NAGPATULOY ang laro ngunit naupo na sa mesa sa isang gilid si Ivy, pinapanood ang mga naglalaro ng parlor games habang umiinom ng lemon juice. Okay na sa kanya ang isang pares ng sapatos na Keds. May souvenir pa siya sa okasyon. Ayaw na niyang maglaro dahil baka ipaparis na naman siya kay Leo. Baka tuksuhin pa sila ng mga kaibigan ng binata. Hinihintay nila ang pagdating ng snacks na inaayos ng mga serbidor, inilalapag sa mesa.
"Bakit nandito ka? Hindi ka ba sasali sa iba pang parlor games?"
"Hindi na. Kung kasama sana kita ah," sagot nito at ngumiti sa kanya.
Umarko ang kilay niya. Are you flirting to me? Tumitig siya sa binata. Mabilis na naging neutral ang mukha nito. Baka hindi. Assuming ka lang, Ivy, sagot ng isip niya. Ibinaba niya ang tingin para ang sapatos na nasa lap niya ang mapagtuunan niya ng pansin. She look at the white lace up Keds sneakers with so much admiration. Ang ganda talaga ng shoes. Pini-picture niya sa isip kung ano ang isusuot habang ang sapatos ang suot ng biglang magsalita si Leo. Pinagmamasdan pa rin pala siya nito.
"Baka naman magalit ang boyfriend kapag isinuot mo 'yan?"
Tumingin siya sa binata. Wala siyang boyfriend kaya walang magagalit sa kanya. Sa ngayon, hindi niya kailangan ng boyfriend. Pero hindi niya iyon sinabi, sa halip ay nagtanong. "Bakit naman magagalit?"
"Kapag sinabi mong dumalo ka ng engagement party kaya nakuha mo 'yan, tatanungin niya kung sino ang kasama mo. Then sasabihin mong sumali ka ng parlor games. Tatanungin niya kung sino ang kaparis mo sa paper dance."
"Hindi seloso ang boyfriend ko," bale walang sabi niya. "Bakit ganyan ka mag-isip? Hindi mo na problema 'yon."
"Well, I just imagined. Dahil kung ako ang boyfriend mo at sumama ka sa iba, without informing me, I will get mad at you."
Pinandilatan niya ito. "I should be grateful dahil hindi ikaw ang boyfriend ko.
"Di nga. May boyfriend ka talaga?"
Gustong mainis ni Ivy sa tono ng pagtatanong ni Leo. Bakit katataka-taka na ba ngayon kapag sinabi niyang may boyfriend siya? Bakit wala siyang karapatang magka-boyfriend? Sa tingin ba ng binata, walang papatol sa kanya? Grabe siya! "Meron," sagot niya with matching glaring eyes.
"Don't look at me like that. Hindi ko kasi napapansin na may kasama kang lalaki. Hindi mo siya dinadala sa boarding."
Nagbuga siya ng hangin. "Huh, hindi ako gaya mo. Bakit? Kailangan ko siyang dalhin sa boarding para lang makita mo?"
"Bakit naman hindi, " wika ni Leo.
"Huh? Huwag mo akong itulad sa'yo." Hindi ko gawain ang gawain mo. Nais sana niyang idagdag pero tumigil na siya. Hindi na siya muling nagsalita. Napapangiti siya habang pinapanood ang mga kalalakihan na naglalaro ng catterpillar relay.
"Ano'ng tingin mo sa mga lalaki?" Tanong ni Leo na napabaling rito ang atensyon niya.
"Huh?"
"What do you think about guys?"
"Guys have lust and pride," sagot niya at ibinalik ang tingin sa mga masayang naglalaro.
"Hindi lahat lust lang ang iniisip. Men also think beyond sex alone," defensive na paliwanag nito.
Napatingin siya sa binata "Totoo kaya. Lahat kayo mayron nun," pilit niya.
"Baka yung mga nakakatagpo mo lang. You met the wrong ones."
Umangat ang kilay niya. Hindi maganda sa pandinig ang sinabi nito. Hinarap niya ang binata. I met the wrong ones? Siya ba may pagka-choosy sasabihan na maybe you met the wrong ones? "Bakit? Hindi ka ba kasama ron?" Nanghahamong tanong niya. Pinigil niya ang mapa-ismid.
"Hindi."
Umasim ang mukha niya. "Ano'ng hindi? Kitang-kita ko kaya."
"Kitang-kita mo? Paano mo nakita?" Tanong ni Leo.
"Ay, hindi ko pala nakita. Narinig ko mismo," sabi niya ng bumalik sa isip ang eksena sa kabilang kuwarto.
"Narinig mo? Ano ang narinig mo?"
"Narinig ko ang..." Nag-alangan ang dalaga sa sasabihin. Sasabihin ba niyang narinig niya ang mga ungol sa kabilang silid? Sa silid na inookupa nito? Pasimpleng tinapunan niya ng tingin ang mga katabing mesa. Lahat ay nasa naglalaro ang atensyon. "Basta. May narinig ako. Hindi ko na sasabihin. Confidential."
Mahinang tumawa si Leo. "Okay. Ikaw ang bahala," sabi nito.
Natahimik na silang pareho habang nanonood sa paligsahan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Ivy ang dagling paglaho ng tuwa ni Leo ng mapadako ang tingin sa isang bahagi ng reception. Kung hindi siya nagkakamali ay nakatingin ito sa magkasintahang masayang nagsusubuan ng dessert. Magkapareho ang disenyo ng relo ng dalawa na alam niyang couple watch. Kumunot ang noo niya at muling tiningnan si Leo. Hindi ito nakangiti ngunit hindi rin nakasimangot. Neutral ang fez. Mahirap basahin ang nasa isip nito. Naiinggit ba siya? Pero bakit siya maiinggit? Kayang-kaya niyang makahanap ng babaeng makakarelasyon. He's handsome, totally good looking man. Totally good looking, Ivy? Nagkakagusto ka na ba sa kanya, ha? No. Hindi ko siya gusto. Period. Sinamantala niyang pagmasdan ang binata habang hindi ito nakatingin sa kanya. Pero talagang pogi siya. Sige na nga, aaminin ko na. Five points talaga ang rating niya sa akin. Lahat ng bahagi ng mukha niya, hindi nakakasawang pagmasdan. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.
Natigil ang paglalakbay ng isip niya ng may isang magandang babae ang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila ang umagaw sa atensyon nila. Nakangiti ito at humarap kay Leo.
"Hi Leo! Long time no see," wika ng babae.
Napalingon si Leo sa nagsalita at ngumiti sa babae. "Oh. Hi Meredith. Nandito ka rin pala."
"Yes. I am also invited," masiglang wika ng babaeng nakabestida ng pula, kulot ang buhok, maganda ang ilong at mukhang mayaman.
"Okay lang."
Kumuha ito ng bakanteng silya at lumapit sa binata. "Kumusta na?"
"Ito, gwapo pa rin," sagot ng binata.
Tumawa ang babae at lalo pang lumapit sa binata. Pinagkrus ang mga binti kaya kita niya ang maputi nitong hita dahil may mahabang slit ang suot nitong bestida. Nang tapunan niya ng tingin si Leo ay nasa mga hita ng babae ang mga mata nito.
Lumabi si Ivy. Nakakita lang si Leo ng maganda at sexy ay kinalimutan na siya. Nakalimutan na nitong ipakilala siya sa kausap. At nagseselos ka na may iba siyang kausap? Hindi ako nagseselos. Wala akong karapatang magselos. I am not his girlfriend. Kung gayon, bakit ka nakasimangot? At bakit ikaw ang isinama niyang date at hindi si Annie? May gusto ba siya sa'yo? Wala! Can't I see? Hindi na nga niya ako pinapansin nakakita lang ng maganda. Hindi ako ang type niya kundi ang malanding Meredith na ito. Bago pa tuluyang mainis si Ivy ay ibinaling niya ang atensyon sa entablado. Iniusog niya palayo sa dalawa ang upuan. Nagsalita sa mikropono si Madison at sinabing susunod na ang larong Eating Apple. Nangitingit na ibinaling niya sa iba ang paningin kaya nagtagpo ang paningin nila ng isang magandang lalaki na palapit sa kanya. Ngumiti ito. Tumingin siya sa likuran niya dahil baka hindi siya ang nginingitian nito. Wala siyang nakita kaya batid niyang siya ang pakay nito kaya ngumiti na rin siya.
"Hi! I'm Andrei. Nice meet you," magiliw na pakilala nito ng makalapit sa kanya. Inilahad nito ang kamay.
Tinanggap niya iyon at ngumiti. "Nice to meet you too. Call me Ivy."
"Ivy. Nice name."
"Thanks," aniya.
"By the way, I am Leo's friend. I am watching you two during the paper dance. Hindi na ako nagtaka na kayo ang nanalo," anito sabay ngiti.
Tumawa siya ngunit hindi nagsalita.
"I am hoping na sana pumayag kang maging pair tayo sa eating apple. Ikaw kasi ang napansin kong walang kasama."
Tumingin siya sa entablado. Isinasabit na ang mga mansanas. Sinulyapan niya si Leo na abala pa rin sa pakikipag-usap kay Meredith. Kaysa ma-out of place ay mas gugustuhin niyang maglaro at magsaya. Baka sakaling manalo siya uli. Sayang rin ang premyo. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin na naglalakbay na ang mga kamay ni Meredith sa braso at hita ni Leo. Parang inaakit ng babae si Leo. Panay naman ang ngiti ni Leo. Ang lalandi! Bahala na nga kayo sa buhay niyo.
"Sure," sagot niya. Tumayo siya at inayos ang sarili. Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Andrei.
"Ang landi naman," malakas na pahayag niya ng madaanan ang mesa nina Leo. Nakita niyang lumingon sa kanya si Meredith pero hindi na niya ito pinansin. Itinuloy niya ang paglakad papunta sa entablado.
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...