4

138 5 0
                                    

"NATAPOS mo na ba 'yong mga plates mo?" Tanong ni Gelo kay Amir habang nagmemeryenda sila sa katabing bakery shop. Alas tres na ng hapon ng mga sandaling iyon.

Umiling si Amir at ibinalik ang tanong. "Ikaw, natapos mo na ba lahat?"

"Hindi pa nga," sagot ni Gelo.

Binalingan ni Gelo si Leo at marahang tinapik ang balikat. "Oy, ikaw, Leomer, mukhang cool na cool ka diyan, nahaharap mo pang maglaro ng mobile legends. Parang wala kang problema. Natapos mo na ba ang mga plates mo?"

Pagak na tumawa si Leo. "Hindi nga, eh. Hindi ko pa nasisimulan. Buti kayo at nakapagsimula na." Binitawan ni Leo ang hawak na cellphone at kumuha ng mamon. Inisang subo niya ang hawak na tinapay. Malapit nang matapos ang unang semester kaya pilit nilang tinatapos ang mga plates o mga engineering drawing na requirements nila sa kanilang mga subjects. Sa katunayan ay simula na ng final exam nila sa Lunes. Kapag hindi nila natapos ang mga iyon bago ang enrollment para sa second semester ay paniguradong mahuhuli sila, maaring  ma-hold ang class card at ma-incomplete, na hindi maaring mangyari dahil graduating sila. 
Ayaw niyang humingi ng pera sa mga magulang niya dahil ipinangako niya sa sarili na pagkatapos niyang pumasa sa board exam ay hindi na niya tatangapin ang monthly allowance na ibinibigay ng nanay niya kaya mabuti pang maaga pa ay masanay niya ang sarili na hindi umaasa sa iba.

"Pa-humble ka naman, Leo. Alam naman namin na sisiw lang iyon sa 'yo," wika ni Gelo. "Kaya nagagawa mo pang maglaro diyan."

Isa si Leo sa mga consistent certificate awardee kapag nagkakaroon sila ng recognition bago matapos ang isang semestre. Si Amir ang sumusunod sa kanya.

"Maiba ako. Kumusta naman kayo ni Marie?" Tanong ni Leo kay Amir.
Kumunot ang noo ni Amir. "Sinong Marie?"

Malakas siyang tumawa. Knowing Amir, hindi ito nakakalimot ng engineering fomulas pero nakakalimot ng pangalan ng girlfriend. O baka hindi niya iyon girlfriend at fling lang. "Yong babaeng maganda."

Tinitigan lang siya ni Amir. The confusing look still on his face. "Yong kasama mo noon nakita kita sa SM Clearance, remember?"

Wari naalala ni Amir ang tinutukoy niya. "Hindi ko 'yon girlfriend. Perhaps a special friend."

"Kailan ka pa nagkaroon ng special friend? Bago yata iyon sa pandinig ko. Kami special mo rin ba?" Tanong ni Leo sabay kindat kay Amir.
Inakbayan ni Amir si Leo at sinabalubong ang mata nito na para bang isa itong kaakit-akit na babae.

"You are more than special to me, Leah."

Napuno ng tawanan ang paligid.

NAGLALAKAD si Leo pauwi ng boarding house. Bago siya umuwi ay kumain sila sa katabing karinderya para pag-uwi niya ay wala na siyang ibang gagawin kundi ang makapagpahinga. Kailangan niyang ipahinga ang utak at katawan ngayon para sa aasikasuhing mga plates bukas. Kailangan niyang matapos ang mga iyon bago dumating ang Lunes.
Pagpasok niya sa bakod ng boarding house ay nakita niya si Ivy na nagsisindi ng kalan. Pasado alas sais na ng gabi ngunit maliwanag pa rin ang paligid. Bago siya makarating sa sarili niyang kuwarto ay madadaanan niya ang kalahati ng bahay na inookupa ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napatigil sa paglalakad at naakit na pagmasdan ito. Pinigil niya ang mapangiti ng madako ang paningin niya sa dalagang nakayuko at nag-aayos ng mga kahoy. Ramdam niya ang pagkairita nito habang sinusubukang sindihan ang kalan. Nakapusod ang buhok at nakasuot ito ng kulay puting sleeveless top. Wow. Hindi sinasadyang nakita niya ang cleavage nito. Mukhang naramdaman ni Ivy ang pagmamasid niya kaya tiningala siya nito. Mabilis niyang pinalis ang ngiti sa labi, nilipat ang tingin sa mukha nito saka humalukipkip.

"Anong iningigiti-ngiti mo diyan?" Sikmat nito sa kanya.

Sumeryoso siya. "Ano? Hindi ako ngumingiti," kaila niya.

Tumirik ang mga mata ni Ivy. "Huwag kang magsinungaling. Kitang-kita ko ang paglitaw ng dimple mo sa kabilang pisngi kaya alam kong ngumingiti ka! Pinagtatawanan mo ba ako?"

Hindi niya pinansin ang tanong nito sa halip ay itinuon ang paningin sa pilit nitong sinisindihang kalan.

Naisip niyang asarin ito. "Tatanda kang dalaga kung lagi kang masungit."

Umikot ang mga mata nito. "Eh, ano ngayon? Umalis ka na nga. Iniistorbo mo ako," anito na itinuloy ang ginagawang pagpapasindi sa kalan.

"Ang lakas ng loob mong bumukod, eh, magsindi nga lang ng kalan hindi mo pa magawa," aniya at nilapitan ito.

Madilim ang mukha ni Ivy ng muling sumulyap sa kanya. "'Yon ang gusto ko. Bakit ka ba nangigialam?" Angil nito.

Lumapit siya ng husto sa dalaga, inilapag ang dalang backpack sa bakanteng monoblock chair malapit sa kalan at walang sabi-sabing inayos ang mga panggatong na kahoy. Nginitian niya si Ivy na naguguluhang nakamasid sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon