8

110 4 0
                                    

"TALAGANG mabigat ang dugo ni miss Tapia sa 'yo, pare," biro ni Gelo pagkarating niya sa classroom nila.

Dalaga ang professor nila na si Margarita La Fuerte. Sa pagkakaalam ni Leo ay nasa mid thirties na ito ngunit hanggang ngayon ay nananatiling single. Wala rin nababalitang fiance o boyfriend man lang ito. In other words, matandang dalaga. Kaya hindi nakapagtataka na sa edad ngayon ng professora ay mataas na ang posisyon nito sa unibersidad. Sadyang naka-focus ito sa trabaho. "Hindi ka pa raw pwedeng mag-exam dahil may hindi ka pa natapos na project sa kanya."

"Paano ba naman? Kinaiinisan niya yata ang mga pagpapa-cute mo sa mga kaklase nating babae," nakangiting saad ni Gelo.

"Baka naman nagseselos? 'Di ba nga lagi kayong magkasama ni Annie tuwing lunch break?" Malutong na tumawa si Amir at hininaan ang boses. "Baka may hidden desire siya sa 'yo, pare."

Napailing ang binata. Naalala niya noong first year college siya ay mabait sa kanya si miss La Fuerte. Maganda ito kaya nagtataka siya kung bakit wala itong kasintahan. Galit ba ito sa mga gaya niya? Bakit naman? "Tumigil ka nga. Hindi ko type ang matanda. Ano ako? Naghahanap ng sugar mommy?"

"Wait. Hindi naman siya dati masungit sa 'yo, ah. Kailan ba nagsimula ang panlalamig ng pagtingin niya sa 'yo?" Pabirong tanong ni Gelo na malakas na humalakhak at nakipag-high five kay Amir.

Nagkatawanan sila. "Pumasok ka na sa opisina niya para makapag-usap kayo," udyok ni Amir.

"Good morning, ma'am," bati ni Leo sa dalagang professor. Itinulak niya pasara ang pinto ng opisina nito.
Inayos ni Ms. La Fuerte ang suot na eye glasses ngunit hindi nag-abalang mag-angat ng tingin.  Abala ito sa pag-aayos ng mga dokumento. "Sit down."

Hindi pa man tuluyang nakakaupo si Leo sa bakanteng silya sa harap ng table ng professor ay nagsalita na muli ito.

"You cannot take the exam because unfortunately until now you haven't finished all your requirements in your subject to me. I am very sad to tell you that this will affect your grades, Mr. Sarni. You may not be able to graduate with flying colors," pormal na pahayag ni Ms. La Fuerte.

Nagtaka si Leo. Paanong nangyari iyon? "Ano pong hindi ko naipasa? Sa pagkakaalam ko po ay naipasa ko ang lahat ng mga projects ko."

"Wala kang output sa timber design."

"Ibinigay ko po iyon noong Huwebes ng hapon. Iniwan ko po dito sa opisina niyo kasama ang mga iba pang outputs ng mga kaklase ko."
Bagot na nag-angat ng tingin si Ms. La Fuerte. "Kung may isinumite ka, Mr. Sarni, ay makikita ko iyon. Ngunit wala akong nakita. So I'm going to give you this day para ihabol ang requirements na kailangan. You should pass it before five PM today. Is that clear?"

Hindi pwedeng mawala ang ginawa niyang two-storey residential building plan. Pinaghirapan niya iyon. Ilang gabi siyang walang tulog matapos lamang ang project and then mawawala lang? Bullshit! Hindi mawawala iyon kung walang kumuha. Sinong magkakainteres na kumuha ng timber building design na ginawa niya? Kung sino man ang kumuha ay nagkakamali ito ng binabangga. Maapektuhan ang mga grades niya. Aabot ng dalawang linggo ang paggawa niya ng plano. Paano niya matatapos iyon kung ilang oras lang ang ibinigay sa kanya? "Five PM, ma'am? Hindi ko po iyon matatapos agad. Marami rin po akong exams ngayon," mahinahong paliwanag niya. Umaasa siyang bibigyan siya ng professor ng mas mahabang panahon. Sana ay maging considerate ito. Baka sakaling mahanap pa niya ang proyekto na unang naisumite niya. Inilibot niya ang tingin sa mga pile of papers na nakalapag sa mesa ng professor. Umaasa siyang hindi lang iyon napansin ng guro.

"Ilang beses ko ng tiningnan 'yan. Kaya huwag mo ng hanapin diyan dahil wala kang makikita. Natigil siya sa paghahanap. "Pasensiya na po."

"Magkasabay po namin na inilagay dito ang output namin ni Amir."

"Nakita ko ang output ni Amir. Ngunit hindi ko nakita ang sinasabi mong ibinigay mo. Kung may binigay ka, nandito lang sana iyon. You can go."
Oh, shit! Kailangan niyang mahanap ang output niya sa lalong madaling panahon.

"Ano bang nangyari?" usisa ni Gelo ng makalabas siya sa opisina ng professor. Nasa isang karinderya sila sa labas ng campus. Doon sila madalas magtambay kasama ang mga kaibigan niya. Kumakain ang mga ito ng barbecue.

"Nawawala ang output ko sa Timber Design," malungkot na balita niya.

"Nawawala? Paano mawawala? Magkasama tayong nag-submit, 'di ba?" Tanong ni Amir. Tumango si Leo.

"Uh oh. Paano 'yong output ko? Nawawala din ba?"

"Hindi. 'Yong sa akin lang ang nawala," sagot niya. Hindi na maipinta ang mukha niya at todo ang pagtibok ng kanyang dibdib. Ayaw niyang isipin ang posibilidad na kung hindi niya mahahanap ang design niya, o hindi makakagawa ng panibago bago mag-alas sinco ng hapon ay maaring hindi siya grumadweyt na cum laude. Samantalang iyon ang pangarap niyang sorpresa sa daddy niya sa araw ng pagtatapos niya. Ang makita itong masaya dahil sa kanya. Ang makita itong proud sa mga achievement niya sa buhay. Gusto niyang maging masaya ang ama niya para sa kanya kahit hindi niya sinunod ang kagustuhan nito. Gusto niyang makabawi sa ama. Gusto niyang kahit man lang sa araw ng pagtatapos niya ay maging masaya ito at mapawi ang kalungkutang ibinigay niya noong nagpasya siyang mag-enrol ng civil engineering

"Imposible namang mawala iyon kung meron naman ang akin. Baka na-misplace naman ni Ms. La Furte?"
Umiling siya. "I guess not. Kasi kung walang kumuha, di naroon lang sana sa office niya. Ang tanong ko ngayon ay sino ang kukuha? At bakit niya kukunin?"

"Baka naman hindi lang niya napansin sa lapag ng mesa niya," wika ni Gelo.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Noong akma kong titingnan ang mga files niya sa table, pinigilan niya ako at sinabing wala raw roon."

"Biggest problem, dude," sabi ni Amir. Tinapik nito ang balikat niya.

"At ang sabi pa niya, ibigay ko raw ang output bago mag-alas sino ng hapon. Akala mo naman, napakadaling gumawa. Sunod-sunod pa ang schedule ng mga exam natin." Naupo siya sa bakanteng silya dahil pakiramdam niya ay nauubusan siya ng lakas.

"Kaya pa 'yan. Relax ka lang, dude. Kumain ka muna ng barbecue. Pantanggal stress," saad ni Amir at inilapit sa kanya ang pagkain.

"Kung sakali mang wala talaga, ihabol mo na lang. Kayang-kaya mo 'yon. After lunch ay wala na tayong exam."

Natigil siya sa pagkagat ng barbecue. "Bakit?"

"'Yong dalawang subject natin mamaya ay cancelled. So mabait pa rin sa 'yo ang kapalaran, Leo. May panahon ka pa para tapusin ang project mo," wika ni Amir. "Don't worry. Tutulungan ka naming hanapin ang dapat hanapin."

Sa mga sumunod na exams ni Leo ay hindi siya gaanong nakapag-concentrate. Pakiramdam niya ay nilipad na ng hangin ang lahat ng ni-review niya. Patuloy na umuukilkil sa isipan niya ang napakaraming bagay na maaring mawala kung hindi niya maayos ang problema niya. Kaya matapos ang huling exam niya bandang alas dyes ng umaga ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya para umuwi. Nangako ang dalawa na tutulong sa paghahanap ng nawawala niyang project. Babalitaan agad siya nina Amir at Gelo kung sakaling nakita ng mga ito ang project niya.
Mabilis na umuwi siya ng bahay. Gusto niyang manuntok at sumigaw. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa nangyari. Kapabayaan ba niya? Sa tingin niya ay hindi, dahil ginawa lang niya ang alam niyang mas nakakabubuti.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon