19

86 3 1
                                    

"DO you like that? You've been staring at the shoes. It's cute. Go and try it. Sagot ko na." Leo gave her a generous smile.
Inilipat ni Ivy ang tingin kay Leo, nahihiyang ngumiti at umiling. "Hindi na."
"Kunin mo na." Niyuko niya ang sapatos at hinawakan. "Maliit. Baka size five lang 'to." Napalingon siya kay Leo ng marinig ang pagtawag nito sa isang saleslady.
"Miss, isang size seven nga at isang size six. Isusukat ng sweetheart ko," wika ni Leo na nakangiti.
Siniko niya si Leo. "Ano'ng sinasabi mo?"
Nakangiti at parang kinikilig na tumango ang saleslady. "Sige po, sir."
Pabalik ng saleslady ay may hawak na itong dalawang paris ng rubber shoes. Mabilis na kinuha iyon ng binata at ibinigay sa kanya.
"Maganda 'yan ma'am. Kunin niyo na," nakangiting wika ng saleslady.
Isinuot niya ang size seven dahil iyon ang sukat niya. "Libre mo 'to Leo, ha?"
"Oo nga. Isuot mo na bago pa magbago ang isip ko."
Magkano kaya ang sapatos? Tiningnan niya ang sapatos at nanlaki ang mga mata niya. Mahigpit kumulang tatlong libo ang tag price kaya nagsalita siya at mabilis na tinanggal ang sapatos na nakasuot sa kaliwang paa. "Nagbago na ang isip ko. Hindi bagay sa paa ko."
Nagtatakang tiningnan siya ni Leo. "Ano'ng hindi bagay? Bagay mo na nga eh."
Nahihiyang tumingin siya sa saleslady. "Hindi ko na kukunin, miss."
Nakita niya ang pagdaan ng inis sa mukha ng binata. Kinuha nito ang sapatos at mabilis na naglakad patungo sa counter. Sinundan niya si Leo.
"Bakit mo kinuha? Ang mahal," aniya.
Bagot na nilingon siya ng binata. Pakiramdam ni Ivy ay malapit na itong maibsan ng pasensya. "Ako na nga ang magbabayad. Libre ko na."
She stared at Leo skeptically. "May pera ka ba?"
"Naman! Ako pa ba? Marami akong pera."
"Ows? Baka naman ibabawas mo iyan sa utang mo sa akin?"
Nakita niyang sandaling nawala ang inis sa mukha ng binata. Mahinang tumawa ito. "Hindi. Libre na nga 'di ba? Bakit mo pa babayaran? Ang kulit mo rin."
Pinagtitinginan na sila ng iba pang shoppers. "Ang lakas ng boses mo. Kita mo na? Pinagtitinginan na tayo," bulong ni Ivy habang kinukuha ni Leo ang pinamili.
"Eh ikaw, ang dami mo pang arte. Tara na nga."

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon