KADARATING ni Ivy galing sa trabaho. Binuksan niya ang telebisyon para manood habang namamahinga. Buong araw siyang pagod sa trabaho. Hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin ang katawan niya sa trabaho niyang nangagailangan ng buong araw na pagtayo. Malapit ng matapos ang pinapanood niyang pelikula ng bigla niyang pinatay ang telebisyon dahil hindi niya nagustuhan ang sumunod na eksena. Napuno ng lungkot ang dibdib na nakamasid siya sa kawalan. Para sa iba ay masayang eksena ang pagtatapos ng pag-aaral-isang napakalaking achievement at karangalan sa ng magulang ngunit hindi ganoon ang pahiwatig ng eksena sa kanya. Naging bitter na siya sa buhay simula makaranas siya ng maraming rejections. Nalulungkot siyang naaalala ang mga masasayang pangyayari sa buhay niya katulad ng pagtatapos at pagpasa niya ng board exam. Back then, she's always been strong and optimistic in her life. Kaya iniisip niyang ang hindi niya pagkakaroon ng trabaho ay isa lamang iyong pagsubok sa buhay. Lagi niyang pinaaalalahanan ang sarili na hindi dapat siya sumuko. Patuloy siyang sumubok mag-aplay ng trabaho ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya natatanggap. Hanggang sa napagod na siyang maghintay at umasa. Magdadalawang taon na siyang unemployed. Mahirap talagang makahanap ng trabaho.
Kaya pinili niyang umalis sa poder ng mga magulang upang sikaping makatayong mag-isa. Isa pang dahilan ay nahihiya siya sa nga magulang niya. Nagi-guilty siya sa isiping hindi man lang siya makapagbigay sa mga magulang. Lagi niyang kinaawaan ang sarili. Natatakot na siyang mag-aplay muli dahil baka hindi na naman siya tanggapin. Dagdag pasakit sa pride. Muli siyang nakaramdam ng lungkot at hindi na niya pinigil ang pag-alpas ng mga luha. Kahit man lang sa pag-iyak ay mabawasan ang sakit sa dibdib niya.LUGMOK na nakaupo sa sahig si Leo. Pakiramdam niya ay walang silbi ang pagsisikap niya sa pag-aaral. Nawalan ng saysay ang maraming beses niyang pagsusunog ng kilay. This should not going to happen! Pero ano pa ba ang magagawa niya? Wala na. Nagbigay man ng consideration si Ms. La Fuete ay hindi sapat iyon upang tumaas ang grado niya. Siguradong hihilahin ng mababang grado niya sa timber design ang average niya ngayong semester. Bakit ngayon pa nangyari kung kailan graduating na siya? Tumayo siya at lumabas ng bahay. Natanaw niya si Ivy sa nakabukas na bintana nito, nakatulala at parang kay lalim ng iniisip. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad upang bumili ng Emperador Light sa tindahan. Kailangan niyang makalimot sa problema at sa labis na panghihinayang na nararamdaman niya.
ISANG tikhim mula sa harapan ni Ivy ang nagpatigil sa pagdaloy ng mga aalala niya. Umalis siya sa loob ng bahay upang mapayapa ang sarili. Nakasalampak siya sa may pintuan at kasalukuyang gumagawa ng limang daang piso. Pagod na siya sa pag-iyak. Pagod na siyang kaawaan ang sarili kaya umalis siya sa harap ng telebisyon upang gumaan ang pakiramdam niya. Naudlot ang pagmumuni-muni niya at tumingala. Si Leo ang nabungaran niya ang hawak nitong isang bote ng alak.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah," pansin ng binata.
"Wala kang pake," masungit na pambabara niya na nakatingin sa lupa. Muli siyang tumingala ng mapansin na hindi ito umaalis sa harapan niya. "Bakit? Anong kailangan mo?"
Itinaas nito ang hawak na bote at ngumiti. Kumunot ang noo niya. "FYI, hindi ako umiinom."
"Hindi ko naman sinabing iinom ka. Kahit samahan mo lang ako," sabi ni Leo na wala pa man siyang permiso ay inilapit na ang isang maliit na mesa at dalawang monoblock chair.
Umangat ang kilay ni Ivy. "Hindi ako umiinom at wala akong panahong makipag-usap sa 'yo," aniya.
Prenteng naupo si Leo at inilapag sa mesa ang bote ng alak at ilang piraso ng chichiria. "Maglabas ka ng dalawang maliit na baso. Wala akong ibang mabili sa tindahan. Kaya pagtiyagaan na natin itong mga nabili ko."
Napatayo siya dahil sa narinig. "Ano? Ako pang inuutusan mo? Hoy, bahay ko ito, mister."
"Ako sana ang kukuha pero alam kong magagalit ka kung basta na lang akong pumasok sa teritoryo mo kaya kumuha ka na. Please?"
Nanatili si Ivy na nakamasid kay Leo.
"Sige na. Ngayon lang naman," patuloy ni Leo. "Samahan mo akong magwalwal."Napilitan siyang pumasok ng bahay at kumuha ng dalawang baso at inilapag sa mesa. Naupo siya sa katabing monoblock chair. Muli niyang binalingan si Leo at napansin niyang namumula ang mga mata nito. May lungkot siyang nababanaag sa mukha nito. "May problema ka ba?" Hindi na niya napigilan ang bibig na magtanong.
Tumingin si Leo sa kanya at malungkot na ngumiti. Kinuha nito ang bote ng alak at sinimulang buksan. Nagsalin ito sa dalawang baso. "Hindi ko ugali ang uminom. Ngayon lang," depensa ng lalaki.
"Akala ko, naayos ko na ang lahat ng kailangang kong requirements bago ang exam." Tinungga nito ang laman ng baso. Nagbukas ito ng chichiria.
Tinapunan ni Ivy ng tingin ang baso niyang nilagyan ni Leo ng alak ngunit hindi siya nag-abalang inumin iyon. Hindi niya hilig ang uminom.Sumandal siya sa backrest ng silya at pinagkrus ang mga binti. "Bakit?"
Tumingin ito sa mga ulap bago muling nagsalita. "Final exam namin ngayon. Excited akong pumasok kanina only to find out na may naghihintay na bad news sa akin." Muli itong nagsalin sa baso.Hindi uminom si Ivy. Patuloy niyang pinagmamasdan ang lalaking kaharap. Men can also be weak, she noticed. Nakikita niya ang lungkot sa mukha ni Leo na malaki ang problema nito. "Ano ba ang nangyari?"
"Pinagawa kami ng plano. Ilang buwan kong ginawa 'yon 'tapos nawawala lang."
"Paano nawala?"
"Ipinasa ko 'yong gawa ko Thursday afternoon. Then kanina, kinausap ako ni prof informing me na wala akong sinubmit na building plan. Bullshit!" Marahas na inisang lagok ni Leo ang laman ng baso niya.
"Malaki nga ang problema mo. Pero hindi lang naman ikaw ang may problema sa mundo," wika ni Ivy. Bumalik sa isip niya ang mga bagay na ipinagsisintir niya kanina. "Hindi dahil nakatapos ka, tapos ni rin ang problema."
"Alam mo ba ang sinabi niya? Binigyan naman niya ako ng consideration. Ipakita ko raw ang sinasabi kong gawa ko bago mag-alas sinco ng hapon. Hindi naman matatapos ang isang plano sa loob ng ilang oras. Mga linggo at buwan ang gugugulin."
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...