Game

87 1 0
                                    

Nasa kabilang bahagi ng sapa namimingwit sina Javen at Andrei kasama si tata Fidel. Iniwan na nila sina Leo at Denisse dahil alam ni Tata Fidel na.magaling mamingwit ng isda si Leo.
"That's it! Hilahin mo. Faster, Lei! Baka makawala pa!"
"Yes!" Nagtatalon sa tuwa si Denisse ng makabingwit ng malaking isda si Leo. Ikalimang huli na iyon at tuwang-tuwa si Denisse na parang ito mismo ang nakahuli ng isda.
"Would you like to try, my love?"
Nahihiyang tumango siya. "Oo sana. Kaso baka naman magkamali ako at mapakawlan ko ang isda."
"Tutulungan kita, Den. Huwag kang mag-alala."
Nag-aalangan man ay kinuha niya ang kawayan. Magkatabi silang naghihintay na may kumagat sa pain nila. Nangagawit na si Denisse ngunit wala pa siyang nahuhuling isda kaya medyo nababagot na siya. Naramdaman iyon ni Leo kung kayat unti-unti  itong inalalayan ang kamay niya. Idinikit nito ang mga labi sa tainga niya. "Love, huwag ka masyado malikot. Mararamdaman ng isda kapag malikot ang pain kaya lalayo sila," bulong ng binata.
Nagtayuan ang mga balahibo ni Denisse at inilayo ng kaunti ang mukha kay Leo. " Bakit kaninang ikaw ang nakahawak nito ay marami kang nahuhuli."
"Gano'n talaga kapag sa una pa. Syempre, hindi ka pa sanay. Ngawit ka na ba?"
"Oo, medyo nangalay na ang mga kamay ko."
Ibinalik ni Denisse ang kawayan sa binata.
"Dito ka lang sa tabi ko. Kapag naramdaman kong may kumagat sa pain, ikaw ang mag-aangat ng kahoy."
Malaki ang ngiting sumang-ayon ang dalaga.
Alas-onse y medya na ng umaga ng matapos silang mamingwit. Tatlong maliliit na timba na puno ng isda ang bitbit nila pauwi. Tinawag rin nila si Tata Fidel na makisalo sa pananghalian nila.
Pagkatapos ng pananghalian ay pinasyal nila ang malawak na farm, nagmeryenda sa labas, at nanguha ng mga prutas na pwede nilang iuwi pagbalik nila ng Maynila.
Dahil sa pagod ng buong araw ay napagdisisyunan nilang mamahinga na sa kanya-kanyang tent at bukas na ituloy ang plano nilang movie marathon.
Alas onse na ng gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Madison kaya lumabas siya ng tent para mgtimpla ng gatas sa kusina. Ayon kay tata Fidel ay kumpleto raw ang refridgerator para anumang oras na may bisita ay mayroon itong kakainin.
Pagkarating sa kusina ay naaninag niya ang ilaw sa labas ng bahay sa kabilang tent kung saan natutulog ang tatlong lalaki. Agad siyang lumabas ng bahay at naabutan niya roon sina Andrei at Javen na umiinom ng alak.
"Umiinom kayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sshhhh. Huwag kang maingay. Baka marinig ka," saway ni Andrei up.
Nagsalubong ang mga kilay ni Madison. Nilingon niya sa Javen na ngumiti sa kanya.
"Gusto mo?"
"No!" Masungit na sagot niya. "Nasaan si Leo?"
"Nasa kuwarto na. Nakatulog."
Naglipat-lipat ang tingin ni Madison sa dalawang lalaki. "Nilasing niyo?"
"Grabe naman itong si Madison. Hindi namin siya nilasing. Nagkakasayahan lang, eh. Syempre paminsan-minsan magba-bonding din kami."
"Bahala na nga kayo," wika ni Madison at patungo na sa kusina ng biglang may pumigil sa braso niya.
"Huwag mo ng sabihin kay Denisse," mahina at nakikiusap na sabi ni Javen. "Kami na ang bahala kay Leo."
Tumango siya at itinuloy na ang pagtitimpla ng gatas. Pagbalik niya sa tent ay nakita niyang nakadilat si Meredith.
"Hindi ka rin makatulog?" 
Bumangon si Meredith at dinampot ang cell phone sa tabi.
"Yah. Kaninang bumangon ka ay gising rin ako."
"When it's already past eleven, hirap na akong makatulog. Gusto mong manood ng kdrama?"
"Sige. Hindi na rin naman rayo makatulog."
"Have you heard of Crash Landing on You?"
Nagliwanag ang mukha ni Meredith. "Do you have? Complete episodes?"
"Yes," may pagmamalaking pahayag niya. Inayos niyang inilapag sa mini table ang tablet niya.
NAGMULAT ng mga mata si Denisse ng makarinig ng ingay at naaninag niya ang ang dalawang pigura ng nga kaibigan niya na naghahagikgikan at naghihiyawan habang nanonood.
"What's the noise? Umaga na ba?"
Bumangon siya at ilang beses na kumurap. "Ano 'yan? Ano'ng oras na ba?"
"Sorry, Denisse. Nalibang kami sa panonood. Nakalimutan namin tulog ka pala," apolegetic na wika ni Madison.
"That's Crash Landing on You. Hindi na kasi kami makatulog kaya naisipan naming manood pampalipas oras," sagot ni Meredith.
Agad na nawala ang antok ni Denisse pagkarinig ng sagot ni Meredith at agad n nilapitan ang dalawa. "Meron kayo niyan? Bakit di niyo sinasabi sa akin?"
"Oo." Pinahinaan ni Meredith ang media sound ng tablet.  "Matulog ka na lang uli kung gusto mo. Ipapasa na lang sa 'yo yan bago tayo umuwing Maynila."
"Huh? Don't you want to watch with me, Meredith? I don't want to miss this girl's bonding and I hate thinking about you two having good times without me," aniya at isiningit ang maliit na bangko sa pagitan ng dalawa.
"You're very territorial," nakataas kilay na sabi ni Meredith.
"I should be," aniya at inayos ang pagkakaupo.
Parehong nakasimangot sina Meredith at Denisse ng matapos ang episode one.
"What happened?" Asked Denisse.
"Sorry, girls. Insufficient space pala itong tablet kaya first episode lang ang nailipat ko rito. Hindi pa kasi ako nakakapag-delete ng iba kdramas na nandito," natatawang pahayag ni Madison. "As much as I like both of you to feel what I've felt during and even after watching it, I cannot. Gusto niyo ba, ikwento ko na lang?"
Lalong napasimangit ang dalawa. Umirap pa si Denisse. "No, thanks. What should we do now?"
Agad na napalis ang simangot ni Meredith at dinampot ang bote ng softdrink. I've got an idea. "This is so boring. Let's play truth or dare?" Lumingon siya kay Madison at itinaas ang boteng hawak.
"Denisse, would you like? Kung pareho niyong gusto then we can play," sagot ni Madison
Hindi agad sumagot si Denisse. "Can we play with the boys? I'll call them." Lalabas na sana siya ng tent ngunit pinigil siya ni Madison.
"Don't!"
Nagtaka si Denisse. "Why, Madi?"
"Paglabas ko kanina para magtimpla ng milk, sarado na ang tent so I assume tulog na sila."
"Oh, we can play naman kahit tayo lang. It's just for fun. So this is the mechanics. I'll write our names in a small piece of paper. Tapos bubunot tayo. Kung sino yong mabubunot natin, tayo yong magtatanong sa kanya ng truth or dare kapag natapat sa kanya ang bote. When she answers dare, tayo na nakabunot ng pangalan niya ang magsasabi ng kailangan niyang gawin as part of the dare. Clear?"
"How can we have the dare in the middle of the night?" Tanong ni Madison.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon