18

96 7 1
                                    

NAGLALAKBAY ang isip ni Leo habang nagmamaneho. Masyado siyang nadala ng emosyon niya kaya huli na ng ma-realize niya ang sinabi. Is he really jealous? But why?  Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya noong makita niyang nakikipagtawanan si Ivy kay Andrei. Hindi siya nakapag-isip ng maayos at naging padalos-dalos ang mga kilos niya. Uminit ang ulo niya at gusto niyang manuntok. Pinigil niya ang sarli dahil alam niyang wala siya sa katwiran.
Muli niyang sinulyapan si Ivy sa passenger's seat. Ngumiti ito sa kanya kaya gumanti siya ng ngiti. Masaya siyang kasama ito. Masaya siyang malaman na masaya ito kasama siya.
Everything seemed different after the kiss they shared. He admits that after that moment, she is no longer his neighbor Ivy whom he used to tease. Alam niyang naimpluwensyahan si Ivy ng alak ng mga mangyari iyon ngunit simula ng gabing iyon ay si Ivy ang gusto niyang masilayan pagkagising niya sa umaga. Gusto niyang makita na nakangiti ito at masaya. Gusto niyang magkasama ito. Are those enough reasons para amining nagseselos siya? He never felt like this before- being so possessive of someone he isn't his. He had relationships with other girls in the past but he always felt secured about his girls. Taliwas sa naramdaman niya ng makitang magkasama sina Andrei at Ivy. Muli niyang sinulyapan ang dalaga. Nakatuon ang pansin nito sa daan.
"Gusto mo bang mag-early dinner tayo?" Tanong niya.
"Ano'ng oras na ba?"
"Five thirty."
"Sige."
KATOK ng katok si Leo sa bahay ni Ivy pero nagkukunwari si Ivy na tulog. Ayaw niyang makaharap ang lalaki. Matapos ang tahasan nitong pag-amin na nagseselos ito na may kasama siyang iba ay hindi siya nakatulog na maayos. Pabalik-balik sa isip niya ang mga nangyari sa party. Hindi mabura sa isip niya ang reaksyon sa mukha ni Leo ng kasama niya si Andrei. Ipinagtataka niyang parang tumaba at lumundag ang puso niya ng malamang nagseselos ito. Pero bakit? Nagkakagusto na ba siya sa binata? Natatakot siyang lalong umusbong ang nararamdaman niya sa binata kapag nagkasama pa sila. Napaigtad si Ivy ng marinig ang may kalakasang pagkatok sa bintana ng kuwarto niya. Marahil nahalata ni Leo nagtutulog-tulugan siya at ayaw bumangon.
"Ivy! Buksan mo naman ang pinto."
"Alam kong gising ka. Mag-usap tayo."
Sapilitan siyang bumangon at binuksan ang bintana. "Ano'ng pag-uusapan natin?"
Malapad na ngumiti si Leo ng makita siya. "Good morning. Sabi ko na eh, gising ka."
"Paano ako 'di magigising? Ang ingay-ingay mo. Daig mo pa yung alarm clock ko."
Umiling-iling si Leo. "Bumangon ka na diyan at pagbuksan mo 'ko ng pinto."
"Wow, demanding ha?"
"Hihintayin kita sa harap ng pintuan mo. Magsuklay ka," ani Leo.
Wala sa loob na tumalikod siya at kumuha ng suklay.
"Hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon. Pero handa akong utangin ang bukas makasama ka lang maghapon," tila nakikipagbalagtasan na pahayag ni Leo ng pagbuksan niya ito ng pinto.
Natawa si Ivy. "Asus! Saan mo naman nabasa yan, aber?"
"Naisip ko yun, 'no?" Nakangiting sagot ng binata.
"At paano mo naman uutangin ang bukas?"
"Di babayaran ko."
"Paano mo babayaran? Kasasabi mo lang ba uutangin mo," natatawang sabi niya.
Hindi nito sinagot ang tanong niya. Sa halip ay nagtanong. "Can we go out today?"
Ngumiti siya. "Why? Are you asking me out on a date?"
"Yes," nakangiting turan ni Leo.
"Hindi pwede. May trabaho ako." Weh? Pakipot ka pa, Ivy. Aminin mo na. Atat kang makasama siya, sabi ng kabilang bahagi ng isip niya.
Lumabi si Leo. "Lagi ka na lang may work."
"Natural. Kailangan ko ng pera. Ano ang kakainin ko kung hindi ako kakayod?"
"Sige na. Babayaran ko na magkano ba?"
"Five hundred," mabilis niyang sagot at inilahad ang palad.
"Five hundred? Bakit ang mahal naman?"
"Aba! Hindi mo pa naibigay 'yong bayad mo sa akin noong isang araw."
"Bakit? Two hundred fifty ang per day mo sa bakery? Hindi naman pagtatanim ng palay ang ginawa mo ah."
"Hindi nga. Pero nag-ayos ako at nagpaganda. I exerted effort just for you na hindi ko madalas ginagawa. So that is included in my talent fee. I was never girly but I tried to be, para naman hindi ka mapahiya na ako ang dinala mong date."
"Ang sama naman. Lahat pala 'yon may bayad."
"Nag-enjoy ka naman ba kasama ako, 'di ba? Kaya sulit mo na 'yon."

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon