7

124 5 0
                                    

IKALAWANG araw ngayon ng pagpasok nila bilang tindera sa bakery sa palengke ng tita ni Marie. Sandali silang umalis ng sabihin ni Amanda na bumili sila ng karne at magluto ng pananghalian nila.
Marie's eyes suddenly became naughty, her smile is mischievous while they are entering the the kitchen. She stopped walking, giving her a scrutinizing look and a smile is slowly forming in her lips. "What happened? What does he mean by yesternight?"
Nakasalubong nila si Leo sa pamilihan ng karne kaya nakahanap na naman ang binata ng paraan para asarin siya. Kung anu-ano na naman ang sinabi nito kay Marie. Alam yata ng lalaki na mahilig mag-usisa ang kaibigan niya.
"Tumigil ka nga sa pag-i-english diyan," saway niya. "Walang nangyari. Si Leo lang ang gustong magparating ng double meaning. At ikaw naman,  naniwala ka ro'n. Hugasan mo na 'yang karne sa lababo."
Hindi ito tuminag sa kinatatayuan. Sa halip ay nakamasid lang si Marie sa kanya. "Ano nga? Ano'ng nangyari?" Nakangising pamimilit nito. Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Nalasing ba siya kagabi at ginapang ka niya sa kuwarto mo?" Humagikgik pa ito.
Mula sa paghahanap ng mga rekado ay marahas ang naging paglingon niya sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Ano ba, Marie? Naniniwala ka bang magagawa ko ang sinasabi mo?" Binatukan niya si Marie bago itinuloy ang ginagawa.
"Aray," wika ni Marie na sinapo ang ulo.
"Yan ang napapala ng mga taong basta na lang nagko-conclude," wika niya. Inilapag niya sa malaking mesa ang mga bawang at sibuyas. Tinungo ni Marie ang lababo at hinugasan ang karne. "Kaya maraming nag-aaway dahil diyan. So don't easily jump into conclusions, okay?"
Tumaas ang kilay ni Marie. "Ano namang masama do'n? Guwapo naman siya, ah. At balita ko, matalino si Leo. Graduating na rin ata."
"Pa'no mo naalaman? Stalker ka niya?" Tanong niya. Kumuha siya ng kutsilyo at sinimulan ang paghiwa ng mga rekado. Hindi nga niya alam na graduating na ito. Ang alam niya ay kumukuha ito ng kursong engineering. Besides, hindi siya interesadong malaman. Mas mahalaga sa kanya ang makahanap ng magandang trabaho at magkasahod ng malaki.
"Kaibigan siya ng boyfriend ko," kinikilig na sabi ni Marie.
Kumunot ang noo niya at napalingon dito. "May boyfriend ka na naman?" Sa tingin niya ay ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula ng makipaghiwalay ito sa kasintahan nitong pulis.
"Oo. Si Amir. Hindi ko ba nasabi sa 'yo?" Inilapag nito ang nahugasang karne sa mesa.
"Malamang hindi. Tatanungin ko pa ba sa 'yo kung alam ko?" Medyo asar na tanong niya. "Sino na naman yang Amir na 'yan?"
"Civil engineering din. Graduating. Kaibigan at classmate ng kapitbahay mo," sagot ni Marie.
"Ipinagpalit mo si Nathan sa estudyante?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Akala pa naman niya ay kung muling maghahanap si Marie ng boyfriend ay 'yong mambubuhay na rito ang pipiliin ng kaibigan niya. "Akala ko ba mo ba mataas ang standards mo?"
"Yes. Keri na 'yon. Ano ang masama do'n? Graduate na siya sa susunod na mga buwan."
"Marie, kung praktikal na usapan, bakit ka papatol sa hindi pa nakakatapos? Sigurado ka bang papasa iyon ng board at magkakatrabaho?" Tayo nga, eh, board passers na, saleslady pa rin ang bagsak natin, gusto niyang idagdag. Mapait siyang ngumiti sa naisip.
"Kasasabi mo lang na don't jump into conclusions, 'di ba? Eh, bakit parang ikaw ang nanghuhusga ngayon?"
"I am not. Iniisip ko lang ang puwedeng mangyari."
"Papasa 'yon. Masipag mag-aral si Amir. Top two siya lagi sa batch nila." May dinukot na cell phone si Marie sa bulsa. Lumapit ito sa kanya at ipinakit ang larawan ng boyfriend nito.
"Sigurado kang boyfriend mo 'yan?" Tanong ni Ivy matapos makita ang larawan ni Amir. Matangos ang ilong nito, may stubbles at mukhang may lahing dayuhan. Maputi rin ang lalaki.
"Naman! Boyfriend ko 'yan. Oh, 'di ba? Pogi?" Malaki ang ngiting wika ni Marie.
Tumango siya. "Baka naman ikaw lang ang may alam na boyfriend mo siya?" Nakangiting biro niya.
Umaktong nasaktan si Marie sa sinabi niya. "Hindi, ah. Teka nga, inililihis mo ang topic. Ano ba 'yong sinasabi ni Leo na nangyari kagabi?"
"Wala!" Malakas ang tinig na tanggi niya. Nagsimula na siyang maggisa ng mga rekado. "Ako angnl naggigisa ng mga rekado pero bakit ako ang ginigisa mo?"
Mahinang humalakhak si Marie dahil sa tinuran niya. "Wala raw. Weh? Sabihin mo na. Naghalikan kayo?" Hanggang tenga ang ngiti ni Marie.
"Grabe ka talaga kung magsalita, Marie. Bakit ako magpapahalik ro'n?  Babaero 'yon. Itsura pa lang, mapapansin na. Idagdag pa ang halos gabi-gabi ay ibang babae ang dinadala niya."
"Ayaw mo no'n? Praktisadong-praktisado na. Kumbaga expert na. Ayaw mo pa?" Ang lakas ng tawa ni Marie.
"Yaks!" Winisikan niya ng tubig galing sa lababo si Marie. "Tumigil ka nga. 'Yan ba ang itinuturo sa 'yo ng boyfriend mo?" Nanlaki ang mga mata niya ng may mapagtanto sa isip. "May nangyari na sa inyo?" Mahinang tanong niya.
Pinamulahan ng mukha si Marie. "Wala!" defensive na sagot nito.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon