PINIGIL ni Ivy ang huwag lumingon sa lalaking kapitbahay ng marinig ang sinabi nito na tatanda siyang dalaga. Naningkit ang mga mata niya ng marinig na tumawa pa ito. Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng may usapan. Lamang ay sadyang abot ng tainga niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Sinadya yatang iparinig iyon sa kanya ni Leo. Mabuti na lang at nakabawi ang kausap nito ng sabihin nitong maganda siya. Marahil ay napansin ni Marie ang pabago-bago niyang expression kaya lumingon ito sa gawi ni Leo.
"Yong kapitbahay mo 'yon, ah," sabi ni Marie na nakamasid rin. "Ikaw yata ang pinag-uusapan nila."
"Hayaan mo sila. Bumili ka ng pagkain mo para makaalis na tayo," iritado niyang sabi at tumingin sa direksyon nina Leo. Abala si Leo sa pakikipag-usap sa mga kasamahan.
"I wonder kung bakit may energy pa siyang magtrabaho. Inumaga na siya sa pakikipagrambulan."
Naguluhan si Marie sa sinabi niya. Dagli itong napalingon sa kanya matapos magbayad sa kahera.
"Rambulan?"
"Oo. Rambulan. Hating gabing pakikipagrambulan. Basta. Alam mo na 'yon," aniya.
Ngumiti si Marie ng ma-gets ang ibig niyang sabihin at pagkatapos ay mabilis na kinuha ang bakery bread na pinamili. Mabilis nilang nilisan ang lugar. Ayaw niyang masira ang araw niya.
SA isang grocery store sa palengke huminto ng paglalakad sina Ivy at Marie. Ngumiti si Marie sa saleslady na nakatayo sa cashier. Gumanti ng ngiti ang babae na hindi nalalayo ang edad sa kanila.
"Good morning, Len. Si tita?" Tanong ni Marie.
Ang tita ni Marie ay may-ari ng grocery store na may maliit na bakery shop. Nahuhulaan na ni Ivy na magiging saleslady sila sa araw na iyon. Kung bakit ba kasi wala pa siyang trabaho. Sana ay hindi niya kailangang humanap ng raket at maging saleslady. Sana nasa de aircon na opisina siya ngayon. Pero malas dahil hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag mula sa mga inaplayan niya. Kaysa naman tumunganga siya maghapon at maghintay sa pagdating ng himala na alam ni Ivy na malayong mangyari kaya siya na ang gagawa ng paraan. Bumuntong hininga siya. Pasasaan ba't diringgin din ng langit ang mga panalangin niya. Magkakaroon din siya ng mas magandang trabaho.
Hinawakan ni Marie ang braso niya at iginiya siya papasok ng grocery store. Naglakad sila patungo sa isang pribadong opisina. Nakita niya sa transparent glass walls ang tita ni Marie na nakatungo at may inaasikasong mga papales. Nag-angat ito ng tingin ng maramdaman ang presensiya nila."Hi, tita Amanda! Good morning!" Masayang bati ni Marie.
Bahagyang tumango ang tita ni Marie bago inilipat ang paningin sa kanya.
"Si Ivy, tita, kaibigan ko," sabi ni Marie.
Maluwag na ngumiti si Ivy sa ginang. "Magandang umaga po."
Tumayo ang ginang at binuksan ang pinto para makapasok sila. "Anong sadya niyo?"
"Mag-aaplay po sana kaming saleslady niyo, tita," sagot ni Marie.
Gaya ni Ivy, nakapagtapos na rin si Marie ng kursong edukasyon at pumasa na rin ito ng board exam. Pero gaya niya, naghahanap pa rin ito ng trabaho.
"Sige. Kailan kayo magsisimula?" Tanong ng ginang.
"Eh, tita, ngayon na sana. Kaya inagahan namin ang pagpunta rito para makapagsimula na kami."
"Okay. Sige," nakangiting sabi ni Amanda.
"Hindi ba obvious? Tinutulungan ka. Baka abutin ka pa ng hating gabi hindi ka pa nakakapagluto. Akin na ang posporo."
Atubiling iniabot sa kanya ni Ivy ang posporo. Nang lumaganap ang apoy sa mga panggatong ay kinuha niya ang kaldero sa tabi saka ibinalik kay Ivy ang posporong ginamit. Muli niyang kinuha ang backpack mula sa upuan.
Pinagpag niya ang mga kamay. "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng pagpapasalamat?"Sumimangot si Ivy. "Thanks."
Dinugtungan ni Leo ang sinabi. "You're welcome. Next time huwag ka magsuot ng sleeveless," aniya. Ngumiti siya bago itinuloy ang pagtungo sa sariling silid.
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...