25

126 3 0
                                    

"SAAN ka galing?" Bungad tanong ni Ivy kay Leo ng bumalik ito sa pwesto nila.
"Diyan lang. Nag-CR ako." Bahagya pang ngumiti ang binata sa kanya.
Inayos ni Ivy ang mukha upang hindi makahalata si Leo na hindi na maganda ang mood niya. "Umuwi na tayo, Leo."
"Umuwi? Halos kararating lang natin, Uuwi na tayo?"
"Masama ang pakiramdam ko."
Sinalat nito ang noo. "Hindi ka naman mainit. May problema ba?"
"Wala. Masakit lang ang ulo ko. Kung ayaw mo pang umuwi, ihatid mo na lang ako sa highway at ako na ang bahalang mag-taxi," kalmadong wika niya.
Kumunot ang noo ni Leo at pinagmasdan siya ng ilang sandali. Tumingin ito sa hawak ng relo bago muling bumaling sa kanya. "Hindi naman pwedeng mag-isa mo lang na umuwi. Masakit ba talaga ang ulo mo?"
Tumango siya.
"Sige. Magpapaalam lang ako sa mag-asawa."
Walang imik si Ivy hanggang sa makabalik sila sa boarding house. Hindi na niya hinintay pa si Leo na pagbuksan siya ng pinto.
"Huwag mo na muna akong kakausapin o kakatukin. Masakit ang ulo ko. Matutulog ako," aniya.
Nagtatakang tumango si Leo.
PAGPATAK ng alas sinco ng hapon ay umalis ng boarding house si Ivy dala ang ilang mga damit. Uuwi muna siya sa bahay nila para magpalipas ng sama ng loob at makapag-isip. Hindi na niya sinabihan si Leo ng pag-alis niya. Malinaw na sa kanya ang lahat. Nothing romantic is happening between them. Sana noon pa siya nagising sa kanyang ilusyon. Mangiyak-ngiyak na tinapunan niya ng huling sulyap ang boarding house bago umalis. Tatawagan niya si Marie para masabi niya sa kaibigan na hindi muna siya papasok sa trabaho.
Para siyang sinampal ng malaman ang usapan nito at ng magandang babae. Doon niya napatunayan na kung mahalaga sana siya sa binata, noon pa sana nito nabanggit sa kanya ang tinawag nitong Denisse. Nagbabahagi na sana ito sa kanya ng buhay nito, ng kuwento ng pamilya nito. Pero bakit ba siya nag-expect? Wala naman silang malinaw na usapan. Hopia lang siya.
Alas sais pasado ng makarating siya sa bahay nila. Ipinaskil niya ang ngiti sa labi bago kumatok sa pinto.
"Tao po. Nay, umuwi po ako."
Saglit lamang at pinagbuksan siya ng pintuan ng kapatid niyang si Shiela. Tatlo silang magkakapatid. Agad na ngumiti ang dalagita pagkakita sa kanya. Sinalubong siya nito ng yakap.
"Ate, kumusta? Akala namin hindi ka na uuwi."
"Pwede ba naman na hindi ako umuwi?" Pumasok na siya ng bahay at inilapag ang maliit na bag sa tabi ng upuan sa sala.
"Nay! Nandito na po si ate Ivy," masayang pahayag ni Shiela.
Inilabas ni Ivy ang mga pasalubong na buko pie. "Kain kayo," aniya. Tumayo siya upang lapitan ang ina sa kusina na nagluluto ng ulam. "Wow! Ang sarap naman ng niluluto mo, nay." Humalik siya sa pisngi ng ina.
"Kumusta ka, anak? Hindi ka nagsabi na uuwi ka. Mabuti at nataon na masarap ang ulam natin ngayon."
Naupo siya sa dining chair. "Kahit naman gulay po ang ulam ay makakakain ako."
Ngumiti ang ina niya. "Alam ko 'yon. Ano bang nangyari at napauwi ka?"
Nag-iwas ng tingin si Ivy. "Wala, nay. Nami-miss ko na kasi dito sa bahay." Totoo naman iyon. Minsan ay dinadalaw siya ng pagka-home sick niya dahil hindi naman siya sanay na lumayo. Napilitan lamang siya dahil may nais siyang patunayan sa sarili niya.
NASA mansyon si Leo para kausapin ang ama. Tinawagan siya ng ina at sinabing kailangan niyang magtungo ng mansyon dahil may mahalagang sasabihin sa kanya ang ama niya.
"Pagkakataon mo na ito para makabawi sa akin, Leo. Sinuway mo na ako minsan. This time sana huwag mo na akong biguin. You'll marry Denisse in two month's time." Hindi nakikiusap ang tono ng ama niya kundi nag-uutos.
"Hindi maaari ang gusto mo, papa. I will choose the one I will marry. Matagal na kaming tapos ni Denisse. I have moved on. Years ago."
"Kanino? Sa dalagang kapitbahay mo?"
"Mahal ko siya, papa. Sa kanya ako masaya. I will not marry Denisse. I'm sorry for letting you down again." Tumalikod na siya at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng ama.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon