Breakfast

84 1 0
                                    

This is edited.

Ilang beses na kumurap si Denisse at tumingala upang pigilin ang mga luha sa pagbagsak. She promised to herself na hindi na siya iiyak, na hindi na siya manghihinayang pa dahil she believed everything happens for a reason. But what could be the reason why it happened? Kung sana tinalikuran niya ang dare na 'yon ni Meredith, siguro hanggang ngayon sila pa rin ni Leo. Sabay sana nilang tinutupad ang kanilang mga pangarap na magkasama but she was afraid of rejection kaya mas pinili niyang umalis kaysa ayusin ang relasyon nila ng dating kababata at kasintahan.
She could have cried on his shoulder like old times during her hard times in studying pre med if she chose to study in her home country. Homesickness, sadness, discrimination and sleep deprivation almost made her quit. She was even bullied at first having that not so pointed nose, different skin  and eye color. Hindi na niya namalayan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Nalasahan niya iyon sa patuloy niyang paghagulgol. She knew deep inside her heart that she never moved on from the past. Her heart is still beating for Leo, still hoping for a second chance. Would it be possible?
Isang katok sa pintuan ang nagpatigil sa pag-iyak niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha, nagtungo sa salamin at inayos ang sarili. Binuksan niya ang pintuan at nakita niya ang ina.
Pilit niyang pinasigla ang tinig at ngumiti. "Good morning, mom."
"Good morning too. Nakahanda na ang  agahan. Magbihis ka na. Alam mo naman ang papa mo. Ayaw niya ng pinaghihintay ang pagkain. May mahalaga siyang sasabihin sa 'yo."
"Sige po."
Pagkatapos makapagsipilyo ay tinungo na niya ang dining room. Napatigil siya sa paglalakad ng masilayan niya ang kanyang mga magulang kasama ang dalawa pang tao na nakaupo sa 8 seater dining set. Lumingon sa kanya ang lahat ng mulinigan ang paglapit niya. Anong ginagawa rito ng mga magulang ni Leo?
"Good morning po," bati niya sa mga magulang ni Leo ng madaanan niya ang mga ito patungo sa kaniyang puwesto.
"It's nice to see you again, hija. Welcome back," nakangiting sabi ni Ferrer.
Ngiti ang naging sagot niya.
"Are you back for good?" Tanong naman ng ina ni Leo.
Nailipat niya ang nagtatanong na tingin sa mga magulang.Why are they expecting if I'm back for good? My medical studies hasn't finished yet. She was about to say no when her father interfere.
"Ipagpapatuloy ni Denisse ang pag-aaral niya dito sa bansa."
Pagtataka ang makikita sa mga mata ng mag-asawang Sarni. Ang kanyang ina man ay rumehistro sa mukha ang pagkagulat at pagkalito. Marahil katulad niya ay hindi rin nito inaasahan na sasabihin iyon ng kanyang ama. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang ama. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. "Let's talk later, honey," sabi ng kanyang ama na nagsimula ng sumubo ng ulam sa steak.
Nagpatuloy ang masayang kuwentuhan. Manaka-naka siyang tinatanong ng naging buhay niya sa Amerika habang nag-aaral.
"Maganda rin ang disisyon ng ama mo, Denisse, kung dito ka na magpapapatuloy sa pag-aaral. Mabibigyan mo ng panahon ang pagpapatuloy sa naumpisahan ng mga magulang mo."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean, tita?"
"What I meant is that while studying, you can visit your company once in a while. Para maobserbahan mo ang mga dapat gawin sa pagpapatakbo ng isang pharmaceutical company."
Napangiwi siya. I don't think I can do managing a company ang being a doctor. "I'll try, tita," sab na lang niya.
Pagkatapos nilang mag-agahan ay nagpaalam na ang mag-asawang Sarni. Tinawag siya ngama.na sumunod rito patungo sa study room. May mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Kumatok siya ng tatlong beses bago niya narinig ang tinig ng ama.
"Come in."
Naabutan niya itong nagbabasa ng mga dokumento. Naupo siya sa silya kaharap ng mesa ng ama.
"May mahalaga akong sasabihin sa 'yo, anak. Makinig kang mabuti."
Tumango siya bilang pagtalima.
"Our company needs investors para matuloy ang nabibinbing projects ng kompanya. In the past two years, the company has been struggling to purchase equipments needed for clinical trials in creation of a vaccine for the deadly virus originated in China. Nakikipag-unahan tayo sa iba pang kompanya sa pagtuklas ng gamot sa virus na pumapatay ng libo-libong tao sa buong mundo," panimula ng kanyang ama.

"Pumayag ang mag-asawang Sarni na maging investors ng kompanya para maituloy ang mga proyektong matagal ng nangangailangan ng financial support."
Naguluhan siya. "What happened to our other investors? Our company has been trusted by Filipino people as one of the best pharmaceutical company in the country. Paano nangyaring hindi tayo makabili ng mga kinakailangang equipments?"
Huminga ng malalim ang kanyang ama at humawak sa dibdib. "May isang empleyado ng kompanya ang nangahas na pakialaman ang fund ng mga nakabinbing mga proyekto. Huli na ng malaman namin na nagnanakaw siya ng pera mula sa kompanya. Malinis siyang magtrabaho."

A/N: Pati story nina Ivy at Leo naimpluwensyahan na ng COVID 19 pandemic. Haaaay, sana matapos na ito at makahanap na ng gamot ang bansa para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon