Makalipas ang mahabang sandali ng pag-uusap ay nagpaalam si Meredith na pupunta sa comfort form. Inilibot niya ang paningin para hanapin si Ivy. Wala na ito sa katabing silya. Nasaan na si Ivy? Saan siya nagpunta?
"May hinahanap ka, pare?" Tanong ni Javen ng mapansin palingon-lingon siya. Ito ay naglalakad palapit sa kanya.
"Si Ivy, nakita mo ba?"
"Ayun siya oh," sagot ni Javen sabay turo kay Ivy na nakikipagtawanan habang ngumunguya ng mansanas. Nagsalubong ang mga kilay niya. Kita mo ang babaing ito, nakipag-usap lang siya sandali ay iniwan na siya nito at sumama sa iba. Sumama agad ito kay Andrei. Dumilim ang mukha niya. Hindi ba niya alam na kapag muli siyang kakagat ng mansanas ay maaring ang kinagatan ni Andrei ang makain niya? Akala ko ba maselan siya? At bakit si Andrei ang kasama niyang naglalaro at hindi ako? Bakit hindi ako ang niyaya niyang maglaro? Ako kaya ang date niya. Kunsabagay, hindi naman nagmumukhang bad breath si Andrei. Pero kahit na. Bakit siya? Mukha ba siyang bad breath kaya kailangan pa nitong i-check ang mga ngipin at ngalangala niya? Hindi naman ah. Nabahiran ng inis ang patuloy niyang panonood sa mga ito kaya malalaki ang hakbang niya na nilapitan ang mga ito. Hindi maganda ang pakiramdam niyang nag-e-enjoy ang dalaga ng hindi siya kasama. Wala sa loob na hinila niya ang tali ng mansanas kaya nahulog iyon. Natigil sa pagnguya si Andrei. Si Ivy naman ay sinundan ng tingin ang nahulog na mansanas, kumurap, bago siya tiningnan. Pakiramdam niya ay gusto siyang sapakin ni Ivy dahil sa ginawa.
"Bakit mo tinanggal?" Malakas ang tinig na tanong nito. Nakasimangot si Ivy ay pinandidilatan siya.
"We're about to win, dude. Why did you do that?"
Because I don't like what I'm seeing. "Hindi kayo qualified. Hindi niyo ba narinig? Couples ang hinahanap nilang sumali." Alam niyang walang katuturan ang palusot niya pero kailangan niyang subukan.
Umismid si Ivy. "Kahit na. Eh di sana kanina pa kami tinanggal. Kung talagang disqualified kami."
Nanghihinayang na sinulyapan ni Ivy si Andrei pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin kay Leo. Napatingin na rin sa kanila ang ibang mga kasali salaro kasabay ng bulung-bulungan sa paligid.
"Sayang. Sila na sana ang nanalo."
"Baka nagselos yung guy kaya tinanggal niya."
"Aw. Sayang yung premyo. Hindi nila makukuha."
"Nakakainis ka!" Mahinang singhal ni Ivy at mabilis na naglakad pabalik sa upuan. Sumunod sina Andrei at Leo.
"Are you okay?" Tanong ni Andrei na tumabi sa kanya. Tipid siyang ngumiti at tumango.
"Sorry," nakayukong sabi niya kay Andrei. "Kung hindi dahil sa magaling na lalaking ito ay mananalo tayo," aniya na masungit na binalingan si Leo sa kabilang tabi.
"Hindi kayo mananalo. May mas nauna ng nakaubos ng apple bago pa kayo."
"Eh paano hinila mo yung tali! Kami sana ang nanalo! Bwisit!"
Tumikhim si Andrei. "I think you two should talk. Maiwan ko na kayo," nakangiting sabi nito.
SOBRANG nanghihinayang si Ivy. Kung kailan malapit na silang manalo, saka naman umeksena si Leo. Hindi niya maintindihan ang hitsura nito kanina. Ano ang ipinagpuputok ng butse nito? Wala siyang ginagawang masama. Ito pa nga ang may kasalanan sa kanya dahil kinalimutan na nitong kasama siya. Naiinis talaga siya! Nahaluan ng pagtataka ang inis ni Ivy ng mapansing nakangiting umalis si Andrei. Hindi ba ito naiinis kay Leo? Bakit ito nakangiti?
"Sorry," mahinang sabi ni Leo. "Gusto mo ba ng makakain? Kukuhanan kita."
Humalukipkip siya at hindi ito pinansin.
"Gusto mo ng wine?" Muli nitong tanong.
"No, thanks."
Ilang sandaling hindi ito nagsalita. "Galit ka?" Tanong ni Leo.
Umikot ang mga mata niya. Obvious ba? Pinigil niya ang umirap. "Hindi."
"Sorry na, Ivy."
Hindi niya ito pinapansin kahit magkatabi sila ng upuan. Hanggang sa mabagot siya sa panonood at makapagmaalam si Leo kina Madison at Javen ay hindi niya ito kinakausap.
"SAAN tayo pupunta?" Tanong ni Ivy. Napapansin niyang hindi iyon ang daan pabalik sa boarding house nila.
"May bibilhin lang ako sandali sa mall," anito. Inihinto nito Ang sasakyan sa parking area. "Gusto mo bang sumama?"
Umiling siya. "'Di na. Hintayin na kita dito."
Pagbalik nito ay inaabot sa kanya ang isang paper bag. "Bakit 'to?"
"Para sa'yo."
"I'm sorry sa ginawa ko. Alam kong mali iyon. Sorry. Yan na lang ang palit ng sana ay premyo mo."
Ilang sandali siyang nakatitig sa kahon ng relo na bigay nito. Tinitigan niya si Leo at kumurap na bahagyang nakakunot ang noo. Nagseselos ka ba kay Andrei? May gusto ka ba sa akin? Unang nagbawi ng tingin si Leo marahil ay hindi na nito matagalan ang pagtitig niya. Ini-start nito ang kotse.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Nakakahiya naman sa kaibigan mo."
"Huwag ka ng lalapit sa kanya," masungit na sabi nito.
Napangiti siya. It's confirmed. Nagseselos ang loko. "Bakit ganyan ka magsalita? Inaya niya akong sumali ng eating apple. Tutal busy ka naman kanina kaya pumayag ako," pasaring niya.
"Ako ang ka-date mo kaya dapat ako ang kasama mo."
"Bakit? Nagseselos ka sa kanya?" Nakangiting tanong niya. Bahala na kung mapahiya siya.
Bigla itong nagpreno. Hinarap siya ng binata. "Oo. Nagseselos ako. Naiinis akong makita na masaya ka kasama ang ibang lalaki. Kaya kapag magkasama tayo, you should be loyal to me."
"Okay," aniya nakangiti pa rin. "Salamat dito." Susulitin na niya ang mga sandali na kasama niya si Leo.
Tumango ito habang patuloy na nakatuon ang paningin sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...