13

102 6 0
                                    

Makalipas ang kinse minutos na paglalakbay sa kagubatan at natanaw ni Ivy ang isang malaking bahay ng gawa sa kahoy. Rustic ang disenyo ng bahay na sa paligid nito ay napalibutan ng maraming magagandang namumulaklak na halaman. Maaari na itong mapagkamalang isang flower farm. Exitoc at napakaganda ng kulay ng mga rosas, gumamela at bougainvillea. Ang entrada ng mansion ay napapalimutian ng mga kulay lilac, dalandan at peach na bougainvillea. Nagmistulang bakod ang mga matataas na halamang gumamela.
"Wow. Ang ganda naman dito," 'di napigilang sabi ni Ivy pagbaba niya ng kotse. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Maraming matatayog at matatandang mga puno na batid niyang ngayon lang niya nasilayan. Kung hindi siya nagkakamali ay mga puno iyon ng narra at kamagong na alam niyang kasama sa endangered species ng bansa. Sa mga larawan sa mga libro at magasin lang niya iyon nakikita. May mga ilang puno ng milina rin siyang nakita.
Kung ano ang ikinabighani ni Ivy ng masilayan ang labas ng bahay ay malayong mas maganda ang loob nito. She felt like she is in an enchanted forest--the setting of romantic fairytales. The hanging lanterns are on different hue of crimson. The hanging floral arrangement under the trees and all around the reception created feelings of magic, enchantment, and fascination. Tables are set with different lovely flowers inside the vases. Wow. Very elegant engagement party. Everything she saw in the place is mesmerizing, requiring her to make a second look.
Kahit tanghaling tapat ay malamig ang hangin sapagkat hindi tumatagos ang sinag ng araw sa lugar. Natigil ang pagmamasid niya ng may isang lalaki at isang babae ang nakangiting sumalubong sa kanila. Sa tingin ni Ivy ay nasa mid twienties ang edad ng dalawa.
"Hi, Leo! Akala ko, hindi ka makakarating brod," wika ng lalaki. Matangkad ito at hindi maikakailang magandang lalaki. Bumaling ang lalaki sa kanya at ngumiti. "Sino itong magandang kasama mo?"
"Siya si Ivy. My date."
Makahulugang ngumiti ang lalaki. Kung anuman ang ibig sabihin ng ngiti nito ay hindi mawari ng dalaga. "Hello Ivy. I'm Javen. And this is my future wife, Madison."
"Oh, hi Ivy! Call me Madi for short. Nice to meet you," nakangiting pakilala ng babae. "Salamat at sinamahan mo si Leo na dumalo."
"Wala iyon." Magiliw na tinanggap ni Ivy ang pakikipagkamay ng babae at ng asawa nito.
"Let's go inside para masimulan na natin ang party," yakag ni Javen.
Napansin ni Ivy na mga piling bisita lamang ang naimbitahan. Kaya alam niyang malapit ang loob ng mga ikakasal kay Leo. Lumapit si Madison sa kanya ng mapansin nitong wala na siyang kasama sa mesa. Umalis si Leo upang makipag-usap sa mga kaibigan.
"Hi!  Can I join you?"
Ngumiti siya. "Oo naman."
Inilapag ni Madison ang dalawang wine glass sa mesa. "Hindi ka ba nababagot?" Tanong ni Madison.
Umiling siya. "Nag-e-enjoy ako sa pagmamasid sa paligid," matapat na sabi niya.
"Kanina pa ba umalis si Leo?"
"Hindi. Halos kaaalis lang niya."
Tumingin si Madison sa direksyon ni Leo. "Hindi na kasi sila madalas magkikita-kita. Kaya sa mga okasyon na lang sila nakakapag-usap."
"Pansin ko nga rin."
"Nag-aaral ka pa ba?" Friendly na tanong ni Madison.
Umiling siya. "Graduate na 'ko," sagot niya. Piping dalangin niya na sana ay huwag nitong tanungin
"Ang ganda ng setting ng engagement party niyo," puri ni Ivy.
"Salamat. Tinulungan ako ng kaibigan kong event planner. Nagpaplano na rin ba kayo?"
Humiwa ito ng steak bago nag-angat ng tingin. "Kayo na ba ni Leo ang susunod? Pwede ko siyang kausapin," saad ni Madison na nakangiti.
"Ha?" Hindi maintindihan ni Ivy kung ano ang ibig sabihin ni Madi. "Nagkakamali ka ng---"
"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan. Ayokong pwersahin si Ivy kung hindi pa siya handa. Right, sweetheart?"
Sweetheart? Anong sinasabi niya? Isang alanganing ngiti ang sinagot ni Ivy. Napapitlag siya ng maramdaman ang braso ni Leo na umakbay sa kanya. Lihim na sinenyasan siya ni Leo.
"Masyado kasi siyang mahiyain. Ayaw niyang napag-uusapan ang mga personal na bagay."
Ngumiti si Madison. "Oh, it's alright. Naiintindihan ko," wika ni Madison. "Maiwan ko muna kayo. May sasabihin ako kay Javen."
Nakangiting tumango si Leo. Nang mapadako ang tingin ni Madison sa kanya at tinanguan niya ito. Nang masigurong hindi na sila nito maririnig ay marahas na tinanggal niya ang braso ng binata na nakaakbay sa kanya. "Anong pinagsasabi mo kanina? Bakit hindi mo itinama ang maling akala ni Madison?" Masungit na tanong niya.
"Chill ka lang. Okay na rin ba 'yon ang isipin nila. Nakakatamad sumagot sa marami nilang tanong." Tinungga nito ang hawak na kopita.
Tumaas ang kilay niya, tanda na hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
"Ganito kasi 'yon. Kung sasabihin ang totoo na di kita girlfriend, itatanong nila kung bakit hindi yung girlfriend ko ang kasama ko. Kung sasabihin ko naman na wala akong girlfriend, hindi sila maniniwala. Kung sasabihin kong may isang dalaga akong gusto pero hindi ako pansin dahil masyadong pihikan, I'm sure pagtatawanan nila ako."
Lumabi siya. "Weh? Wala kang girlfriend?"
Tumingin ng deretso si Leo sa kanya. "Wala." Sumandal ito sa upuan at humalukipkip. "I am free and single." Ngumiti si Leo at naaliw na pinagalaw ang mga kilay.
"Sa tingin mo, Ivy, magugustuhan kaya ako ng dalagang natitipuhan ko?"
Umismid siya at pinakatitigan ang kausap. "Malamang hindi."
"Bakit naman? Guwapo naman ako ah, 'di ba, Ivy, sweetheart?"
"Hoy. Tumigil ka nga. Gwapo ka nga, wala ka namang pera. At huwag mo akong tinatawag na sweetheart. Baka isipin nila, boyfriend kita." Pinandilatan niya ang binata bago ibinalik ang atensyon sa entablado ng makarinig ang palakpakan sa paligid.
"Bakit, ayaw mo? Swerte ka nga kung ako ang makakatuluyan mo eh. Gwapo na, mabait, responsable, soon to be civil engineer na rin. May kainuman ka na rin everytime. May libre pang kiss kung gusto mo. So ano pa ang hahanapin mo?"
Susme! Kailangan pang ipaalala? Nang sulyapan ni Ivy ang binata ay nakita niya ang kakaibang ngiti nito at kislap ng mga mata. Sa halip na makaramdam ng hiya, pinilit niyang magpakatapang at umaktong hindi apektado sa mga huling sinabi nito. Ayaw na niyang balikan ang nangyari ng gabing iyon. Magmumukha siyang defensive kung nagsasalita siya tungkol sa halik. "Hay, bakit kaya biglang lumamig? Napakapresko naman," malakas na sabi niya.
Narinig niyang mahinang humalakhak si Leo. Dinuro niya ito. "Alam mo, ikaw? Ang yabang mo. Wala ka pa ngang napapatunayan. Saka mo sabihin kapag may patunay ka na."
"Patunay na I have the good looks? That I'm a good kisser?" Nakangising tanong nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "Hindi pa ba sapat ang nakikita mo ngayon? O nabitin ka sa halik na pinagsaluhan natin? We can do it again, if you like," Ngumiti ito na umabot hanggang sa mga mata.
Sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya ay naamoy niya ang mabangong hininga nito at ang gamit na pabango. "Not yet. You have the looks but you don't have money. No money, no honey," sagot niya pagkatapos ay mabilisan inilayo ang mukha sa binata. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Nakaramdam siya ng kaba at pagkailang.
"Sino 'yon?" Tanong ni Ivy kay Leo ng makitang paakyat ng entablado ang isang ginang.
"Javen's mom. Tita Janice."
"Oh, maganda siya."
"Nasa genes namin," sagot nito na nagpalingon sa kanya. "Kung hindi mo naitatanong, second degree cousins kami ni Javen."
"Let's welcome Javen and Madison."
Magkahawak-kamay na umakyat sa entablado ang magkasintahan.
"Kapag marami na kaya akong pera, magugustuhan na kaya ako ng babaeng gusto ko?" Tanong ni Leo makalipas ang ilang sandali na pakikinig sa speech ng ina ni Javen.
"Ewan. Siguro. Malamang," turan ni Ivy.
"Bakit? Sa pera lang ba nasusukat ang pagmamahal?"
"Hindi naman sa gano'n. Pero siyempre, you have to think about the future."
Sumunod na nagsalita ang mga magulang at malalapit na kaibigan ng magkabilang panig. Matapos makapagpasalamat ng magkasintahan sa pagdalo ng mga bisita ay nagsimula ng maghain ng pagkain ang mga serbidor. Tatlong buwan mula ngayon ang kasal nina Javen at Madison. Lahat ng dumalo ay inimbita para sa gaganaping kasalan. Habang kumakain ay inanunsyo ng emcee na susunod na ang parlor games para sa lahat. Nahahati ang laro sa dalawang kategorya. Ang isang kategorya ay para sa mga married couples at ang isa pa ay para sa mga magkasintahan. Layunin ng laro na lalong pagbuklurin ang pagmamahalan ng dalawang tao. Mayroon ding nakabukod na laro para sa mga batang dumalo.
"Since engagement party namin ito, gusto naming kahit mga bisita ay maramdaman ang pagmamahal namin ni Javen para sa isa't-isa. I believe engagement is an occasion not just for me and my fiance, but for everyone who believes in marriage. Sa mga single diyan, pagkakataon niyo na ito para mahanap si The One." Timawa si Madison. Tawanan at palakpakan ang sumunod na narinig sa lugar. Nagsitayuan na ang mga bisita upang sumali sa mga Parlor games. Ibinigay ni Madison ang mikropono sa kasintahan.
Nagsalita si Javen. "So unahin na natin ang mga single diyan. All the single ladies, please stand up."

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon