22

85 1 0
                                    

RINIG ni Ivy ng magsimulang mag-strum ng gitara si Leo sa harapan niya. Hindi niya kabisado ang introduction ng kanta pero alam niyang maganda iyon base sa melodiya at malumanay na tempo. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng magsimula ng bumigkas ng liriko ng awit ang binata.
"Oh,  your eyes, your eyes, make the stars look like they're not shining. Your hair, your hair falls perfectly without you trying. You're so beautiful and I tell you everyday."
"Yeah, I know, I know when I compliment you, Ivy, you won't believe me. And it's so, it's so sad to think that you don't see what I see. But every time you asks me "Do I look okay?" I say When I see your face There's not a thing that I would change 'cause you're amazing. Just the way you are. And when you smile, the whole world stops and stares for a while. 'Cause, Ive, you're amazing. Just the way you are
"Your lips, your lips, I could kiss--"
Nag-init ang buong mukha ni Ivy dahil sa matiim na pagkakatitig ng binata sa kanya habang umaawit. Kakaiba ang ngiti nito. Ang ngiting iyon ang nagpapaalala sa kanya sa mga pangyayaring gusto na niyang kalimutan.
"Stop! Tama na. Okay magaling ka ng kumanta."
Nakita ni Ivy ang pagluwang ng ngiti ni Leo na umabot sa mga mata. Tumigil ito sandali ngunit agad ring itinuloy ang sa paghaharana sa kanya. Nailang na si Ivy kaya yumuko na lang siya. Nahihiya siya sa binata. Naramdaman niya ang paghawak ni Leo sa baba niya at inangat ang ulo niya para magkatitigan sila. Malapit na malapit na ang mukha nila sa isa't-isa. Matamis na ngumiti si Leo sa kanya bago inilayo ang mukha at nagpatuloy sa pag-awit.
"Your lips, your lips, I could kiss them all day if you'd let me. Your laugh, your laugh you hate but I think it's so sexy." Mabilis na inilapit ni Leo ang sarili sa kanya at may ibinulong. "You're so beautiful, and I tell you everyday."
Nilingon ni Ivy  si Leo at sinalubong ang maaliwalas nitong mukha. Malapit na malapit ang lalaki sa kanya. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito at ang pagtaas baba ng Adam's apple. Nangungusap ang mga mata ni Leo- may nais iparating sa kanya. Napahawak si Ivy sa dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Naging malikot ang kanyang mga mata, nataranta ng maramdamang kaunti na lang ay mahahalikan na siya ni Leo. Pigil niya ang paghinga, naghihintay sa susunod na mangyayari ng may cell phone na biglang tumunog.
I am saved, bulong ni Ivy sa sarili kasabay ng isang tikhim. Mabilis na dinukot ni Leo ang cell phone sa bulsa. "Sasagutin ko. Sandali lang."
Tumango si Ivy.
NANGHIHINAYANG si Leo sa pagkakataon. Gusto na niyang sabihin kay Ivy ang totoong nararamdaman ngunit nadaig siya ng kahinaan. Ito ang unang pagkakataon na magtatapat siya ng nararamdaman sa isang babae. Ngunit natapos na silang mag-agahan ay hindi pa rin niya nagagawa ang totoong pakay. Nasa loob pa rin ng bag niya ang dalawang bote ng mamahaling alak, at isang puting rosas. Natatakot siyang iabot iyon kay Ivy dahil baka hindi nito tanggapin. Guguho ang kanyang kakaunting pag-asa. Masyado pang maaga para masaktan siya. Ayaw niyang ma-reject. Wala sa bokabularyo niya ang salitang rejection.
"Hello, Gelo." Ibinalik niya ang paningin kay Ivy na nanood ng telebisyon.
"Good news, pare. Nahanap na namin ang problema mo. Come here."
"Talaga? Saan niyo nakita?" Ipinaliwanag sa kanya ni Gelo na kailangan niyang magtungo ng unibersidad para makausap ang kanyang professor.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Ivy sa kanya.
"Nahanap na raw ang malaking problema ko," masayang pahayag niya.
"Di mabuti kung gano'n."
"I'll be back. I love you."
"Ano'ng sabi mo?"
Bago tuluyang umalis ng bahay ni Ivy si Leo ay siniguro niyang nailapag niya sa mesa ang bigay niya kay Ivy. Sana magustuhan ng dalaga ang alak at bulaklak na bigay niya.
"Wala. Sabi ko mag-ingat ka. Babalik din ako agad," sagot niya na may ngiti sa labi habang humahakbang paalis ng bahay ng dalaga.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon