi, hijo, mamasyal pala kayo ngayon dito."
Napangiti si Leo. Saglit na ibinaba hawak na kawayan at nagmano sa matandang katiwala. "Biglaan po kasi, tata Fidel. Kasama ko po ang mga kaibigan ko. Sina Javen at Andrei."
"Magandang hapon po," halos magkasabay sa pagbati ng dalawa at nagmano rin sa matanda.
"Mabuti nakapasyal kayo. Tatlo lang ba kayong dumating?"
"Nasa bahay po sina Denisse at ang mga babaeng kaibigan po namin," sagot ni Leo.
"Ay, ganoon ba. Tayo na at ituturo ko kung saan kayo mamimingwit para siguradong marami kayong mahuhuli."
"Salamat po, tata. Nagdala pa po pala kayo ng mga pain," tukoy niya sa dalang maliit na timba ni Tata Fidel.
"Oo, baka kasi kulang ang nakuha niyo. Paniguradong mauubos yan sa dami ng isda sa sapa."
"Lei!"
Natigil sila sa pag-uusap dahil nakita nila si Denisse na papalapit sa kanila.
"Hintayin niyo ko," humihingal na sabi ni Denisse. Napahawak siya sa braso ni Leo. "Lei, hindi mo ako hinintay." Lumingon siya sa binata at sa matandang kasama ng ma ito.
"Ang alam ko matagal pa kayong maghuhugas ng mga pinagkainan natin at tutulungan mo si Meri sa pagluluto ng barbecue."
Napatingin si Denisse kay tata Fidel.
"Si tata Fidel ang kasama natin na mamimingwit. Siya ang katiwala ng family house. Malapit lang din ang bahay nila sa family farm."
Nginitian ni Denisse ang matanda.  "Magandang hapon po."
Tango at ngiti ang naging sagot ng matanda.
"Tayo na para marami tayong mahuli. Leo, ipahawak mo na kay Denisse yang plastic bag na dala mo," saad ni Andrei.
Habang naglalakad sila ay humawak si Denisse sa kamay ni Leo at may ibinulong. "Hindi mo ako hinintay. Muntik na ako maligaw," may himig tampong wika ni Denisse.
"Sorry, love. Naligaw ka pa? Ang lapit-lapit lang," natatawang sabi ng binata.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon